Chapter 3

128 7 0
                                    


RIZA's POV

Naglalakad ako sa tabing kalsada habang tinitignan ang cute kong sandals na color pink na binili ko three years ago. Ngayon ko lang naisipan suotin.

"Hmm... Dapat ba akong sumama kay Nove?" Mahina kong tanong sa sarili.

*Flashback*

"Oo nga. Wala ka na talagang pag-asa, Riza. Halos buong mundo, kilala sila." Napapailing na sabi ni Faye Marie.

"Halos buong mundo kilala sila? Eh bakit hindi ko sila kilala?" Malay ko ba sa mga ganyang bagay.

"Problema kasi sayo, masyado kang dedicated sa trabaho mo. Girl, hindi magandang sa isang bagay ka lang nakafocus, try to look around you. Bili bili din ng tv pag may time para alam mo kung anong nangyayari sa paligid mo." Sabi naman ni Deasyrey.

Totoo nga. Masyado akong nag-aalala sa trabaho ko. Gusto ko lang namang makatulong sa pamilya ko pero hindi ko man lang magawang alamin ang nangyayari sa paligid ko.

"Ganito nalang." Hinawakan ni Nove ang kamay ko at tinignan ako.

"Sumama ka sa akin sa concert ng Super Junior next month para malaman mo kung bakit sila sikat sa buong mundo. Para kahit papaano, alam mo ang nangyayari sa paligid mo." Suhestyon ni Nove.

"Pag-iisipan ko."

*End of flashback

Ang mahal naman kasi ng ticket! Five thousand pesos! Pambili ko na yon para sa collection ko!

Napahinto ako sa paglalakad ng may tumapat na itim na kotse sa tabi ko. Kunot noong tinignan ko ang kotse.

Bumaba sa kotse ang lalaking nakita ko sa Blue Magic. Anong ginagawa nya dito? Nilapitan nya ako.

"Hello. Nice to see you again. Saan punta mo? Baka pwede kitang ihatid?" Nakangiting sabi ng lalaki.

Para akong nililipad sa ngiti nya. Gusto kong kurutin ang pisngi nya sa sobrang cute at ang mga mata nya... Ang ganda.

"Ah. Eh. Wag na. Malapit na ako sa bahay ko." Nahihiya kong turan.

NBSB ako sa totoo lang. At first time kong makakita ng isang katulad nya. Sa tingin ko nga, crush ko na sya eh.

"Ganoon ba? Pwede ba kitang ayaing mag-coffee?"

"Coffee? Bakit?"

"Gusto lang kitang makausap." Nakangiti nya pa ring saad.

Hindi ko alam kung nagpapacute ba sya o natural na ang pagiging cute nya. Wala naman akong gagawin sa bahay at mukha naman syang mabait. Tumango ako.

Pagdating sa coffeeshop, nag-order kaagad sya. Hinayaan ko nalang sya na mag-order para sa akin.

"Hilig mo bang pumunta sa coffeeshop na ito?" Tanong ko. Napansin kong kilala na sya sa coffeeshop na ito.

"Oo. Six times a week ako pumunta dito."

"Naku! Nakakatulog ka pa ba sa tamang oras nyan? Kasi sabi nila, masama daw ang sobrang pag-inom ng kape." Narinig ko kasi yon sa classmate ko noong highschool. Umiinom ang tatay nya ng kape araw-araw. Habang tumatagal daw, nahihirapan na itong makatulog.

Natawa sya sa sinabi ko. "Hindi naman. Hilig ko lang talaga pumunta dito. Iinom lang ako ng coffee kapag may problema ako."

"Ah." Napatango ako. Buti naman.

Pagdating ng order namin, sinimulan na naming kainin ang cake.

"Nga pala, yung human sized teddy bear na binigay ko sayo, kamusta na?" Tanong nya.

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon