Chapter 4

0 0 0
                                    

Ngayon lang ulit ako nakatulog ng hindi nagigising tuwing alas tres. Dahil siguro wala na kong alalahanin na gawain, o baka naman dahil sa de kahoy na kama. Napaniginipan ko ang mga panahon na lantay na kama ang hinihigaan ko, sa bahay 'yon ni Lola. O baka naman dahil sa sariwang hangin galing sa bintana. Hindi ko talaga mararanasan to sa 2023 dahil una, tanga lang ang magbubukas ng bintana habang natutulog mag-isa sa isang syudad na maraming akyat-bahay. At pangalawa, wala namang fresh air, walang dahilan para buksan ang bintana.

Binuksan ko ang aking bintana. Pumasok ang malamig na hangin. Ang buong bario ay nabalot ng maputlang asul. Kakagising pa lang ng haring araw at unti-unti pa lamang siyang bumabangon. Humihikab pa ang nagluluto sa panciteria. Dumaan ang isang kalesa at kinayawan siya ng kutsero. Tumango siya at ngumiti bilang tugon habang nagsusugkay sa kawali.

Ang tahimik. Para akong nagbabakasyon sa probinsiya namin. Gusto kong matulog ulit sa lamig pero hindi 'to bahay ng lola ko. Hindi ako iintindihin kung matagal akong magigising. Nakakahiya rin, baka masabihan akong tamad (na totoo naman). Inayos ko ang kama at tumayo para tupiin ang kumot. Nagdasal ako sa may bintana at bumaba na ng hagdan.

Amoy na amoy ko piniritong itlog. Ang tunog nito ay parang pagpatak ng ulan. Sinilip ko ang kusina habang pababa. Ang kaibigan ni Lucas ang nagluluto. Tinabunan niya na ang kalan at sunod sunod maririnig ang pagputok ng itlog sa mainit na mantika. Nanabako siya habang hinihintay na maluto ito, malayo ang tanaw sa bintana ng kusina. Bumaba ako at nilibot ang sala. "Ah, asan si Lucas?" nahihiyang tanong ko sa kaniya.

"Babalik rin yon," sagot niya at inalis sa baga ang kalan. Pinatong niya ito sa kahoy na patungan. Pumasok ako sa kusina at hinila ang mabigat na kahoy na upuan.

"Nabanggit nga pala ni Lucas sa 'kin," pagsubok kong magsimula ng usapan, na napakadalang mangyari. "alam mo raw ang tungkol sa 'kin? Gaya ka rin ba niyang anghel na time traveller o kung ano man kayo?"

Napatawa siya at muntik ng mahulog ang sigarilyo. Siya ata 'yong tipong natural na killer smile ang pagngiti. Hindi ako magugulat kung mala-Rizal ang love life nito. Kinuha niya ito sa bibig at nagsalita, "Hindi kami anghel," nakangiting sagot niya habang kinukuha ang mga plato at kumbyertos sa aparador. "Ang mga tao, hindi nagiging anghel 'pag namatay."

Inilatag niya ang mga ito sa mesa at hinain niya ang itlog at ang kanin. Umupo siya sa pang-isang taong gilid ng mesa, nasa kaliwa niya ako."Ipapaliwanag ko sayo ang lahat, pero pakainin mo muna ako, kahit isang kutsara lang. Kanina pa 'ko gising, e." Hiniwa niya ang itlog gamit ang kutsara dahila para dumaloy yolk nito. Linagay niya ito sa kanin at agad-agad na binuka ang bibig. Tumunog pa nga ang kutsara sa ngipin niya sa bilis ng kaniyang sumubo.

"So ano nga," tanong ko agad matapos siyang uminom ng tubig. Nagsimula siya sa pagpaliwanag ng kung paano sila namatay,

Ikinuwento niya kung paano sila naging biktima ng pananakop at namatay. Pati na rin kung paano sila napunta sa langit galing sa sulad o purgatoryo.

"Hinati kami base sa pagkamatay namin at kung paano kami nabuhay. Ang mga namatay dahil sa kanilang kabayanihan at nabuhay ng marangal ay binibigyan ng pangalawang pagkakataon na bumaba sa lupa at baguhin ang gusto nilang baguhin. Kaya naman ay maaari kaming maglakbay sa iba't ibang panahon. Kaya rin naming hindi magpakita ng ilang minuto."

"Kung ganoon, bakit ako? Bakit ang sitwasyon ko. Anong kinalaman niyang si Lucas-"

"Hindi ko alam, pasensya na," pabuntong-hininga niyang pagsapaw sa'kin. Nagpatuloy silija sa pagkain at snad naming piler. watan ay ang mga karanasan niya bilang time- (Binkita niya ang panahon ng mga thing kuweba kahit I wala naman siyang kailangang baguhin rom. Nagpasikat lang siya sa mga ito, inakala raw milang diyos siya o kung ano man ng agad-agad siyang nakabuo ng apoy gamit ang lighter na nakuha niya sa modernong panahon.

Huling Sulat (Last Letter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon