CHAPTER 1-Finding new job

1.7K 33 0
                                    

FAYE

Binilang ko ang pera kong nasa pitaka ko at nakita kong sakto lang ang pamasahe ko ngayong araw para makapunta sa iba’t ibang lugar para makapaghanap ng trabaho.

Pero feeling ko hindi kakasya ‘to. Ang mahal-mahal na nang pamasahe.

Ipinaypay ko ang kamay ko dahil umaga pa lang ay sobrang init na at tumatagaktak ang pawis sa noo ko. Napabuga ako ng malakas sa hangin. Sumasakit pa naman ang ulo ko sa init.

“Ikaw muna ang bahala kay mama, Francis, kailangan kong maghanap ng trabaho,” wika ko sa kapatid ko. Naawa ako sa kanya dahil uuwi na naman siya mamaya galing sa school nang walang ulam.

Wala kasi akong pera na pambili. Madalas inuulam namin toyo at mantika lang, pero kahit gan’on ay nakakaraos naman sa isang araw.

The important thing here is to fill our stomachs with food, kahit anong ulam pa ‘yan basta’t may kanin.

“Sige, ate. Anong oras ko paiinumin ng gamot si Mama?” tanong niya habang binibitawan ang kanyang school bag, akmang aalis na siya, pero nakita niya akong nakabihis.

Ang kanyang bibiluging mata ay pinalilibutan ng itim. Napuyat kasi siya kagabi dahil inalagaan niya si Mama. Masakit kasi ang ulo ko kagabi at hindi ko kayang magpuyat.

“8:30 nitong umaga, 9:00 AM pa naman klase mo hindi ba? At saka baka magabihin ako, ha? May lugaw si Mama roon sa kusina. Pasensya ka na ha at para kay mama na lang ‘yon. Hindi na kasi siya pwedeng kumain ng hindi malambot. Magtiis ka muna, Francis. Kapag nagkaroon na ako ng trabaho, promise ko masasarap na ang ulam na iuuwi ko,” ngumiti ako at hinaplos ang ulo ng kapatid ko. Siya ang bunso, ang panganay namin ay nag-asawa na, mahirap din ang buhay nila roon sa Bulacan.

Sa Bulacan kami tunay na naninirahan. Mayroong bahay ang lolo at lola ko—sa father side ko—which is itong tinitirahan namin—sa San Juan City—at sinabi nila na pwede kaming tumira dito anytime kung sakaling gusto naming maghanap ng trabaho dito sa Maynila.

Mayroon ng anak ang panganay namin, 5 years old na at lalaki. Nag-aaral siya ngayon ng pre-elem.

Tungkol naman sa mga magulang namin, wala na si Papa, 4 years ago nang mamatay siya dahil sa cancer. Sinubukan namin siya noong iligtas, kaya lang matapos siyang operahan, nawala na siya. Hindi nakayanan ng kanyang katawan, plus matanda na rin si Papa at siguro mahina na ang kanyang mga organs kaya tuluyan na siyang nawala sa amin.

“Naiintindihan ko, ate. Hindi naman ako humihingi ng mas higit pa rito. Pero sana ate kahit na gusto mo kaming bigyan ng magandang buhay ni Mama, huwag mong papabayaan ang sarili mo. Mahal na mahal ka namin,” niyakap ako ni Francis kaya hinalikan ko siya sa ulo. Natutuwa ako na napakaopen-minded ng kapatid ko sa ganitong bagay.

Hindi tulad ko na mainit ang ulo, puro salita, at hindi nag-iisip ng maayos. Kaya ganito ang buhay ko eh, kasalanan ko rin naman. Madalas akong napapaaway sa trabaho dahil nga sa misunderstanding at ako naman, dahil hindi nakapag-tapos ng pag-aaral, hindi ako marunong umintindi sa iba.

But now, I promise to myself it won’t happen again. Nagising lang ako sa realization na kahit hindi ako nakapag-tapos ay dapat well-mannered and good behavior pa rin ako. Natututo iyon sa bahay at natutunan ko ‘yon mula sa nanay ko n’ong nakakapag-salita pa siya.

“Pangako mag-iingat na ako. Wala ng mananakit sa akin,” bulong ko sa kanya habang nakatingin sa ibang direksyon.

Hinding-hindi na mangyayari ang nangyari noon sa akin. Hindi ko na ulit ‘yon papayagan. Kung kailangan kong lumaban, gagawin ko. Gagamitin ko ang pagiging matapang ko.

My Boss CEO is my Ex-husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon