Treize.

184 12 5
                                    

Treize.

[JULIET]

It was pitch black. I couldn't see anything. But I could feel someone holding my hand.

And then, something was pulling me. It was as if a light appeared at the end of a long, dark tunnel. I tried holding on to that hand but no matter what I do, nahahatak ako palayo.

Hanggang sa nabitawan ko yung kamay na yun.

"Juliet! Anak!" Naramdaman at narinig ko si Mommy bago ko siya makita. Yakap yakap niya ko at umiiyak siya. Gusto ko siyang patahanin at yakapin pabalik pero mabigat yung buong katawan ko. Kaunting galaw ko lang, nanghihina na ko.

"M-mo... mommy."

"You're awake. You're safe! Thank God!"

Tumingin ako sa paligid. Tama si Mommy. Nagising na ko, buhay ako, okay na ko. Pero bakit ganon? Sobrang lungkot ng pakiramdam ko? Parang may kulang. Parang may hinahanap ako. Pero hindi ko alam kung ano. Basta sobrang lungkot yung nararamdaman ko.

Para akong nagising mula sa isang magandang panaginip.

"A-ano pong nangyari?"

"You don't remember? Nabangga yung sinasakyan mong bus. Papunta ka daw noon sa Eiffel Tower pagkatapos may nakabanggang isa pang bus yung sinasakyan mo. Isa ka sa mga kaunting survivors."

Bus? Oo, may bus. Sumakay ako sa bus. Tapos yung mayabang na lalaki... 'yung mukhang foreigner pero nagtatagalog... umupo siya sa tabi ko.

Nagpakilala siya. Hindi ko maalala yung pangalan niya. Pagkatapos nun, may mga sigawan at may isang malakas na tunog. Tumagilid yung bus at nahuhulog ako... nahuhulog...

Sumasakit yung ulo.

"Juliet? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Bakit ka umiiyak?"

Nakaligtas din ba siya sa aksidente? Buhay pa ba siya? Hindi ko alam kung sino siya, hindi ko alam kung anong kwento niya. Kahit pangalan niya, hindi ko matandaan. Isa lang siyang lalaking nakatabi ko sa bus. Ang alam ko lang, sobrang nalulungkot ako.

"Juliet, anong problema?" Nag-aalalang tanong ni Mommy sa'kin.

Umiling ako because I don't know either. Basta sobrang bigat ng pakiramdam ko at naiiyak ako kahit walang dahilan.

Tinawag ni Mommy yung mga doctor at may mga nurse na pumasok sa kwarto ko. I just stared at the ceiling.

What is this feeling?

* * *

"Juliet? Ready ka na ba?" Napatingala ako nung pumasok si Mommy sa hospital room ko.

I nodded, "Nakapagbihis na po ako."

"Okay, pipirmahan ko lang yung papers para sa discharge mo. Then we'll be on our way to the airport. Our flight is in three hours."

"Sige po, Mommy."

"By the way, eto na yung phone mo. Nakuha nila sa mga gamit mo pagkatapos ng aksidente. Nacharge ko na yan, maraming nag-aalala para sa'yo sa Maynila."

Inabot sa'kin ni Mommy yung phone ko bago siya nagmamadaling lumabas ng kwarto. I opened my phone at nakita ko ang napakaraming messages galing sa ilang mga kaklase at kamag-anak ko. There were tons of texts from my teammates at sa mga schoolmates ko. Apparently, kalat na sa school yung nangyari sa'king aksidente. It's been almost two weeks since nagising ako and the day after, bumalik na sa Pilipinas si Coach Weng at yung buong team dahil nandito na si Mommy para alagaan ako. I had to stay in the hospital because I suffered three bruised ribs from the accident.

City of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon