Aizen SantosKumakabog ang dibdib habang humahakbang papunta sa office ni Dad. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na harapin ito kahit pa isang palapag lang mula sa opisina ako ang opisina nito.
Bumuntong hininga ako bago kumatok sa opisina nito.
"Come in."
Nagsisikip ang dibdib na pumasok ako sa loob ng opisina nito. Subsob ito sa paperworks wearing his reading glasses. Hinubad niya iyon nang makita ako.
"Dad..."
Seryoso ang mukha nito. I thought he was mad at me pero unti-unting nag-form ang ngiti sa mga labi nito.
"My beautiful daughter..."
Napangiti naman ako at naluluhang lumapit sa kanya. Tumayo naman ito agad at niyakap ako.
"Dad, I'm sorry... I'm sorry for not telling you and mom na nagpakasal ako."
"Shhh, it's okay honey," Humarap ito sa akin at ngumiti nang alanganin. "you're a woman now, you make decisions on your own at 'yon lang ang hindi namin matanggap ng mommy mo. Sino nalang ang baby namin?"
I chuckled habang nakatingin sa naluluhang mga mata nito.
"Oh, please. Don't cry, dad."
Agad nitong pinunasan ang mga mata, "Mahirap lang tanggapin na malalayo ka na sa amin ng mommy mo."
Naalala ko, ganoon rin ito ka-affected nang mag-propose sa akin si Kevin.
"Dad... hindi naman ako malalayo sa inyong dalawa ni mom. Never."
Muli itong ngumiti nang alanganin, "Mahal na mahal ka namin ng mommy mo."
Napangiti ako, "I know, Dad. I also love you both to the moon and back."
"Sabihin mo sa akin kapag may ginawa sa 'yong hindi maganda ang Sandoval na iyon."
Magsasalita sana ako pero may nagsalita mula sa pinto.
"Ako mismo ang magsasabi sa 'yo." Walang ekspresyong saad nito.
Argh, hindi man lang marunong kumatok. Pakiramdam yata nito ay pagmamay-ari niya lahat ng bagay sa mundo.
"Don't you know how to knock?" Taas kilay na tanong ko rito.
"Get out. I'll talk to him." Maawtoridad na utos nito.
Bahagya akong napanganga. Seriously? Baka nakakalimutan niyang hindi sa kanya ang building na ito para utusan akong lumabas sa mismong opisina ng ama ko.
"It's okay, honey, leave us alone." Said dad.
I mentally rolled my eyes. Bumaling ako muli kay dad at bineso ito.
"Miss you, dad. I'll visit you and mom soon." Mahinahong sabi ko at humakbang na rin ako palabas ng pinto while simply checking him out.
He looked so pure in his white sleeves. Nakatupi iyon hanggang sa siko at nakabukas na naman ang ilang butones sa gawing dibdib. He was also wearing a fitted black slacks.
Pagsara ko ng pinto ay agad akong sumagap ng hangin. Why he always look great kahit parang pinagkaitan siya ng happiness ng mundo? Lagi siyang walang ekspresyon pero nananatili pa rin ang kakisigan niya. Life could really be so damn unfair.
Habang nakaupo sa swivel chair ko ay iniisip ko kung anong pinag-uusapan nila. Napangiti ako nang mapakla. Nakakaramdam ako nang pamamasa ng mga mata. Alam kong hinintay nila akong sabihin sa kanila ang kasal. Gusto ko lang paghandaan ang pagharap ko kay mom dahil ayokong umiyak sa harap nito.