11 - Probinsyano

2 1 0
                                    

Ako'y taga Timog, ika'y taga Hilaga,
Magkaibang mundong tila binigkis ng tadhana.
Buhay mo sa syudad, iba sa amin sa Probinsya,
Milya man ang agwat, 'di alintana ang distansya.

Oras ang naging pagitan para sa magkalayo nating mundo,
Salungat man ang mga hilig, mga puso nama'y magkasundo.
Damdaming nakakandado, ikaw lang ang nakapagbukas ng pinto.
Kaya pangako, ang pag ikot ng ating mundo, kailanma'y 'di hihinto.

Simple lang naman ang buhay na kaya kong ibigay,
Gaano man kabagal ang panahon, ako'y handang maghintay.
Ilog ma'y matuyo, lupa ma'y maabo, pangarap ma'y mahimlay,
Magunaw man ang mundo, hinding-hindi tayo maghihiwalay.

iRONic SeasonsWhere stories live. Discover now