CHAPTER 1

64 3 7
                                    

PS: Sorry sa mga wrong grammars



Kei's POV

Agad bunangon ng marinig ang aking alarm clock, gusto nyong marinig? eto sabi, wag nyo tatawanan ah

"mama? tenkyu berimats yu no dat i lab chicken nuggetzzz!"



Oh, diba mga anak ni melay ang sounds ng alarm ko, wag kang tumawa be


Lunes nanaman may pasok nanaman, ihhh!

Agad akong nag prepare dahil, syempre no choice ako e kahit nakakatamad bumangon ay ginawa ko pa rin. Aba good student ang ferson e HAHA


Pagtapos kong mag bihis at mag ayos ng sarili ay bumaba ako para lumamon dahil nag wawala na ang anaconda sa aking tyan



"Ma, babayaran na yung workbook na sinasabi ko para ngayong 2nd Sem" ako


"Hanggang kailan ba yan?" tanong ni mama


"Sabi ni ma'am, this week dapat mabayaran na daw" sagot ko


"Sige. Gagawan natin yan ng paraan" tugon ni mama at parehas kaming napangiti


Sakto namang bumaba ang dalawa kong kapatid, si Klark at Roi

"Aba! ang bango, nakakagutom naman" sambit ni Roi

"Yung pogi muna dapat mauunang kukuha" sagot naman ni Klark


"Tabi na yung only girl dapat nauuna sa ganyan" singit ko

Tumawa sila at sabay sabay na kami kumain


***


"Good Morning class! " bati ni ma'am Sheena pagpasok at agad din naman namin syang binati pabalik

"Alright, before we proceed to our discussion, may I ask kung sino-sino ang mag babayad ng workbook today? Kailangan na natin yan, gagamitin na natin yan this week" mahabang samibit ni ma'am


Tumayo naman agad ang mga magbabayad ng workbook

Jusmeee! parang ako nalang di nag babayad ah, dibale idadaan ko nalang sa marites si ma'am

charot, HAHAHA, Jollibee e bida bida ba naman ang saya


At pagtapos ay nag discuss na si ma'am, sunod sunod ang pasok ng mga teacher kapag natatapos ang isang subject



***

"Ma, dito na po ako!" sambit ko at nag mano kay mama, saglit akong nagbihis at kumain, pagkatapos ay nag simula na akong mag lako ng tinda


Yes! sideline


Balisungsong

Ibos at

Balikutya


"Magandang hapon po aling Maring, bili na ho kayo" alok ko

"Anong tinda mo ngayon Kei?" tanong nya

"Meron ho akong tindang  Balisungsong, ibos at balikutya" nang makabili sya ay nag patuloy ako sa pag lalako

"Kuya Bernard, bili na po kayo"

***


Nakauwi ako ng bahay ng matiwasay ng maubos ang tinda

"Ma, 250 ma, ubos "


Yes! May pambayad na ako ng workbook!!

Makalipas ang ilang sandali ay sabay-sabay kaming nag hapunan ng makauwi sila papa

Habang kumakain ay nag ku kwento si papa

"Tapos sabi ng isa kong pasahero sa sobrang pagmamadali nya daw nasa buhok nya pa yung suklay at yung pulbo nya ay hindi nakakalat sa mukha nya" kwento ni papa at kanya kanya naman kaming tawa

"Yung isa naman ay hindi na dala yung bag sa sobrang pag mamadali" napahagikhik kami sa sinabi ni papa


Habang nagkakasayahan isang malakas na katok ang nakaagaw ng atensyon namin

*KNOCK! *KNOCK! *KNOCK!


"Ako na ang mag bubukas" boluntaryo ni mama at saka tumayo

Tumango nalang kami at itinuloy ang pagkain at pag ku kwento ni papa


"Eto naman, kanina lang nangyari, tatlong beses syang sumakay sakin ngayong araw e" sambit pa ni papa "Pina squat daw sya ng teacher nya dahil lang sa isang tanong, tapos pinatawag pa daw ang magulang nya" tuloy ni papa " Ang tanong daw sa kanya ng teacher, Sino ang pumatay kay Lapu-lapu? sumagot naman daw sya, hindi ako sir! tapos sumagot naman daw yung teacher nya ng what!??"  Tumawa kami sa kanyang sagot

Sumagot ba naman daw ng hindi sya langya yan HAHAHAHAHA, ohh naka caps lock para damang dama nyo

"Umigting naman daw ang panga ng teacher nya, tas sumagot naman daw sya ulit ng kahit mahirap lang kani sir, hindi ko magagawang pumatay!" mas lalo kaming natawa


Walangya yan di ko kinakaya literal ng sagot shokie AHAHAH jusmeeee!


Teka mukhang natatagan si mama ah, sino kaya yung kumatok?


"Tapos, sabi ng teacher nya ' call your parent and tell them to come in my office! yun yung pangalawang sakay nya sakin, tapos nung nakarating na sila sa office ng teacher nya, pumunta daw agad sila sa opisina nito, nag tanong daw agad ang nanay nya 'bakit nyo po ako sir pinapunta? tanong nya daw tapos sumagot daw yung teacher ng 'your son is insuting me in the middle of the class' tapos sumagot naman daw yung nanay 'bakit po?' tapos sabi ng teacher 'why don't you ask your son' edi sumagot naman yung bata ng "e kasi nay, tinatanong nya ako kung sino pumatay kay Lapu-lapu,sabi ko hindi ako sir, kasi kahit mahirap lang tayo hindi ko magagawa yun, maniwala ka nay' tapos sumagot yung nanay 'idedemanda kita, pinagbibintangan mo ang anak ko sa bagay na di nya ginagawa! Hahaha teka natatawa ako e"  mahabang kwento ni papa

Shokieee halos sumakit ang tyan ko kakatawa, walangya yan HAHAHAHA

Ang tagal ni mama, sayang di nya narinig HAHHAAH ang LT

Teka nga bat ba ang tagal nya sino yung kumatok??



Habang nag tatawanan kami pumasok si mama at ang kasama nya ang mga taong hindi ko inaasahan


"Sweetie" banggit nya na syang nag pabagsak ng mga luha ko


~~~~~~~~~~







Escaping from My PastWhere stories live. Discover now