PROLOGUE

1.6K 23 1
                                    

“Faster!”

Halos madapa na ako sa pagtakbo ko nang sumigaw na si Rome. Hindi ko sinasadyang manakit ang paa ko dahil sa heels na suot-suot ko. Ang bibigat pa ng mga box of bondpaper na pinabuhat niya.

“Aren’t you having breakfast?!” he faced me irritably. “I feed you well at my house and then you’re going slow like a snail?!”

“Sir, hindi na po kaya ng paa ko,” may pakiusap kong sabi at pinarinig ko ang pagod na pagod kong paghinga. Napalunok ako nang sunod-sunod nang bigla siyang tumigil at ilang segundo na ang nakakalipas hindi niya pa rin ako hinaharap.

Nang humarap siya halos gusto ko nang magpalamon sa sahig dahil sa sama ng kanyang tingin. Nag-iwas ako nang tingin at mas niyakap ang mga buhat-buhat kong kahon.

“Sa mundo ng kumpanyang ‘to, walang sino man ang humarap sa akin na nagrereklamo at pagod na pagod. Kung gusto mo nang umuwi, lumayas ka rito.” Madiin niyang sabi. “Hindi ko pinupulot ang mga perang pinapasweldo ko sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at sinasakripisyo ko ang pagod ko kahit wala na akong tulog. How dare you complain? Ganyan ba talaga ang gusto mo, ang makaramdam na masarap na buhay na walang ginagawang mabibigat na trabaho sa mismong workplace mo?”

Huhu! Galit na naman siya...

Umiling ako ng dahan-dahan. “Hindi ako aalis sa trabaho ko, sir,” determinadong sabi ko. “Sorry po, hindi na mauulit,” humina ang boses ko.

“Then, good. Pakibilisan dahil kakailangan ko ‘yan para sa printing. Sinabihan na kita n’ong una pa lang, ‘di ba? Ayoko ko nang mabagal, ayoko nang tatanga-tanga.”

Tinalikuran niya ako nang basta-basta kaya patakbo ko siyang hinabol. Muntikan pa akong masubsob nang matapilok nang bahagya ang suot-suot ko na heels.

Jusko! Kailangan ko lang talagang pagtiisan lahat-lahat nang nararanasan ko ngayon para sa lalaking mahal ko.

Hiyang-hiya ako sa mga kasama ko sa trabaho nang madaanan ko sila sa kanya-kanya nilang counter, pero ang mahalaga ay hindi ako malayo kay Rome na napakabilis ang lakad.

Mayroon pa ngang gustong lumapit sa akin para tulungan ako pero takot na takot sila sa pamatay na tingin pa lang ni Rome.

Alam ko na madali kay Rome ang magtanggal ng mga empleyado kaya nangangamba rin ang iba at wala silang ibang choice kundi hayaan at panoorin na lang akong nakasunod kay Rome.

Sa wakas at nakarating na kami sa ikalawang office niya sa first floor kaya kaagad kong binitawan ang mga box ng mga bondpaper at naupo agad sa couch. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang tagaktak kong pawis sa leeg ko.

“Did I allow you to plop yourself at the couch?” Baritonong tanong ni Rome kaya’t mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo. Pinunas ko ang mga kamay ko sa skirt ko.

“May i-uutos pa po ba kayo, sir?” Pinilit ko pa ring ngumiti kahit ang lakas lakas ng tibok ng puso ko sa pagod.

“Oo. Anyway, I didn’t notice that I still have a lot of bondpapers here. Pakibalik na ang mga ‘yan sa office,” kaswal niyang utos na para bang hindi niya ako nakita na halos mamatay na sa pagod sa pagbubuhat ng mga bond papers.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!

“P-Po?” Pagkaklaro ko at nagbabaka sakaling nagkamali lang ako ng pandinig.

“Bingi ka ba? I told you I don’t want to repeat what I already said! Iniinis mo ba ako?” Kinabog niya ang table office niya kaya umiling ako ng ilang beses.

“Pwedeng magpahinga muna?” napakahawak ako sa mga tuhod ko at huminga ng malalim. “Please po?”

“No. After you get that things back from my office, you get me a coffee and a piece of cake, also clean my office too since I can perfectly see the tiny dirts every inch of my office. Understand, Faye?”

Gusto ko na lang biglang magresign dahil sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya sa inuutos niya? Naiiyak na ako rito oh.

“BILIS!” Napatalon ako sa gulat.

“Yes po!”

Patakbo akong lumabas at napahawak sa pader. Napapikit ako ng mariin at pinigilan ang pagngawa ko.

Sobra ka talaga, Rome!

“Kung hindi lang talaga kita mahal hindi ako magiging sunod-sunuran sa ‘yo,” naiiyak kong sabi at pumasok ulit sa office para kunin ang mga bond papers.

Pero dahil love kita, lahat pagtitiisan ko para lang mapatunayan ko na sincere ‘yung love ko sa ‘yo.

My Boss CEO is my Ex-husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon