"Okay ka lang ba arisa?" tanong sakin ni Miguel
Tumango lang ako at sinenyasan syang okay lang ako. nginitian nya nalang ako tsaka bumalik sa pwesto nya
Andito kami ngayon sa isa pang beach dito sa Cebu. dito daw kasi ang next location ng taping nila para sa movie na "Somewhere with Someone" at si elena din pala yung loveteam nya dito
Nag-umpisa naman ng tawagin sila Miguel at Elena
ako naman tahimik lang dito sa gedli nagtitimpi kasi kanina ko pa nakikita tong elena na parang ahas kung makadikit kay miguelLike oo na teh! Jowa mo na yan jusko! kala mo naman di maaagaw char Hahaahhaahhaha!
"Ikaw yung new assistant ni miguel?" tanong ng isang lalaking kakaupo lang sa tabi ko
Nilingon ko naman sya at di maiwasang mamangha
Grabe ahhh ibang iba aura ng mga lalaki noon kesa sa panahon ko ngayon. yung ngayon kasi tignan mo lang kita na malafuckboy na itsura ehh
Nginitian ko naman sya "Ahhh oo. Arisa pala" pagpapakilala ko tsaka nilahad yung kamay ko
Ngumiti din sya tsaka nagpunas ng kamay nya "Gerald" sabi nito. natawa naman ako "okay. nice to meet you sir gerald" sabi ko nalang
"okay ka lang ba dito? ayaw mo ba dun banda malapit sa tent?" tanong nya
Umiling naman ako "wag na. okay na ko dito" ngiting sabi ko
"Sige samahan nalang kita"
Tumango tango nalang ako tsaka muling ibinaling yung tingin ko kela Miguel
"Mahal na mahal kita Ailene" sabi ni miguel tsaka hinawakan sa mukha si elena
Inalis naman ni Elena yung kamay ni Miguel at tinulak "M-mahal ? Hindi mo ko mahal Randy! diba ayaw sakin ng pamilya mo?" umiiyak na sabi naman ni elena
Napaluhod naman si Miguel habang nagmamakaawa
"N-nakikiusap ako Ailene sumama ka sakin. M-magtanan tayo" sabi ni miguel
Hindi naman na kumibo si Elena at napaluhod nalang tsaka umiyak. niyakap naman sya ni miguel at hinalikan sa noo "Pangako lalayo tayo sa kanila. pupunta tayo kung saan tayong dalawa lang" sabi nito
"OKAY! CUT!!" sigaw ni direk "Mahusay Miguel! Mahusay!!" ngiting sabi ni direk
Inalalayan naman sila Miguel nung mga staff at make-up artist
"Thankyou direk" ngiting sabi ni Miguel tsaka nagpunas ng luha
Napangiti nalang ako pinagmamasdan sya
Akalain mo yun? sa screen lang kita pinapanuod nung nakaraan tas ngayon live na? Wow!
Napansin ko namang papalapit sa pwesto namin si miguel kaya umayos ako ng upo
"Pre! Walang kupas ang galing pa din!" bati nitong si Gerald nang makalapit samin si Miguel
Natawa naman si Miguel tsaka tinapik si Gerald "Hindi naman. kakabalik mo lang ba?" tanong nito
"Oo ehhh. kamusta ka ?"
"Okay naman masaya" ngiting sagot ni Miguel
"Dahil sa career o dahil kay elena?" pang-aasar ni gerald
Napatingin naman ako kay Miguel na halata mong namumula
Oh edi ikaw na inlove!
"Pareho pre" sagot nya nalang
Nasa ganung sitwasyon kami ng lumapit si Elena at pinulupot na naman yung kamay nya sa braso ni miguel "Hey Gerald! Welcome back!" ngiting sabi nito
"Salamat elena. wala ka pa ring kupas parang si Miguel" sabi nito
YOU ARE READING
Eternal Echoes (ON GOING)
Mystery / ThrillerArisa Pablo finds herself drawn to a man she sees in a movie, only to discover that he has long been deceased. One day, a mysterious event occurs, transporting her back in time to when Miguel was still alive. As she unravels the secrets behind his u...