"Sigurado kang okay ka lang ba talaga arisa?" tanong na naman ni miguel habang nasa sasakyan kami
Kanina pa sya tanong nang tanong simula pagkaalis namin kanina sa restaurant.
"Oo nga sir okay lang ako promise" sagot ko "Kanina ka pa kasi tulala, pag tinatanong kita sa malayo ka nakatingin tas nakakunot yung noo mo. Ano bang iniisip mo?"
Bumuntong hininga muna ako bago ako tumingin sa kanya "Pagod lang siguro ako sir"
Paano ba naman kasi ang dami daming nangyari sa araw na to. Nakakapagod na ewan juskoooo
Hindi naman na sya sumagot at muling itinuon ang tingin sa daanan
Ako naman ay bumalik sa pagdungaw sa bintana at dinadama ang malamig na hanginHays nakakamiss naman yung pascroll scroll lang sa byahe..
Nyeta kasi feeling ko yung phone ko tinangay nung alon nung muntikan na kong malunod ehh
Edi sana may pangselfie selfie na ko dito diba? Edi sana madami na kaming cute pics ni miguel? Edi sana may pangyayabang na ko kay Eemie?Wait?!
Alam kaya nila na nawawala ako?
Huhu baka nagpunta na sila sa pulis at pinapahanap ako? Pero paano kung bangkay ko nalang ang makita ng pulis?
Pero what if patay na talaga ako at nalunod talaga ako nung time na yun?
What if kaluluwa ko na lang yung andito ngayon? What if kaya ko nakikita si miguel kasi patay na din ako?!OHMYGHAAAAD! NO! HINDI PA KO PWEDENG MAMATAY! MAGKAKAANAK PA KAMI NI MINGYU!
CHAR!
PERO PAANO NGA KUNG TEGI NA TALAGA AKO?!!!
WAAAAAAH!! TAS YUNG BUROL KO SA BAHAY HINDI PINK YUNG PINASUOT NILA SAKIN?! WHAT IF HINDI PINK YUNG KABAONG KO TAS WALANG RIBBON?!WAAAAAAAAAH!!!!!
Napatingin naman ako kay miguel na kasalukuyang busy sa pagmamaneho
"Sir! Nakikita mo ba ko?" kabadong tanong ko
Natatawa naman syang tinignan ako "Ano bang klaseng tanong yan? Hindi naman ako bulag"
Oo nga noh? Eh pero baka nga kasi kaluluwa ko lang to? Baka nalaglalakbay nalang ako? Pero pwede ba yun? Nananaginip na kaluluwa? I mean andito ako eh tas nanaginip ako ng kung ano-ano?
"Kurutin mo nga ako" sabay hablot ko sa isang kamay nya
Nagtataka naman syang tinignan ako at base sa tingin nya jinujudge na nya ko na para akong nasisiraan ng bait "Dali na kurutin mo ko" sabi ko ulit
Ngumiti sya tyaka marahang pinisil ang pisnge ko "Okay na?" nakangiting tanong nya
Napaiwas naman ako ng tingin kasi feeling ko uminit yung mukha ko "S-salamat" utal na sagot ko
"Iba talaga kinikilos mo ngayon Arisa" rinig kong sabi nya tyaka tinuon ang tingin ulit sa pagmamaneho
"Pagod lang talaga ako sir" ani ko nalang tyaka pumikit
So hindi nga ako kaluluwa?
Huhuuuu paano na to? Baka hinahanap na ko nila Mama at Eemie
-
"Goodmorning Arisa!" nakangiting bati sakin ni Gerald, nginitian ko nalang din sya tyaka nagwave "Goodmorning Gers!" bati ko
"Gers?" takang tanong nya habang nakangiti
Umupo naman ako sa tabi nya at nilapag yung mga dalahan ko "Oo gers for gerald. Pinaikli ko lang ano ka ba!" sagot ko sabay tapik sa braso nya
Tanga naman nito walang sentido common
Joke!
YOU ARE READING
Eternal Echoes (ON GOING)
Mystery / ThrillerArisa Pablo finds herself drawn to a man she sees in a movie, only to discover that he has long been deceased. One day, a mysterious event occurs, transporting her back in time to when Miguel was still alive. As she unravels the secrets behind his u...