Alas singko na at nandito ako ngayon sa tabing dagat kung saan ako muntikang malunod kahapon
Tahimik ang paligid at tanging hampas lang ng alon ang maririnig
Napatingala ako sa langit at muling nag-isip
Paano nga kung yun ang dahilan kung bakit ako nandito?
"Argh! nakakainis!" singhal ko
"Hindi ba ito ang gusto mo?" tinig nang isang lalaki ang narinig ko kaya agad akong napalingon sa tabi ko
Gulat na tinignan ko si manong driver na naghatid samin dito
Agad akong napatayo dahil sa sobrang gulat "A-anong ginagawa nyo dito?" gulat kong tanong"Sinasamahan ka" nakangiting sagot nito at inilipat ang tingin nya sa karagatan
Sinasamahan?!
"Nasan sila mommy?!" tanong ko ulit dahil naguguluhan na talaga ako
"Wala sila dito Arisa" tugon nya
"Paanong wala?! eh nandito ka nga eh! nandito ako! Nasan sila?!!" inis na talagang tanong ko
Paanong wala sila?! eh kahapon lang magkakasama kami dito sa lugar na to!
Anong wala?! Umuwi na ba sila sa manila?!Ngumiti muna sya bago muling tumingin sa akin "Alam mo kung nasaan tayo ngayon"
"OO ALAM KO! NASA CEBU TAYO! NASA CEBU TAYO NGAYON AT ANDITO DIN SILA MAMA DIBA?! MAGKAKASAMA LANG TAYO MAGHAPON! PAANONG NANGYARING NANDITO TAYO TAPOS SILA WALA?! NASAN SILA?! UMUWI NA BA SILA SA MANILA?!" galit na sigaw ko na talaga kasi feeling ko maiiyak na ko
"Wala sila dito arisa. Nasa panahon tayo kung saan gusto mong bumalik" sagot nito kaya mas lalo akong nainis
Gusto kong bumalik?! THE HELL! KELAN KO BA HINILING YUN?!
"Gustong bumalik?!" sarkastiko kong tanong
"Eto ang nakatadhana arisa sa ayaw at sa gusto mo eto ang nakatadhana"
TADHANA?! The fuck.
"Putangina naman! tadhana?! ano ka ba? mangkukulam ka ba o demonyo ka?! Ikaw ba gumawa nito?!" gigil na tanong ko
"Tadhana ang nakapagpabalik sayo sa panahon na ito at balang araw maiintindihan mo rin kung bakit ka napunta dito" sabi nalang nito tsaka tumalikod
Hahabulin ko pa sana sya kaso bigla nalang nanghina ang tuhod ko at doon ko naramdaman na sobrang bigat na pala ng dibdib ko "Hayup na tadhana yan" inis na bulong ko sa sarili ko tsaka yumuko at hinayaan nalang ang sarili ko na umiyak
Ano ba tong nangyari sakin? Hiniling ko ba talaga na mapunta ako dito?
"Ang aga mo naman gumising. Hindi ka ba gaano nakatulog?" biglang tanong ng isang boses lalaki
Napalingon naman ako sa kanya tsaka pilit ngumiti "H-hindi. medyo naninibago lang ako" sabi ko nalang
Hindi naman na sya sumagot at naupo nalang sa tabi ko "Paano ka ba napunta dito?"
Paano? hindi ko rin alam..
"Hindi ko alam eh.. basta pag gising ko nalang andito na ako"
Naiiyak na naman ako..
"Umiyak kana. okay lang yan" ani nya kaya nilingon ko sya "Minsan hindi rin masama umiyak Arisa. lalo kung mabigat na ito" sabi nya pa sabay turo kung nasaan banda yung puso "Iiyak mo lang. Hindi man masusolusyuan ng pag-iyak yung problema mo, atleast kahit papaano gumaan yung pakiramdam mo" ngiting dagdag nya
YOU ARE READING
Eternal Echoes (ON GOING)
Mystery / ThrillerArisa Pablo finds herself drawn to a man she sees in a movie, only to discover that he has long been deceased. One day, a mysterious event occurs, transporting her back in time to when Miguel was still alive. As she unravels the secrets behind his u...