CHAPTER 4-He has changed

933 21 0
                                    

FAYE

Gusto kong tumakbo papunta sa kanya para mahigpit siyang yakapin, pero natatakot ako sa mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Parang mga patalim kung makatitig. Kulang na lang masasaksak na ako sa tingin niya. Napalunok ako at hindi ko maitago ang nerbyos ko.

Pinapangarap ko ‘to e, ang makita ang mukha ng lalaking kinababaliwan ko at mahal na mahal ko.

“You missed me?” tumawa siya na para bang nagbiro ako, punong-puno ng sarkastiko at sakit. “Why? Iniwan ka na ba ng kabit mo?” May sama ng loob ng boses niya. “Nagsawa na ba siya sa ‘yo o pinagpalit mo rin?”

Wala na akong nasabi pa at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, siya at ang hitsura niya ngayon. Ibang-iba na siya ngayon. Ang guwapo-guwapo na niya, desente at ang ganda na ng postura niya. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang pormal na kasuotan.

Kung dati payat siya, ngayon maskulado na. Mas lalo siyang pumuti. Namumula na ako ngayon dahil punong-puno ako ng paghanga sa kanya.

Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Malayong-malayo na ang narating niya kumpara sa akin.

Pero masaya ako nang makita ko siyang ganyan na nasa sitwasyon. Ang buong akala ko naghihirap din siya katulad ko.

Salamat naman kay Lord at binigyan na niya ng magandang status si Rome.

“R-Rome. H-Hindi ako makapaniwala. Ikaw na ba talaga ‘yan? A-Ang laki ng pinagbago mo,” hindi mapigilan na sambit ko. Pinigilan ko ang sarili kong tumakbo sa kanya dahil nakakahiya.

“Oo, ako nga. Sino ba sa akala mo?” pagtaas na kilay niyang tanong. “Anyway, have a seat,” dagdag niya at hinagod ang table niya. Hindi ko siya sinunod at nanatiling nakatayo. “Hindi mo ba ako narinig?” salubong na kilay niyang tanong.

Nakikita ko sa mata niya na sobrang nasaktan siya at nagalit sa akin dahil sa ginawa ko.

Napansin ko rin na parang naging perfect shape na rin ang kanyang mga kilay. Ang pula-pula ng labi.

Shet!

Napailing ako nang marealize kong masyado kong pinapantasya si Rome. Naalala ko bigla ang tungkol sa trabaho. Kung ganun siya ang may-ari nito?

Nanlaki ang mata ko dahil sa naisip ko. Oh, my God. Siya ang may-ari? Siya ang boss?

Ayoko na isa pa ako sa makakasira ng araw niya, at ayokong bumalik para sirain ang natapos niya, pero malaki sa parte ko na umaasa akong magkakabalikan kami bilang mag-asawa. Alam ko na isa na akong sumira sa buhay niya pero hindi pa ba pwedeng ulitin?

“I’m sorry,” dalawang salita lang pero nautal pa ako. Magsasalita pa sana ako pero parang napiyok bigla ang boses ko dahilan para isarado ko na lang ang mga labi ko.

“Stop that drama. Wala nang magagawa ‘yang sorry mo,” malamig niyang sagot kaya’t napanguso ako. “Pinapaupo kita, ‘di ba? Mahirap bang intindihin ‘yon?” nanatiling nasa hina ang boses niya.

Inirapan pa niya ako.


“A-Ah, k-kasi, Rome—”

“Call me SIR!” taas na boses niyang sabi para maputol ang sasabihin ko. “We are not close to mention my name,” madiin nitong sabi at napatayo pa para duruin ang mesa. “At nakakarinding pakinggan kapag nanggagaling sa bibig mo ang pangalan ko.”

Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya at pinagbuklod ang mga daliri ko sa ibabaw ng puson ko.

“I’m sorry, p-pero hindi ko na tatanggapin ang trabaho,” mahinang sabi ko at tumungo para hindi salubungin ang nakakamatay niyang tingin, “maghanap na lang kayo ng bagong employee,” ngumiti ako habang nakayuko. “Pasensya na, tatanggihan ko ang trabaho.”

My Boss CEO is my Ex-husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon