CHAPTER 7

1 0 0
                                    

Tirik ang araw at nandito kami sa isang park para kunan ang susunod na scene sa movie na ginagawa nila miguel..

Pasado alas dose na kaya medyo mainit-init na din ang araw

Habang pinapanuod ko silang maghanda at mag-ayos sa set, Hindi ko pa din talaga maintindihan yung napanaginipan ko kagabi..

Bakit parang magkakadugtong sila? Bakit parang sila din yung nasa unang panaginip ko? Bakit lagi ko silang napapanaginipan? Sino ba kasi yung mga yun?! At ano bang meron sa kanila?!

Inis na napasabunot nalang ako dahil wala akong maintindihan.
Wala akong clue, Wala akong ideya kung bakit paulit-ulit at ibat-ibang scenario pero iisang boses lang ang napapanaginipan ko.

   "okay ka lang ba?" napatingala ako at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ko at may sumbrerong suot

Inayos ko naman ang sarili ko at ang buhok kong nagulo dahil sa pagsabunot ko "Ah ehhh oo okay lang ako" sagot ko tyaka sya nginitian

Di naman sya sumagot at naupo sa tabi ko "Ikaw yung bagong nagttrabaho kay Miguel?" tanong nya, Nilingon ko naman sya bago sumagot "yeaaah." tanging sagot ko nalang

Di naman na sya sumagot at tumayo nalang "sige na, magpapaalam na ko. tinignan ko lang kung okay ka" nakangiting sabi nito

Tinanguan ko nalang sya bilang sagot ngumiti nalang din sya at nagwave paalis

   "Infairness ah gwapo din sya" bulong ko sa sarili ko

   "Sinong gwapo?" tanong ng isang lalaki kaya gulat ko syang tinignan. Tatawa tawa namang nakatingin sakin si Gerald dahil sa gulat ko "Engkanto ka ba? Bigla bigla kang sumusulpot dyan" inis na sabi ko sa kanya tyaka sya inirapan

Rinig ko pa ang mahinang tawa nya bago sumagot "pasensya na, kinakausap mo kasi sarili mo eh"

Inirapan ko ulit sya tyaka tinuon ang tingin ko sa mga staff na busy pa din sa pag-aayos

  "Nasan pala si miguel?" tanong nya sakin pero di ko sya nilingon

  "Hanapin mo andyan lang yan" walang ganang sagot ko dahil lumilipad pa din yung isip ko sa panaginip ko kagabi

  "Okay ka lang ba? kanina pa kita pinagmamasdan. tulala ka kanina pa"

Huminga muna ako ng malalim at isinandal ang likod ko sa pader bago sumagot "Iniisip ko lang yung panaginip ko kagabi" walang ganang sagot ko

  "Bakit ano bang nangyari sa panaginip mo?" curious na tanong nya kaya tinignan ko sya sa mata

May kung ano na naman akong naramdaman kaya medyo napaurong ako.
Umiling iling muna ako bago sumagot "May isang babae at lalaki kasi na nag-uusap sa panaginip ko" panimula ko

   "Tapos?" puno ng curiosidad na tanong nya

   "Tapos kinain sila ng malaking pusa" sagot ko nalang, natawa naman sya kaya pilit na ngiti nalang ang iginanti ko

Ayoko masyadong magtiwala sa kung sino dito.. hindi ko alam kung sino sila at anong meron sa kanila..

Naalala ko kasi yung napag-usapan namin ni manong driver kagabi..

Andito ako ngayon sa tabing dagat palakad lakad dahil hindi maalis sa isipan ko yung mga eksena sa panaginip ko kanina .

Sino ba sila?

  "Nauunawaan mo na ba kung bakit ka andito?" rinig kong tanong ng isang boses lalaki

Agad ko naman syang nilingon at nakita ko si manong driver kaya nagmadali akong lumapit sa kanya

Eternal Echoes (ON GOING)Where stories live. Discover now