Quinze.

342 18 20
                                    

Quinze.

[JULIET]

"Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko noon. At kung... kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon, babawi ako sa'yo. Papatunayan ko sa'yo na totoo na yung nararamdaman ko ngayon at hindi na kita ulit lolokohin. Just please... give me another chance, Juliet."

I sighed and I continued browsing from the books of National Bookstore. Naghahanap kasi ako ng copy ng Hunchback of Notre Dame by Victor Hugo because I remember na matagal ko nang gustong basahin yun.

I wasn't able to answer Ian then and he agreed to give me some time to think it over. It should've been obvious, right? Niloko niya ko kaya dapat lang na layuan ko na siya. But why wasn't I able to just reject him there and then?

Maybe it's because he's my first love, he's the first guy whoever noticed me, who made me feel special. And it's not easy t let go of that. Kahit pa anong mangyari sa pagitan niyo.

Napatigil ako nung may makita akong isang libro.

"Hitchhiker's Guide to the Galaxy," I whispered to myself. I looked at it for a minute longer than what was normal bago ako nagdecide na bilhin din yun. Minsan kahit ako nawiweirduhan sa sarili ko. I found a copy of Hunchback pero naagaw naman yung pansin ko nung Culinary books sa kabilang shelf. I happily immersed myself in those books for the next half hour bago ako magdecide na bilhin yung isa na may interesting recipes ng desserts.

Papunta na sana ako sa cashier nung may nakabangga akong lalaking naka-red cap.

"Sorry!" Mabilis na sabi ko sa kanya.

"Sorry din." He bowed bago niya ko nilagpasan at dumiretso sa shlef ng culinary books. I saw him get the same culinary book that I chose tapos napatingin siya sa'kin, probably because I'm staring him like some weirdo. I immediately turned away from him at nagmadali na ko papunta sa cashier, my face flushing in embarassment.

Pagkatapos kong magbayad, dumiretso na ko sa terminal at sumakay ng fx pauwi. Doon ako sa pinakadulo umupo, yung pang-apatan na magkakaharap na upuan. After a while, nakita kong pumasok din sa fx yung lalaking naka-cap kanina at doon siya umupo sa pinakaharap.

Sinuot ko na lang yung earphone ko at sumandal ako. I closed my eyes as I listened to the music.

This is my heartbeat song and I'm gonna play it
Been so long I forgot how to turn it up, up, up, up all night long
Oh up, up all night long

And while I slept, I dreamt of Paris again.

I dreamt of lying down on a boat cruising the river Seine, looking at the night sky. I dreamt of a voice singing the same song to me.

Nagising ako na nakahinto yung fx at nanlaki yung mga mata ko nung marealize kong eto yung babaan ko. May nagsarang pintuan at nagsimulang umandar ulit yunf fx.

"Manong! Teka lang po! Bababa po ako!"

Mabilis na nagbreak yung driver kaya nalaglag tuloy yung mga kapwa ko pasahero paharap dahil sa biglang paghinto nung sasakyan.

"Ano ba 'yan, Miss! Bakit hindi ka pa kasi bumaba kanina?" Reklamo nung mga tao.

"Sorry po! Nakatulog po kasi ako. Sorry po talaga!" I apologized to them habang pababa ng fx. Nagmamadali akong tumawid ng kalsada kasabay ng iba pang mga pedestrian tapos pumasok ako sa isang street.

Napabagal ako sa paglalakad nung marealize kong naglalakad sa harapan ko yung lalaking nakasuot ng red na cap na nakabangga ko sa bookstore at nakasakay ko sa fx.

Teka, sa isang street ba kami nakatira?

Kumaliwa siya, at nagkataong doon din ako papunta.

Teka lang? Hindi ba ang weird nito? Pano kung makita niya ko at maalala niyang nahuli niya kong tinitignan siya kanina? Ano ba 'to, pakiramdam ko stalker niya ko kahit hindi naman. Pero sadyang pareho lang talaga yung pinanggalingan namin at pareho kami ng pupuntahan. Anong magagawa ko? Tsaka isa pa, nauna kaya akong sumakay sa fx! Hindi niya lang ako nakita kasi sa unahan siya sumakay. Teka nga, bakit ba ang defensive ko eh sarili ko lang naman kausap ko?

City of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon