SUNGMIN's POV
'One of the top model in the country, Viel Kim, dating Ralph Griffin.'
Bwisit! Wala bang magandang balita sa dyaryo? Nang makuha ko ang dyaryo na to kanina, halos gusto ko ng punitin at sunugin sa sobrang inis. Nasa headline pa talaga!
I know Ralph Griffin. He's also a model. Nakasama namin sya sa fashion show ni Miss Jaena at certified playboy in town. Kaya naiinis ako! Ayokong masali sa collection nya si Riza!
Riza became popular after the fashion show by Miss Jaena Barrameda. Halos lahat ng fashion shows, commercials, advertisements, etcetera ay nandoon sya.
After that night, when I told her that I am Mr. Lee's son, dumidistansya na sya sa akin. I know may kasalanan din ako sa kanya. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana sya kikidnapin ng taong yon.
Dalawang taon na ang nakalipas mula ng huling makita ko si papa. Wala na akong balita sa kanya. Well, mabuti na rin yon dahil wala na akong pakialam sa kanya. Atleast hindi na nya ginugulo ang buhay ko at ni Riza. Ayoko ng maulit ang nangyari kay Riza. Hangga't maaari, ilalayo ko sya sa taong yon.
"Hey, Kuya! What are you doing? Bakit sinasawsaw mo sa coffee yong newspaper? Nagbago na ba ang taste mo pagdating sa bread?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Kyuhyun pala.
Tinignan ko ang kamay ko na nakasawsaw na pala sa coffee ko. Damn! Tinapon ko sa malapit na trash can ang hawak kong newspaper at kumuha ng tissue para punasan ang kamay ko. Umupo sa katapat kong upuan si Kyuhyun.
Nandito ako sa mansion ngayon dahil may pinag-usapan kami ni Daddy Tristan kagabi tungkol sa business na gagawin ko. Matagal ko ng plano ang magkaroon ng bakeshop together with Ryeowook at napagbigyan naman kami ni Daddy Tristan sa plano namin.
"Ang aga aga, aburido ka. Tss! Is it Yel?" He said.
Hindi ko sya sinagot. Wala pa akong pinagsabihan sa mga kapatid ko na hiwalay na kami ni Yel one year ago.
"Alam kong sobrang gwapo ko pero hindi mo naman kailangan matulala ng ganyan, Kuya. Kapatid mo ako kaya free kang titignan ako." Napatulala na pala ako kay Kyuhyun. Binatukan ko nga. Umagang umaga, ang hangin!
"Mas makinis naman mukha ko sayo." Hihirit pa sana sya nang may maalala ako. "Nga pala, umuwi ba sa mansion si Kuya Kangin? Wala sya sa kwarto nya." Kanina ko pa kasi sya hinahanap pero hindi ko mahagilap. Pinahiram ko sa kanya ang kotse ko dahil nasa talyer ang kotse nya.
"Hindi sya umuwi kagabi. Well, I guess may nakita yong hot chick kaya hindi nakauwi. Alam mo naman yon. Hindi magtetext kung nasaan dahil may nabingwit na sisiw." Sabi ni Kyuhyun habang hawak ang libro.
I looked at my wristwatch. It's already 7:00 in the morning. "Bro, I have to go. May pupuntahan pa ako." I said.
Kailangan ko pala pumunta sa gym ngayon dahil ilang araw na akong hindi nagwowork out.
"'Kay. Take care."
Paalis na ako ng magsalita ulit si Kyuhyun. "Kuya, here." May hinagis sya sa akin. It's a car key. "Use it. Wala naman akong lakad ngayon eh. Balik mo nalang tomorrow."
I smiled. Kahit na may pagka-evil itong batang to, mabait naman. "Thanks."
RIZA/VIEL's POV
"Viel, wake up. You'll be late, sleepyhead." Gising sa akin ni Mommy sabay halik sa noo ko.
Bumangon na ako kahit tinatamad. Late na ako nakauwi kagabi dahil inaya akong mag-dinner ni Ralph sa isang italian restaurant. Napahaba ang usapan namin kaya di namin namalayan ang oras.
BINABASA MO ANG
The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]
FanfictionSungmin Lee loves to collect cute stuffs. Lalo na kung may favorite color nya ito, ang color pink. Until he met Riza Gae Ferreras, maid of a famous fashion designer. She's cute and also loves color pink and cute stuffs. Pero paano kapag nalaman ni R...