✿ Chapter: 12

90 2 0
                                    

"Kanino kalang?" Nang-aakit niyang tanong sa tenga ko. We were sitting on the sofa, I was leaning on his chest while his fingers were playing with my hand.


Umangat ang aking tingin dahil sa nakakakilabot niyang boses. "What?" I frowned. I don't get it right away.



He slowly smiled and ran his hand through my slippery hair. "Sabihin mo...sayoO~." Saad nito na paungol. Ninakawan pa ako ng halik sa noo.



My cheeks got hot and I immediately pinched him to hide the shame on my face. "B-Baliw." Saad ko bago iniwas ang tingin.



Nag pakawala ito ng tawa bago maramdaman ang labi nito sa buhok ko. Mas lalo niya ako isiniksik sakaniya. "Eh, sino ako?" Tanong pa ulit niya.



Sa pagkakataon na ito umikot ang dalawang mata ko. "Shut up!" I yelled.



His laughter grew louder, mas lalo ako pinag-gigilan. Hindi ko narin maiwasan mahawa sa tawa niya.



"Nga pala, fluffy.." naalis ang ngiti niya sa labi.



"Hmm?" I asked.



"May one week rest ako, gusto ko sana mag tagaytay." He scratched his head, embarrassed. "Okay lang ba sa'yo?"



Kumunot ang noo ko. "How many days are we there?"



Dinilaan niya muna ang ibaba ng kaniyang labi. "One week po." He answered.



Nakatitig lang ako sakaniya. Biglaan naman kasi siya nagsabi. Atsaka hindi ko rin naisip na mag-aaya siya, masyado kasi ito busy sa trabaho at sa amin ni baby.



I bit my lip. I suddenly thought that maybe he wants a few days rest because he is too tired right now. Istress ata siya these past few days.



My palm immediately landed on his forehead, na parang may pinupunasang pawis sa parte na 'yon. "Masyado kaba namin napagod ni baby?" I asked softly before stroking his soft hair.



Napapikit ito sa ginawa ko. Laking gulat ko nang hulihin niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng palad ko. "Hindi ako napagod kahit pagapangin mo pa ako para pahanapin ng gusto mo." He smiled.



"Basta para sa mag-ina ko, handa ako mapudpod sa trabaho para mabigay ang gusto niyo." Saad niya habang titig na titig sa akin, namumungay ang mata.



I raised my brow. "Paano kung nakaluhod?" Tanong ko, pinipigilan matawa.



Napalayo siya sa akin. "Minsan nakakatakot ka mag-isip, fluffy." Sabi nito habang naiiling.



I just laughed. This time I learned to be comfortable with him. Hindi tulad noon na nasanay ako sumagot ng isang salita sa tuwing kinakausap niya 'ko.



"Just kidding." Tumagilid ako para yakapin siya.



Umangat ang aking tingin at kitang-kita na napalunok siya sa ginawa ko. "Ang ganda mo." He mouthed. "Sa tingin ko ganiyan rin kaganda ng magiging anak natin."



Nung nakaraan nag pa-ultrasound ako para alamin kung ano ba ang gender ng baby namin. Hindi nga mapakali si Xeron nun sa sobrang excited. Natatawa rin ang doktora dahil nung malaman niya ang gender halos gusto na ata ako paanakin. Tinatanong na kung kailan 'yung possible date na pwede ako manganak.



"Gusto ko maging kamukha mo." I chuckled.



Napasimangot siya. "Oh, bakit parang natatawa ka?"



Glamorous Route for Escape (An Angel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon