✿ Chapter: 4

138 6 2
                                    

Alas dos palang, nakaramdam na ako ng pagka-gutom. May gusto ako kainin na hindi pwedeng ipagtapat ang kanin at ulam namin kanina. Iba ang pakay ko kainin ngayon.

Bumangon ako para makahanap ng pagkain sa ref. Unfortunately, there was nothing I wanted to eat. No gummy candies!

Napahawak ako sa aking tiyan. Ayaw ko man kumain nun dahil masyado matamis... Pero ngayon parang gusto ko kumain nang maraming gummy candies! 'Yung medyo sour.

Gosh, I'm drooling. Naiisip ko palang, kumakalam na agad ang aking sikmura.

Mabilis ako napailing. Hindi ako pwede kumain nun. My stomach needs only healthy foods for the baby.

I just prepared a cucumber and put it in the water. Ang ibang natira naman ay pinapak ko. Ngunit kahit kumakain ako ay pumapasok parin ang gummy candies sa utak ko.

Nagsisimula na ang paglilihi ko.

Napasulyap ako sa cellphone. Nasa ibabaw ng lamesa. I stood up to reach for it. I want to text Xeron so he can buy gummy worms.

Kaso, ang kahihiyan ko sa katawan ay muling umiral.

May ilang text na bumungad sa akin nung buksan ko ang cellphone. Puro sakaniya lang naman.

Unknown number:

- Hi. Nandito na ako sa work!

Unknown number:

- beh, reply kana. May load kana diyan. 🤩

Unknown number:

- Natulog kana? Luh, 'wag muna. Wala akong ka late night talks.╥⁠﹏⁠╥

Unknown number:

- Beatrice, mag-ingat kayo, ah. 'Yung bata...wag mo hayaan magutom.

Unknown number:

- beh....

My lip almost bled as I kept biting while reading some of his messages. May missed call pa nga e. Hindi ko lang nasagot dahil nakatulog agad ako sa kwarto.

Sinubukan ko mag tipa sa keyboard ngunit natitigilan ako minsan. Feeling ko makakaistorbo lang ako sakaniya kapag tinext siya.

But...I really want to eat gummy worms.

I sighed and continued typing.

Me:

- I want gummy candies..... please.

Wala pa ilang minuto nag reply na agad siya.

Unknown number:

- Anong klaseng gummy candies? Ung pustiso ba, uod, pineapple...o ung butiki?

Kumunot ang aking noo. Ano 'tong pinagsasabi niya? Ba...bakit may pustiso? Gosh, wala ako maintindihan! Bakit pagdating sakaniya nagiging bobo ako?

Me:

- Worms sana, thankieesss.

Pag send ko, nag reply agad siya.

Unknown number:

- Sige, uwi na em.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa.

Me:

- No! Kahit mamaya nalang kapag tapos kana sa work.

Talaga bang, uuwi siya? Pero akala ko ba... Mamaya pa siya uuwi. Oo, aminado akong gusto ko agad kumain ng gummy worms. Pero, hindi ko naman alam na uuwi siya para bilhan ako nun!

Glamorous Route for Escape (An Angel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon