"Arisa! Tumawag si Tita Loraine pinapasunod nila tayo sa Cebu!" malakas na sabi ni Eemie kaya naalimpungatan ako"WHAT?!" galit na tanong ko
"Dalian mo! maliligo na ko bumangon kana dyan!" nagmamadaling sabi nito kaya inis akong napatayo
"Bat ba nagmamadali ka?! Ano bang meron?!"
Cebu?! Bakit biglaan?!
"I don't know okay?! wag kana madaming tanong at mag-asikaso kana" sabi nalang nito tsaka pumasok sa banyo
Inis na ginulo ko nalang yung buhok ko "Fuck! wala akong baong damit!" gigil na sabi ko nang marealize kong hindi nga pala ako nakapagdala ng damit kagabi
"May mga bagong damit ako dyan ayan nalang kunin mo!" rinig kong sigaw ni Eemie
Napairap nalang ako tsaka muling naupo.
Bakit naman biglaan? tsaka bakit sa Cebu pa? ang layo layo nun dito sa maynila tsk.
Ano bang nakain ni mama at bakit napakaalanganing araw naman?"Dalian mo na maligo anong oras na!" sigaw ni eemie na kakalabas lang ng banyo
"Naligo ka ba talaga?" takang tanong ko kasi halos wala pang 10mins nung pumasok sya
"Basa nga diba? Malamang! tsaka naligo na ko kagabi noh!" sabi nya nalang kaya di ko nalang sya pinansin at dali dali na ding pumasok sa banyo
Sunday ngayon so dapat nagpapahinga lang ako eh kaso tong si mama naman kala mo napaka urgent nung pupuntahan eh
Minadali ko nalang din maligo dahil anong oras na at naligo din naman ako kagabi
Halos 10mins akong nagtagal sa banyo ng mapagdesisyunan ko nang lumabas
Paglabas ko nakita ko na yung mga damit na nasa kama
Agad naman akong namili dun at buti nalang same taste kami netong pinsan ko pagdating sa damit kaya dali dali na din akong nagbihis"Nakausap mo na ba si tita?" rinig kong sigaw ni Eemie sa labas
"Hindi pa. Ikaw na magsabi na papunta na tayo" sagot ko naman
Di naman na sya umimik kaya tinapos ko nalang lahat ng kailangan kong gawin
Halos kalahating oras pa ang tinagal namin ni Eemie sa paghahanda ng dadalhin dahil sobrang arte netong pinsan ko at nagbaon pa ng mga bikini baka daw kasi makapagbeach kami at may makita syang pogi
"Tara na!" aya ko sa kanya tsaka lumabas dala dala yung maliit na maleta na hiniram ko sa kanya
Di naman na sya sumagot at sumunod nalang
Nakausap ko na din pala si papa kanina habang nagiimpake kami ng susuotin at nalaman kong andun pala sila nila mama. Nagsabi na din sya na may susundo samin kaya di na namin kailangan gumamit ng sasakyan dahil sayang sa gasolina noh kahit may kaya kami ayoko pa din mag-aksaya
Paglabas namin andun na yung sundo namin. Nagmadali naman kami sumakay dahil sobrang init
Habang nasa byahe kami naisipan kong manuod muna sa tiktok. nabored naman ako sa mga nasa fyp ko kaya sinearch ko yung name ni Miguel
Maya maya lang may mga edits ng lumabas, mga clips sa movies nya na ineedit tas may pang bgc music.
Nanuod lang ako.Ang gwapo nya talaga..
"Singer din pala yang si Miguel" dinig kong sabi ni Eemie kaya napatingin ako sa kanya na kasalukuyang nakadungaw sa pinapanuod ko
"Yeah" sabi ko sabay balik ng tingin sa phone ko
Pinapanuod ko kasi yung kumakanta si Miguel sa isang variety show ba to ay basta naggigitara din sya
"Crush na crush ah" puna muli sakin ni Eemie ng mapangiti ako
YOU ARE READING
Eternal Echoes (ON GOING)
Mystery / ThrillerArisa Pablo finds herself drawn to a man she sees in a movie, only to discover that he has long been deceased. One day, a mysterious event occurs, transporting her back in time to when Miguel was still alive. As she unravels the secrets behind his u...