PS: Sorry sa mga Wrong grammar ◉‿◉
Kei's POV
Kakauwi ko lang galing sa pagtitinda ng ibos at balisungsong, habang nag bibilang ng nalikom na pera lumabas si mama mula sa kusina
"Kamusta? Naubos ba?" tanong ni mama, agad naman akong tumango upang sumang-ayon
"E, yung gasgas mo sa tuhod? Kamusta?" tanong nya ulit
"Namumula at kumikirot pa rin po, pero hindi na po dumudugo katulad kanina" sagot ko, ngumiti si mama at itinuloy ang patapos na nyang pag luluto, binigyan ako ni mama ng dalawang piraso ng saging na prinito
"Aba! Ang bango ah!" bungad ni Roi sa pintuan, paniguradong magkakasunod na to galing school at trabaho si tatay
"Sakto! Gutom na ko" biglang sulpot ni Kalvin
"Ako unang kakain!" si papa at agad na tumungo ng kusina, ng makabalik agad akong tumayo at nagmano, alintana ang pag kirot ng aking tuhod sa biglaang pag galaw
"O, anong nangyari sa tuhod mo?" tanong ni papa
"Ayan! ayan ang napapala ng hindi namimigay ng pagkain" parinig ni Kalvin, I glare at him
"Kaya dapat kasi namimigay, wag madamot" gatong pa ni Roi at kumuha ng prinitong saging, natawa nalang sila mama at papa sa kalokohan nila, kung nakakamatay lang siguro ang pag tingin ng masama baka dalawa na silang nakabulagta ngayon
"Ano ba kasi ang nangyari dyan?" tanong ni papa
*Flashback*
Susundan ko sya!
Nagmamadali akong naglakad dahil sa bilis nya, jusmeeee! ang haba na nga ng biyas ng lalaking to ang bilis pa mag lakad, hiyang hiya yung binti ko
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, mahirap na baka mawala ang dami pa namang tao dito sa palengke, YES! nakaabot ako ng palengke kakasunod sa kanya
Marami na akong nababangga at iilan lang din ang nahihingan ko ng tawad
YES!
Sa wakas huminto na si kuyang mahaba ang binti, mayroon syang kausap sa cellphone nya, oh my gulay wag kayo yung pinaka latest na iPhone ano ba yun? ah basta yung madaming camera yun na yun
This is it! this is my chance to have a conversation with him
Konti na lang..
Konti pa..
Malapit na
And
Wahhh! bakit naman ganyan?.·´¯'(>▂<)´¯'·.
Kung kailan malapit na ko saka pa ko nadapa
Nakakahiya(╥﹏╥)
Okay lang! payting! makausap ko lang sya okay na

YOU ARE READING
Escaping from My Past
RandomIn the aftermath of her greatest trauma, she finds herself haunted by the relentless specter of her past. Memories claw at her in the dead of night, leaving her breathless and afraid. "What if they came back?" she whispers to herself, the fear palpa...