Hindi ko mapigilan ang hindi mapatayo at magtingin-tingin sa paligid. Mukha ni Benjamin ang nakikita ko, kahit saang sulok ng office.
“Papatayin kita!”
Tinakpan ko ang mga tenga ko nang marinig ko ‘yon sa isip ko.
“Katangahan mo ang pinapairal mo! Wala kang kwenta!”
Isang alaala na paghampas niya sa akin ang dahilan para mapahagulgol na ako ng tuluyan.
Nakita ko si Rome na napatayo sa kanyang upuan at nilapitan ako ngunit pinigilan ko siya.
“Please, ‘wag mo akong saktan,” umiiyak kong pakikiusap. “Kakapanakit mo pa lang sa akin kanina. Sobrang sakit na ng katawan ko. Hindi ko na alam saan ako lulugar! Tama na, ayoko nang masaktan!”
“What the heck is happening to you? And what are you talking about? I will not hurt you and I didn’t hurt you. Baka akalain ng mga makakarinig sa ‘yo sinaktan talaga kita.”
“Kailangan kong mapag-isa,” huling sabi ko at tumakbo palabas ng office niya. Hindi ko alam kung saan pasikot-sikot ang building na ‘to pero ang alam ko lang na nakarating ako sa hindi pamilyar na hall kung saan ako lang ang mag-isa.
Kitang-kita ang buong shudad sa lugar na ito. Napaupo ako at napayakap sa tuhod ko.
Ayoko na ulit mamaltrato ng ibang tao. Ang hirap, lalo na kapag naaalala ko at lalo na n’ong wala akong mahingan na tulong. Kapag ganito ang nararamdaman ko, si Francis ang kailangan ko.
Komportable ako kay Francis at hindi ko siya kayang wala sa tabi ko kapag sinusumpong ako.
“It is not rude to run away while I am interviewing you?” boses ni Rome ang narinig ko sa likuran ko. “Ano bang nangyayari sa ‘yo? Alam mo, hindi pa kita empleyado, namroblema kaagad ako sa ‘yo.” Hinawakan niya ang sintido niya at inilagay ang kaliwang kamay sa baywang niya.
Yumuko ako, “Sorry po, sir. Nagka-anxiety attack lang ako kanina,” paghingi ko ng paumanhin. “Hindi ko sinasadya. Hindi ko mapigilan. Para akong hinahabol at gusto kong makawala sa humahabol sa akin kaya hindi ko na napigil ang mapatakbo hanggang sa bumalik ako sa huwisyo,” dagdag ko.
“Forget it. Follow me and I will explain your job,” malamig niyang sabi at tinalikuran ako.
Sinundan ko siya papunta sa elevator. Sa likuran niya ako nakapwesto kaya nakakaramdam ako ng nerbyos.
“Click the 8th floor button,” utos niya kaya inabot ko ang elevator button. Nanlaki ang mata ko nang mapindot ko ang number nine. “Hindi mo ba alam ang numerong walo?!” Iritable niyang tanong at medyo hinawi ako kaya napalayo ako sa tabi ng elevator button.
Pagdampi lang ng balat niya ay ang laki pa rin ng impact.
Siya na ang pumindot ng number at sinamaan ako ng tingin bago niya ibinaling ang tingin niya sa pinto ng elevator.
“Sorry, nagkamali ako ng pindot,” pag-nguso ko.
“Ayoko sa mismong trabaho mo nawawala ka sa sarili mo. That’s one of my pet peeves. Nakakairita lang. Kapag naiirita pa naman ako, nanananggal ako ng mga empleyado kaya sana malinaw ‘yon sa ‘yo.”
BINABASA MO ANG
My Boss CEO is my Ex-husband (Completed)
RomanceFrozen Hearts Series #1 "It is nice to see you again, my cheater, slut, gold-digger ex-wife." -Rome Wilson Without saying a word, Faye Reagon left her husband, Rome Wilson, and replaced him with the old, wealthy guy, Benjamin Sorsuela. Her husband t...