22"

827 19 9
                                    












      "Lo, I'm sorry but I don't love her."Pangangatwiran niya sa matanda.

"Apo matututunan mo din siyang mahalin, trust me hijo." Malumanay na Ani ng kaniyang lolo.

"Lo, trust me but I can't love her like what you said." Pagmamatigas niya pa din sa kaniyang Lolo.

"Ako pa rin ang masusunod sa bahay na ito." Galit na ang boses ng matanda.

"Excuse me lo. "Naglakad na siya pabalik sa kaniyang silid alam niyang may punto ang matanda pero hindi siya papayag sa arranged marriage.

  Napabalikwas ng bangon si Royce dahil sa bumalik na alaala, matagal niya ng gustong kalimutan ang nakaraan simula ng mamatay ang kaniyang lolo.

Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa kaniyang katawan pumunta sya sa kusina. Hindi na siya nag abalang kumuha ng baso dahil sa mismong pitsel na siya uminom.

"Lo, please patagimikin muna ako."Mahinang bulong niya sa hangin, dahil bago ito mawala pinaalala sa kaniya na pakasalan niya ang isang Dela paz.

Hindi na siya nakatulog ng mga oras na iyon, dahil natatakot siyang bumalik ulit sa kaniyang pananginip ang nakaraan.Gusto niyang tawagan ang kapatid pero hindi na niya ginawa dahil baka magalit lamang sa kaniya.Alas kwatro pa lang nakaligo na siya, nakapag almusal na din siya hindi na talaga siya muling dinalaw ng antok.

Pag tapat ng alas sais nag pasya na siya na pumuntang opisina, para maaga niyang matapos ang mga dapat matapos.Pagdating sa montemayor  film production inc. nakita niya si manong guard na nagkakape.

"Good morning manong."Bati niya sa lalaki.

"Magandang umaga din sir, kape po." Balik bati nito sa kaniya inalok pa siya ng kape.

"Salamat ho, nag kape na ako sa bahay."

"Ay ganon ba sir. Ako sir pang lima ko na ito tagal ng karelyebo ko eh." Mukha ngang inaantok na ang lalaki.

"Baka ho may konteng digrasya lang sa bahay nila." Naisip niyang makipag-kwentuhan dahil maaga pa naman para mag simula sa trabaho.

"Baka nga ho sir." Humigop ito sa kape.

"Manong saan ho kayo bumili ng kape?" Tanong niya dito bigla siyang na inggit sa kape nito.

"Dyan lang sir sa tabi, papabili ka po ba?"

"Sige, mukhang masarap eh."

"Sige sir."Naglakad na si manong guard papunta sa bilihan ng kape, bumaba muna siya ng kotse niya naisipan niyang siya muna ang mag bantay habang wala pa si manong guard.

"Sir ito na ho ang kape niyo." Mabilis lang itong naka balik.

"Salamat." Humigop siya ng kape.

Madami pa silang napag usapan ni manong guard, pag tapat ng seven thirty umakyat na siya sa kaniyang opisina.

Alas syete kwarenta-isingko ng dumating si pavon sa opisina agad na sumimangot ang mukha ni Royce dahil naalala niya ang kasama nitong lalaki. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagagalit.

"Good morning sir. Coffee?" Tanong nito.

"No, thank you. "Sagot niya pero hindi niya ito binigyan ng kahit kaunting sulyap.

"Okay sir." Naguguluhan naman si pavon sa inaakto ng binata.

Mukhang hindi maganda ang gising ng poging amo kaya mainit ang ulo nito. Hinayaan niya na lamang na maging masungit ang amo sa kaniya.Nakaramdam na ng gutom si pavon kaya inayos niya muna mga gamit sa lamesa niya sinilip niya ang poging amo.Kumatok siya ng makita niyang mukhang walang planong kumain ng tanghalian.

"Come in." Saad nito.

"Sir hindi pa po ba kayo mag lu-lunch?" Kaswal na tanong niya.

"Mamaya na ako mag lu-lunch mauna kana." Seryoso itong naka titig sa mga papeles na binabasa.

"Okay sir." Isinara na niya ang pinto ng opisina nito naglakad na siya papunta sa cafeteria nagugutom na talaga siya.

Nakita niya si paloma na nakapila nilapitan niya ito. "Hoy bakit hindi mo ako hinintay? "

"Sorry girl, nagutom na kasi ako eh, di ako nakapag almusal kanina." Hinging paumanhin nito.

"Okay lang... Dun tayo sa may sulok may sasabihin ako sayo."

Pagkatapos nila maka order ng makakain naupo na sila sa isang sulok na itinuro niya kay paloma.

"Girl ano ba yung sasabihin mo?"Excited na tanong nito.

"Tungkol kay sir royce." Sagot niya sabay lingon sa paligid baka may makarinig.

"Anong tungkol sa kaniya?"

Kahapon di naman siya masungit tapos ngayon biglang naging masungit. Parang babae na buwan-buwan dinadatnan ng dalaw. Naiinis na kwento niya sa kaibigan.

"Ay sus isang taon kana dito hindi ka pa din sanay."

"Eh!" Hindi siya makahanap ng isasagot.

"Naku! Girl masanay kana kay sir." Bulong nito sa kaniya.

"Ewan ko bat diko magawang masanay sa kaniya." Sagot niya naman.

"Baka naman may gusto kana kay sir girl." Panunukso nito, tinutukso tukso pa siya sa tagiliran.

"Wala ah napaka-play boy na tao." Aniya sa kaibigan.

"Sus eh bakit defensive kung sumagot?"

Hindi na siya nakasagot dahil tumayo na ang kaibigan upang kunin ang kanilang order, napa buntong hininga na lamang siya.Tahimik siyang kumain panay sulyap naman sa kaniya ang kaibigan kaya hindi na siya naka tiis.

"Why are you looking at me?" Medyo nainis na tanong niya sa kaibigan, kuhang kuha nito ang inis niya.

"Blooming ka kasi girl." Sagot nito habang may pilyong ngiti.

"Matagal na akong blooming girl." Sagot niya naman, sinabayan na lang ang panunukso at pang-aasar nito.

"Iba yung pagiging blooming mo girl, blooming na inlove." Patuloy nito.

"Kanino naman kaya?? "Tanong niya sa kaibigan.

"Baka kay sir." Bulong nito sa kaniya hinampas niya naman sa balikat ang kaibigan.

"Sira-ulo." Sagot niya naman na nangingiti.

"Sus pero yung totoo kinikilig naman ang putang ina." Sagot nito naging ugaling kalye na ang kaibigan nakalimutan yata na nasa opisina sila.

"Bibig mo wala tayo sa barangay natin." Saway niya dito.

"Ay oo nga pala. "Tinakpan nito ang bibig.Tumawa siya dahil sa naging reaksiyon nito.

"Ang bilis ng karma no? "Pang-aasar niya sa kaibigan pero mahina lang naman ang tinig nito kaya panigurado na siya lang ang nakarinig.

"Karma ka dyan, baka ikaw ang karmahin malaman ko kayo na ni sir." Naka ngiti ito halatang inaasar siya.

"Gago! Malabong mangyari yun." Sagot niya naman saka binilisan ang pag subo ng mga natitirang mga pagkain sa kaniyang pinggan.

" bibig mo." Sabi ni Paloma.

Pagkatapos nilang kumain nakita niyang tinahak ni paloma ang daan patungo sa smoking area, hindi pa pala tumitigil ang kaibigan sa pag hithit ng sigarilyo.Naisipan niyang dumiretso na sa kaniyang opisina at tingnan ang binatang amo kung nandun pa ba ito o kumain na.

Ganon na lamang ang gulat niya ng kakatukin na niya ang amo ng makarinig siya ng mga ungol mula sa loob iikot na sana siya ng marinig niya ang pamilyar ng boses ng babae. Mas naguluhan siya sa mga nangyayari so totoo pala yung mga naririnig niyang chismis. Naglakad na siya pabalik sa kaniyang table bakit nasasaktan siya sa mga narinig niya. Gusto niyang pumalahaw ng iyak pero ayaw niya dahil wala siyang karapatan.















THE FIRST GRANDSON 'royce Montemayor'(series:1)Where stories live. Discover now