CHAPTER 2-Opportunity has been granted

1.1K 28 1
                                    

Masaya akong dumiretso pauwi ng bahay. Kahit papaano nakita naman ng bahay namin na liwanag ang naiuwi ko at hindi puro busangot at disappointments.

Ngumuso ako nang makita ang kapatid kong sinusubuan si Mama na hirap ang pagnganga.

Sa tuwing nakikita ko silang ganyan ay parang buko ang puso ko, nabibiyak.

“Ate, ikaw pala. Gutom ka na ba? Nang-utang muna ako ng itlog doon sa tindahan. Sabi ko kasi naghahanap ka ng trabaho,” bungad ni Francis nang mapansin niya akong pinapanood sila. “Alam ko naman na makakahanap ka rin ng trabaho, ate, at mababayaran din natin ang mga utang natin,” determinadong dagdag niya.

“Ganun ba? Ilan na ang utang natin? Huling kita ko mahaba na ‘yun eh,” tugon ko.

Itinuloy ko ang pagsubo kay Mama ng lugaw nang ipanguha ako ng pagkain ni Francis. Nagpasalamat ako sa kanya at kumain na rin. Gutom na gutom ako, mula kagabi hindi na ako nakakain ng marami. Puro tikim-tikim lang ng kanin.

Masyado kasi akong maraming iniisip kaya nadadamay pati ang pagkain ko. Ganito talaga ako, wala akong gana kapag problemado.

At saka iniisip ko rin na kapag kumain ako, parang nauubusan ng pagkain. Hindi baleng ako ang magutom, huwag lang silang dalawa. Mahal na mahal ko sila at kaya kong isakripisyo ang lahat. ‘Yon na lang ang tanging maisusukli ko kay mama.

Dumaan na naman ang gabing kahit papaano ay nagkaroon ng laman ang aming tiyan.

Napakunot ang noo ko nang hindi ako makaramdam ng antok. Umupo muna ako at huminga ng malalim. Palagi akong ganito sa tuwing gabi.

Kung hindi si Rome ang naiisip ko, naiisip ko ay ‘yung si Benjamin.

Humigop ako ng maraming hangin bago ulit humiga sa tabi ni Francis. Ipinalupot ko ang mga braso ko sa isang unan at pumikit.

Isang kwartong napakadilim, marumi, napakabaho, at napakaraming insekto sa loob. Biglang bumukas ang pinto at ipinakita ang isang anino ng isang malaking lalaki na may dala-dalang isang latigo. Bigla niya itong hinampas sa sahig na ikinagulat ko.

Napaatras ako nang bigla siyang naglakad papalapit sa akin. Bigla niyang itinapon ang latigo at tinanggal ang kanyang suot-suot na itim na sinturon.

Parang nanumbalik lahat ng takot ko sa dalawang araw kong pamamahinga nang umalis siya sa bahay.

“Ayoko!” umiling-iling ako, “masakit pa ang katawan ko sa kakapalo mo n’ong isang araw! Maawa ka naman sa akin!” pakiusap ko na kahit wala pa siyang ginagawa o nahahawakan ay nakikipag-unahan na ang luha ko sa pisngi ko dahil sa takot ko sa kanya.

Alam ko na ang gagawin niya sa akin kapag itinanggal na niya ang sinturon na nakapalupot sa kanya.

“Laruan kita kaya bakit kita titigilan?” Ipinalo niya ang kanyang sinturon sa palad niya. Pinagpatuloy ko ang pag-atras ko habang hindi maitigil ang mata kong pabalik-balik sa sinturon at sa mukha niya.

“Maawa ka!” pakiusap ko at niyakap ang sarili ko. “Kahit ngayon lang h’wag mo akong saktan. Mamamatay na ako sa dami ng bugbog ko sa katawan!” Hindi ko na nga kayang titigan pa ang katawan kong puro pasa at sugat na natatamo ko mula sa kanya.

“Ang laruan hindi agad nasisira kapag pinaglalaruan. Hindi ko naman titigilan ang paborito kong barbie. Buhay na barbie.” Bigla siyang tumawa nang malademonyo.

My Boss CEO is my Ex-husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon