Tanghali nang makarating kami dito ngayon sa Cebu at sobrang tirik ng araw
"Sobrang refreshing dito!" ani ni Eemie at nag-unat unat pa
Nilibot ko naman yung tingin ko at sobrang namamangha din ako sa tanawin dahil sobrang nakakagaan nang pakiramdam
"Tara na at wag na kayong magbilad dyan" sabi mama tsaka ako inalalayan
Sumunod naman kami kasi mainit naman talaga
Pumasok kami nila mama sa isang parang hotel
"Mag-asikaso muna kayo. magbihis na din kayo at aantayin ko kayo sa baba" paalam ni mama nang makarating kami sa isang kwarto
Di naman na ako nakasagot dahil umalis na kaagad sya
Seriously? Hindi man lang ba nya kami pagpapahingahin? Halos isang araw kaya binyahe namin
"Dalian mo bitch! Gusto ko na magdagat!" excited na sabi ni Eemie
"Narinig mo ba si mama? wala naman sinabing magdadagat na tayo diba?" mataray na tanong ko
"Kj mo!" sabi nalang nito
Inirapan ko nalang sya tsaka nagbihis
Paglabas ko nakita ko nalang sya na iba na ang suot kaya nagtaka ako "Saan ka nagbihis?" tanong ko
"Dito malamang! alangan naman antayin pa kita eh nagmamadali si tita diba?" mataray na sagot nya
Di nalang ako umimik at bumaba na
I'm wearing a simple black dress ayoko naman na nung bongga tsaka mas presko to sa pakiramdam dahil bukas yung likod
Pagbaba namin nakita ko si mama na sinesenyasan kami kaya agad naman kaming lumapit
"Maupo na kayo" sabi ni mama kaya sumunod nalang ako at naupo sa tabi nya
"Ayan na ba yung bunso mong anak?" tanong ng isang babaeng nasa 50+ na ang edad sa tansya ko
"The one and only arisa pablo" ngiting sabi ni papa
"Napakagandang bata. bagay na bagay talaga kayo ng anak ko" sabi naman ng isang lalaki
Napakunot naman yung kilay ko. Duh kami kaya ni Miguel ang bagay
Lol. creepy ko na talaga hays
"Oh he's here" ngiting sabi muli nung babae tsaka tumayo
May lumapit naman saming lalaki na sa tingin ko kaedaran ko lang "Anak this is Arisa, Arisa this is William ang uniko iho ko" ngiting pagpapakilala samin sa isa't isa
"Hi! magandang pangalan para sa napakagandang binibini" sabi nito at nilahad yung kamay nya
Napapangiwi naman akong inabot yung kamay ko sa kanya at nakipagshake hands "Yeah hi!" sabi ko nalang
"So kaya ko kayo pinatawag Arisa is dahil napagdesisyunan namin na ipakasal kayong dalawa ni William" deretsong sabi ni papa kaya napalaki yung mata ko
WHAATTTT?! HELL NO!!
"WHAT?! NO WAY!" madiing pagtanggi ko
Ipapakasal ako sa taong hindi ko naman kilala? No way! Hindi ako papayag!
"Anak it's for your own good" sabi ni mama
"for my own good?! Ma! bakit kailangan kayo yung magdesisyon para sa buhay ko?!" galit na tanong ko "sorry ma'm, sir. maghanap nalang po kayo ng iba kasi hindi ko po kaya pasensya na po ulit" baling ko dun sa magulang nitong william at nagmadaling lumabas
YOU ARE READING
Eternal Echoes (ON GOING)
Mystery / ThrillerArisa Pablo finds herself drawn to a man she sees in a movie, only to discover that he has long been deceased. One day, a mysterious event occurs, transporting her back in time to when Miguel was still alive. As she unravels the secrets behind his u...