"Hoy, pre! Kanina pa nanganak si Beatrice.. hindi ka parin tumitigil sa kakaiyak." Clark furrowed his brow while looking at his friend. "Eto naman parang anak niya ang iniluwal kung umiyak." He pointed to Josh.
Hindi siya pinansin nung dalawa. Xeron kept wiping away tears while Josh tried to hold back his, probably embarrassed to cry.
Kanina kasi no'ng pinapasok palang ako sa room halos mataranta na sila. Kulang nalang lagyan ng background music para mag mukhang teleserye.
"Ang ganda niya." His face lifted with tears welling in his eyes. "Our baby is beautiful, fluffy."
"Pre, akala ko ba bading lang ang umiiyak sa ganito?" Naiiling na saad ni Clark. "Noon, tawang tawa kapa nang makita mo umiiyak 'yung asawa ni Hari."
"Oo nga, noong nanganak asawa ko sinabihan mo akong bading kasi iyak ako nang iyak." His face stretched as he recalled everything Xeron had said to him.
"Oo nga, tapos iiyak ka rin pala." Dagdag pa ni Clark.
Naalis ang tingin nito sa anak namin bago tingnan ang dalawang nakangisi ngayon sakaniya. "Tangina oo na bading na rin ako!" Nagkakamot sa ulo niyang saad. "Sino ba naman hindi maiiyak kung ganito kaganda ang anak mo."
"Kabahan ka kapag naging kamukha 'yan ni Josh."
"Ikaw ang kabahan kapag naging kamukha ni Josh ang magiging anak niyo ni Creselia." Ganti niya.
"Gagu, 'wag na uy!" He glanced back and forth between his two friends, tumagal lang saglit kay Josh, nandidiri siya tumingin sa lalaki.
Napansin ni Josh ang kakaibang tingin sa kaniya. Nangasim ang mukha nito. "Pucha ano akala niyo sa akin mag pa-pakarat sa mga asawa niyo? 'Di na uy!" He hugged himself. "Parang binaboy niyo na ako kung gano'n."
"Mas mabuti kung umuwi nalang kayo." Hindi nakapag pigil si Xeron, binuhat niya ang baby na mahimbing na natutulog. "Clark, isama mo na 'tong si Josh."
Inismaran siya nito. "Kaya na niya umuwi, atsaka hindi naman 'yan hinahanap sa bahay nila."
"Parang sinabi mong wala akong silbi para magkaroon sila ng pake?" Nakasimangot na tanong ni Josh.
"Oy, ikaw nag isip niyan hindi ako." He smirked.
"Hindi... Parang gano'n talaga iniisip mo, e." Umiiling-iling pa ito. "Ganiyan pala tingin mo sa akin."
"Hindi lang naman ako." Ipinag laban niya ang sarili. Lumapit siya sa kaibigan niya at tinapik ang balikat nito. "Bago pa ako, nauna na sina Alyssa."
Akmang bu-bulyawan niya si Clark nang bigla ito natigilan. "Speaking of. Tumawag sa akin si Alyssa. Tinatanong kung sino raw ang nanganak." Sabi niya sabay tingin sa amin dalawa ni Xeron. "Siguro mas mabuti unti-untiin niyo na sina Alyssa."
Clark nodded immediately. "Tama siya, baka naman paabutin niyo muna mag debut si Abella bago niyo ipaalam." Biro niya.
Pansin ko ang pag sulyap ni Xeron sa pwesto ko. "Sa susunod na siguro pag handa na si Fluffy. Sa ngayon priority muna namin si Abella. Ekis muna sina Alyssa." He chuckled. "Alam naman ni Sherel ang tungkol sa amin." Dagdag niya.
"Alam niya na?" They both asked in surprise. "Buti hindi chinismis doon sa mga siraulo niyang kaibigan." Pahabol ni Clark.
"Na pagsabihan ko na agad." he said, his gaze shifting to the baby sleeping peacefully in his arms. "Kahit naman masama ugali nun may kaunting kabaitan naman natitira sa kaniya."
"Malamang ikaw ba naman makapag asawa ng suplado at hindi palangiti, sino hindi babait." Napatawa si Josh, as in siya lang tumawa.
"Alam mo lahat ng pinagsasabi mo walang konek." He received a playful punch from Clark.
BINABASA MO ANG
Glamorous Route for Escape (An Angel Series # 1)
RomanceAn Angel Series#1 Beatrice Ethlyn Lopez is a beautiful with brain, generous, selfless and softhearted. Siya ang tinaguriang 'Hindi makabasag pingga.' Every woman admired her. In the eyes of others, she is the embodiment of all the other women's drea...