CHAPTER 3
Nang malaman ni Stars na nawawala ang locket niya sa kanyang leeg ay kaagad siyang umuwi. Hinanap niya kaagad iyon sa kanyang cabinet pero hindi niya nakita. Ipinapalagay niya baka namisplace niya lamang iyon kung saan dito dahil pagkagising niya ay nahawakan niya pa iyon. Hindi naman siguro nahulog iyon habang nagbibisekleta siya. Napahawak siya sa kanyang noo at pabalik-balik na naglalakad sa harapan ng kama niya. Hindi niya na alam ang gagawin.
Napagod siya kakalakad kaya sa kahulihan ay itinapon ang sarili sa malambot niyang kama at tumingin sa kisame. Iyong kwentas na iyon ibinigay iyon ng Papa sa kanya kaya mahalagang-mahalaga para sa kanya ang locket na iyon.
Bumalik sa isipan niya noong panahong wala pa siyang alam. Ang tanging alam niya lang ay ang maglaro at ngumiti sa lahat na parang walang problema. Walang mga tanong na mahirap sagutin basta ang alam lang ay masaya siya at walang ibang iniisip. Maliwanag ang araw at napakaganda ng paligid noong araw na iyon. Niyaya niya ang Papa niya na maglaro na hindi naman nito tinanggihan. Masaya siya kapag tuwing kasama niya ang Papa niya.
Nakangiti silang pareho at tumatawa ngunit sa kanyang paglingon ay nakita niya itong dahan-dahang natumba sa damuhan. Nawala ang mga ngiti niya at narinig niya nalang bigla ang sigaw ng Mama niya at dali-daling pumunta sa direksiyon nila. Hindi niya alam ang gagawin dahil hindi niya alam ang nangyayari. Nakita niya ang Dad niya na ngumiti sa kanya habang inaabot ang kamay. Gayundin ang ginawa niya sa kanya. Unti-unting nawawala iyon at pinikit ang mga mata kasabay ng malakas na hangin at ang mga naghuhulugang dahon. Kinabukasan nalaman niya nalang na wala na ang Papa niya. Para sa kanya mahalaga ang oras. Bawat segundo parang bula hindi mo namamalayang unti-unting nawawala.
Naramdaman niya ang pagtulo ng luha niya mula sa gilid kaya kaagad niya itong pinunasan. Sa tuwing ganito ang nararamdaman niya ay tumitingin siya sa mga bituin. Iyon ang paboritong gawin nila ng Papa nila tuwing gabi. Siguro dahilan iyon kung bakit pinangalanan siyang Stars. Dadating ang araw na magiging isa sa mga bituin na nagniningning sa kalangitan.
Itinayo niya ang sarili at nagpunta sa may bintana. Imbes na mapatingin siya sa kalangitan ay napansin niya ang kabilang bintana na bukas at nakita ang lalaking abala sa ginagawa. Napataas ang kilay niya ng maalala ang gabing una silang nagkita. Kumuha siya ng papel at ballpen at umupo sa harapan ng binatana. Sumitsit siya sa kabilang bahay para mapansin siya ng lalaki. Hindi naman siya nabigo dahil kaagad na napatingin sa kanya na may inis sa kanyang mukha. Nagsulat siya ng malalaking letra sa papel at hinarap para mabasa hanggang sa kabilang bahay. Hindi naman mahirap iyon dahil may lampost na nakatayo sa magkabilaang bahay at saka napag-isipan niyang glow in the dark ang ginamit niya upang makita ng husto.
"HI" iyan lang ang isinulat niya at ngumiti sa kanya. Kunot-noo siyang tiningnan ng lalaki pero kumuha din ito ng sariling papel at ballpen para magsulat.
"HELLO" binasa iyon ng maigi ni Stars at ng makuha niya iyon at napatango siya at nagsulat sa sariling papel. Marunong naman palang bumati!
"AKO SI STARS" pagpapakilala sa sarili niya at iniharap sa binatana para makita. Nakasulat iyon sa malalaking bold letters para makuha ng lalaki sa kabilang bahay. Pakiramdam niya ang lame ng pinag-uusapan nila. Parang batang una pa lang magkilala.
BINABASA MO ANG
Destined Love
Teen FictionMay mga taong nasa paligid lang pero hindi natin pinapansin Pero may tamang oras at ipagtagpo ulit kayo Sa paraang akala niyo hindi niyo kiala ang isa't-isa ngunit iyon naman pala ay nagtagpo na. Nagtagpo kami ng hindi namin inaasahan at hindi si...