25:

189 6 2
                                    




    Pagdating ni Royce at Quinn sa bahay ng mga magulang sa bulacan ay nakita nila ang kanilang family doctor na si Martin.

"how's mom doc?" kaagad na tanong ni Royce sa doctor.

"For now she's okay."

"That's good."

"Pero hindi ako sigurado bukas o sa susunod na mga araw, humihina ang kaniyang katawan at maging ang kaniyang blood babagsak na din ang kaniyang katawan kapag hindi siya naoperahan." Paliwanag ng doctor.

"Pero hindi na niya kaya ang operasyon doc, may edad na si mommy." agad na saad ni Royce sa doctor.

"I know Royce pero yan lang ang paraan para humaba pa ang buhay ng inyong ina."

"Doc thank you pag-uusapan muna namin ng mga anak ko." singit ni Jonathan sa usapan.

"Okay mr.Montemayor, call me if you need my help." Nakipagkamay na ang doctor pati sa magkapatid, bago naglakad palayo sa mag-aama.

"Sumunod kayo sakin sa opisina ko." Nauna na sa paglakad si Jonathan kailangan na niyang maka-usap ang mga anak bago mahuli ang lahat.

"Dad what's your decision?" kaagad na tanong ni Royce sa ama pagkapasok nila sa opisina nito.

"Ayaw ko siyang operahan dahil mahina na ang lagay ng inyong ina, pero hindi ko din alam kung paano siya gagaling muli."

"Dad kai-." Nahinto ang kanilang pag-uusap ng marinig nila ang sunod-sunod na katok mula sa labas.Naglakad na si Royce palapit sa pinto.

"Manang bakit po?" Takang tanong ni Royce.

"Si madam." taranta na sagot nito.

"Dad,Quinn?" sigaw ni Royce sa ama at kapatid nito na kaagad na tumakbo. Pagdating nila sa silid na kinaroroonan ng ina ay nahihirapan na itong huminga.

"Alam kong hindi na ako tatagal, mga anak magmahalan kayo huwag niyong pabayaan ang daddy niyo." huminto ito saglit dahil nahirapan sa paghinga. "Dad ikaw na bahala sa mga anak natin mahalin mo sila katulad ng pagmamahal mo sakin sa mga apo na darating ikaw na ang bahalang mag kwento sa kanila kung anong klaseng nanay ako at asawa."

"Love huwag kana mag salita, lumaban ka huwag mo kaming iwan." Naluluha na saad ni Jonathan sa asawa.

"Hindi ko na kaya." Hinawakan nito ang asawa sa braso pero gumapang ito patungo sa palad ng asawa hinawakan ng mahigpit.

"Mahal na mahal ko kayo ng mga bata, ikaw na ang bahala sa kanila." muling paalam nito, umiiling-iling ang asawa at dalawa nitong anak.

"Mom, please be brave diba usapan natin na ihahatid mo pa ako sa altar, makikipaglaro kapa sa mga magiging anak namin ni kuya." Umiiyak na saad ni Quinn sa ina.

"I'm sorry my dear, hindi na kaya ni mommy hirap na hirap na ako alam kong hindi ko na kaya." Tumingin ito sa tatlong tao na sobrang importante sa kaniya naluluha ito kahit ayaw pang iwan ang mga mahal niya alam niyang hindi na niya kaya.

Unti-unting pumikit ang mga mata ng matandang babae, may bakas pa ng luha ang magkabilang pisngi nito. Humagulhol ang tatlong naiwan ng ginang. Niyakap ni Jonathan ang asawa habang umiiyak ito.

"Mom?" Lumapit na din si Quinn sa ina yumakap na ito habang umiiyak, napasabunot naman si Royce sa kaniyang sariling buhok, hindi matanggap na iniwan na sila ng kanilang mahal na ina.

"Hon? wake up please, please don't leave us, we need you hon." umiiyak na saad ni Jonathan habang yakap nito ang asawa. Napa upo naman si Royce sa floor dahil sa sobrang panghihina, lungkot na nararamdaman. Ganon ang eksena na naabutan ni doktor Martin.

THE FIRST GRANDSON 'royce Montemayor'(series:1)Where stories live. Discover now