Chapter 5

107 4 0
                                    

RHEA's POV

Pinapatulog ko ang baby ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Riza. Bakit kaya?

"Hello, Riza. May problema ba?" Sagot ko.

"Ah. Hindi po ito si Riza. Si Sungmin po ito, kaibigan nya." Boses ng lalaki.

"Bakit nasa iyo ang cellphone ng kapatid ko? Nasaan sya?" Sunod sunod kong tanong.

Kahit na sinabi nyang kaibigan sya ni Riza, kinakabahan pa rin ako dahil baka nagkukunwari lang sya. Walang naikukwento sa akin si Riza na may kaibigan syang lalaki.

"Kaya po ako napatawag dahil na-hit and run po si Riza kanina. Nandito po ako sa hospital. Nasa emergency room po sya." Paglalahad nya.

Ano?! Nasagasaan ang kapatid ko?! "Bakit?! Paano nangyari yon?!" Nanginginig na ang buong katawan ko sa sinasabi ng lalaking ito.

"Kailangan nyo pong pumunta dito. Kailangan po kayo ni Riza."

"S-sige. P-pupunta kami." Saka ko tinapos ang tawag at pinuntahan sa kabilang bahay ang mga magulang at ang mga kapatid ko.

"Ma, Pa! Si Riza! Naaksidente!" Sabi ko.

"A-ano?! Jusko! Ano bang nangyayari sa batang yon?!" Gulat na sabi ng magulang namin. Ganoon din ang mga kapatid ko na gumagawa ng mga assignments nila.

"May tumawag sa akin na lalaki, gamit ang cellphone ni Riza. Na-hit and run daw po sya. Kailangan po natin pumunta sa Manila." Nag-aalalang sabi ko.

SUNGMIN's POV

Palakad lakad ako sa harap ng ER. Hindi ako mapakali. Biglang may lumapit sa aking pulis.

"Mr. Lee, nahuli na po namin ang suspek nang dahilan ng aksidente ni Miss Ferreras. Pumunta nalang po kayo sa tanggapan ng pulisya para sa ihahain na kaso sa suspek." Sabi ng pulis.

"Okay. Bukas nalang po ako pupunta. Baka po dumating ang pamilya ni Miss Ferreras." Hindi ko pwedeng iwan sa ngayon si Riza.

"Sige po." At umalis na ang pulis.

*Flashback

Pagdating ko sa condo unit ko, dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at tinignan kung may strawberry ice cream akong stock. Kailangan ko yon dahil gusto kong lumamig ang ulo ko dahil sa mga baliw kong kapatid.

"Shit! Walang strawberry ice cream! I badly need one." Pupunta nalang ako sa grocery store para bumili.

Kumuha ako ng jacket at sumbero para sa disguise ko. Mabuti ng maghanda, baka pagkaguluhan pa ako.

Pagdating ko sa grocery store, may nadatnan akong nagkukumpulan sa gitnang kalsada. Anong meron? May celebrity ba?

"Oy! Dali! May nasagasaan daw na babae doon! Tara! Puntahan natin!" Sabi ng ale habang hinihila ang kumare nya.

Tss! Mga usisera talaga.

Napatingin ako sa kumpulan. Sobrang dami nila.

Mula sa pwesto ko, hindi ko makita ang upper body ng victim pero kita ko ang paa nya. Hmm... Color pink ang slippers nya.

Wala naman sigurong masama kung lalapit ako sa kumpulan di ba? Hindi naman siguro nila ako makikilala. Titingin lang naman ako.

Lumapit ako sa kumpulan at nagulat ako sa nakita ko. Hinawi ko kaagad ang mga taong nasa unahan ko at nilapitan sya.

"Riza, wake up!" Yugyog ko sa kanya.

Damn! What happened to her?! Bakit sya nakabulagta dito?! Sino ang may gawa nito?! Kanina pa ba sya nandito? Bakit walang tumutulong? Nasaan ang ambulance?!

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon