"Mrs. Sandoval," Panimula ng secretary kong si Alex.Napahinto ako sa sinusulat ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. It still felt surreal that I married a complete stranger. Mag dadalawang linggo na akong kasal kay Kier. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyong ginawa ko.
Pakiramdam ko ay sinadya ni Alex na tawagin ako sa gano'ng apelyido. The feeling was just- strange. Siguro ay dahil hindi naman iyon ang apelyidong inaasahan kong durugtong sa pangalan ko.
"Nasa labas po si Ms. Chan."
Tiniklop ko ang folder sa harap ko at tinabi iyon sa isang gilid.
"Tell her to come in."
She nodded, "Sige ho, Ma'am."
Pinanood ko siya lumabas ng office ko. Nakatingin lang din ako sa pinto hanggang sa pumasok ang best friend kong si Chantal.
"Bal!" She exclaimed excitedly.
"Hey," Mahinang bigkas ko.
Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi pagkatapos ay umupo sa isang silya sa harap ng table ko.
"How are you?" Bakas sa mukha at boses nito ang pag-aalala.
I faked a smile, "Good."
Bumuntong hininga siya at tinitigan ako. She could read me. For more than 20 years na mag-best friends kami kilala niya na ang kadulu-dulohan ng ugali ko. Ganun din si Hailey. But of course, I would always say na okay ako dahil sabi nga, wala namang taong umaamin na hindi sila okay.
Napatingin ako sa brown envelope na nilapag niya sa mesa ko.
"A little bit late, but I guess this could help." She said looking so worried.
"What's that?" Kunot noong tanong ko.
Muli siyang bumuntong hininga at binuksan ang envelope. Kinuha niya ang mga papel sa loob and handed me a piece of paper.
Kumunot agad ang noo ko nang makita kung anong nakalagay sa papel.
"Kier Joyve Schmidt Sandoval..." Bigkas niya sa buong pangalan ni Kier na nakikita ko nga sa papel na binigay niya sa akin.
Tiningnan ko ang 2x2 sized photo ni Kier sa isang gilid, then I read silently some personal information about him.
Kier Joyve, Schmidt, Sandoval
Born on October 5, 1990
Age: 27
Height: 6'1
Eyes color: Dark brown
Hair color: BlackTinigil ko na iyon doon.
Nag-angat ako ng tingin, "Where did you get this information?"
"You know, connections."
I slowly tilted my head. Minsan napapaisip ako kung may plano siyang pumasok sa NBI sa galing niyang kumuha ng mga information.
"He's rich as in super rich. I mean, you know... multi-billionaire." Muli siyang nag-abot ng papel sa akin.
"List 'yan ng mga properties nila dito and abroad. Hindi pa 'yan kompleto."
I heaved a sigh, "Bal, I don't need this."
Muli itong nag-abot sa akin ng papel, "What about this one?"
Tiningnan ko siya saglit bago kuhanin ang papel na inabot niya. Namilog ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko sa nakita ko. It was a mug shot of him.