Chapter 4

649 11 0
                                        

Chapter 4

VANESSA'S POV

Bandang alas dyes ng umaga na maka rating siya sa Hospital. Suot niya ang fitted na pantalon na sky blue at malaking tshirt na puti at ternuhan ng puting sapatos na medyo may kalumaan na nga. Hinayaan lamang niya na naka laylay ang mahaba niyang buhok, na tinatahak na mag lakad sa hallway sa Hospital at dala-dala palagi ang paborito niyang sling bag.

Sa kabila niya naman kamay hawak na supot na plastic laman lamang ng kanyang pinamili na pasalubong at kailangan ni Tiyo Lando, kagaya ng biscuit, gatas, prutas at iba pang pag-kain.

Pangiti-ngiti pa siya habang nag lalakad, hindi man kalakihan ang kinita niya sa Club, sapat na rin iyon na pang dagdag gastos na pang bili ng kanilang pangangailangan at gamot na rin.
Humawak siya sa kabilang batok, dama ang pananakit no'n at medyo inaantok na medyo kulang ang tulog.

Palapit na palapit na ako sa mismong silid ni Tiyo Lando at hindi na ako makapag hintay na makita siya. Bago paman ako tuluyang maka pasok, sakto naman na lumabas sa kwarto ang naka busangot na mukha ni Tiya Erlinda at naka sunod naman sakanya ang bunso nitong anak na si Maxine.

Hindi pa rin maalis ang matamis na ngiti sa aking labi, na lapitan si Tiya para mag mano.

"Mano po, Tiy——"at labis ko naman kina-bigla ang pag lapit ko sakanya nang sinampal niya ako na ubod ng kay lakas at biglang nag pagting ang taenga ko sa lakas nang impact at pag kirot ng aking pisngi. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang umuusok na ilong ni Tiya Erlinda at galit na galit.

"Napaka kapal talaga ng pag mumukha mo. Bakit ngayon ka lang?!" Singhal na sigaw na salubong niya sa akin. Maririnig mo ang malakas na sigaw niya na maagaw namin ang atensyon ng mga taong naroon, ngunit wala lamang siyang pakialam. "Kagabi pa ako nag hihintay sa'yo, at sinadya mo pa talagang hindi umuwi at hindi kami nakakain nang hapunan dahil sa pagiging layas mo." Patuloy na sermon ni Tiya at paulit-ulit akong dinu-duro nito sa aking noo para ipamukha lamang sa akin na kasalanan ko, kong bakit hindi sila nakaka kain kagabi.

Hindi ako magawang maka sagot kundi lamang, sobrang sakit ng aking dibdib sa aking makukuha na pag trato sakanya at nag simula na ring uminit ang sulok ng aking mga mata.

"N-Nag hanap lang ho ako Tiya ng pera kaya hindi ako naka uwi kagabi." Sagot ko pa na mahinang wika.

"Aba! Sasagot-sagot ka pa talaga." Galit pa rin siya sa  pag sagot ko. "Ano iyan?" Tukoy nito sa bitbit kong supot, na mga pag kain. Bago paman ako makapag salita lumapit na siya sa akin at inagaw niya ang supot.

"P-Para ho, kay Tiyo iyan na pagkain niya." Wika ko naman na isa-isa talagang hinalughog ni Tiya na tignan sa supot ang pagkain at tumitingin kong may pakikinabangan siya doon. Nang wala siyang makita doon na kahit na ano, lukot na lukot ang kanyang noo sa pag kadismaya at galit na rin siguro.

Padabog na sinauli sa akin ni Tiya ang supot na pag-kain na kamuntik ko pa na hindi masalo. Sunod niya naman pinag diskitahan na agawin sa akin ang dala-dala ko parati na sling bag para mag hanap ng pera. "T-Tiya." Nakikipag hilahan pa ako sakanya na buong pwersa nitong hinahatak ang aking sling bag para kunin niya at matignan na.

"Lintik nang! Ibigay mo na ito sa akin! Kundi tatamaan ka sa akin. Vanessa." Sindak niya at buong pwersa nitong natahak ang sling bag ko kaya't napa bitaw ako sa pag kakahawak doon.
Pinapanuod ko lamang si Tiya na kalkalin ang laman ng bag ko at labis naman akong nabahala na makita nito ang perang iniinggat-ingatan kong itago.

Hawak-hawak na ni Tiya ang makakapal na libo-libong pera, na natira sa kinita ko sa Club. Galit na galit na tumitig sa akin si Tiya at pinakita pa sa akin ang napaka kapal na libong pera na hawak niya. "Ano ito, huh?" May pag dududa sa tinig nito at padabog na binato sa akin pabalik ang sling bag ko na wala nang halaga sakanya. "Natuto kana talaga mag tago sa akin ng pera, Vanessa? Ang kapal naman talaga ng pag mumukha mo. Baka nakaka limutan mo, na napaka rami mo pang utang sa akin sa pag papalamon at pakikitira ko sa'yo." Panunumbat nito.
Parati naman siya ganiyan na parati niyang sinusumbat niya sa akin ang tulong na binibigay niya sa akin.

Hunk Series 3: Lucas Walker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon