Chapter 5
LUCAS POV
Naka tayo ang isang lalaki malapit sa malaking glass window, malaya nitong pinapanuod ang nag lalakihang mga building at establishment sa paligid ng kompaniya mula sa kanyang Opisina.
Matangkad at maganda ang hubog ng katawan ng lalaki at naka itim na kasuotan, base pa lang sa kilos at galaw kagalang-galang na ito at kinakatakutan ng kanyang mga nakaka-kilala sakanya.
Siya si Lucas Walker, dalawampu't siyam na taong gulang at nag may ma-may ari ng Golden Empire Airlines kong saan niya namana na iniwan sa kanyang Ama na negosyo. Bukod pa doon, tanyag at kilalang-kilala si Lucas sa kanyang husay pag dating sa kanyang mga negosyo at marami din siyang mga ari-arian at isa rin sa kanyang pinapamahala ang ilang mga lupain sa ibang mga lugar sa Pilipinas.
Ilang minuto naka tayo si Lucas sa ganung posisyon, seryoso at puno ng misteryo ang kanyang mga mata. Ilang sandali lamang, bumukas ang pintuan ng kanyang Opisina at sunod na lang maririnig ang yabag ng tunog ng sapatos tanda na may pumasok.
Ang yabag ng paa, biglang nahinto sa tapat mismo ng lalaki at kaagad naman kina-lingon ni Lucas nang tingin at makita ang kanyang katiwala na tauhan na si Kevin.
Nag vow pa si Kevin sa harapan ng Amo tanda ng pag galang at pomosisyon na ito na pag kakataon , at handa ng mag balita kong ano man pinag-uutos nito. "Naka hanap na po ako ng impormasyon sa pinapahanap niyo sa akin, Sir." Wika ni Kevin.
Isang ngisi na lang ang sinagot ni Lucas dito at nag lakad na patungo sa bakanteng couch kong sa loob ng kanyang Opisina. Pinili ni Lucas na maupo sa single black couch at nag dekwartro, para itong hari sa kanyang pwesto at pamamaraan ng upo.
Samantanla naman ang kanyang katiwala na tauhan na si Kevin, mabilis at maliksi ang kanyang kilos na kinuha sa table ang tablet ng kanyang Amo at malayang binigay dito para masimulan nang matignan kong ano man ang kanyang nagawa.
Walang salita ang lumabas sa bibig ni Lucas na binuksan na ang ipad at tinignan na isa-isa ang mga litrato at ilang mga impormasyon na kanyang pinahanap sa kanyang tauhan. "Naka hanap na ako ng impormasyon at nalaman ko ang totoo niyang pangalan. Siya si Vanessa Mangubat, dalawampu't tatlong taong gulang." Salaysay ni Kevin na naka posisyon na tindig sa gilid ng kanyang Amo at pinapaliwanag dito lahat kahit naka saad naman sa pinadala niya sa mail ang ilang impormasyon na kanyang nakalap.
Mahigit limangtaon na nag tra-trabaho si Kevin bilang katiwalang tauhan ni Lucas. Tapat siya dito at pinag bubutihan niya pa lalo ang kanyang trabaho na hindi maka gawa ng anumang pag kamamali, dahil na rin iniiwasan rin na masaksihan nito kong paano ito magalit. Hindi strikto si Lucas sa mga ibang mga bagay at tahimik lamang ito kong mag trabaho, subalit hindi siya ang tipong lalaking nanaisin mong galitin o kaya naman banggain.
Pinapadaanan lamang ng tingin ni Lucas ang mga naka saad na mga impormasyon doon. "Ulila na siya sa kanyang mga magulang, at sa ngayon nasa pangangalaga siya ng lalaking nangangalang Lando, na kapatid ng kanyang Ama. May asawa si Lando, at may dalawa rin silang anak na babae." Lihim na imbestigahan ni Lucas ang babaeng naka kilala niya sa Club. Gusto niyang kilalanin pa ito nang lubusan at alamin ang background ng babaeng magiging Ina ng kanyang anak.
Umuwang na lang ang ngisi sa labi ni Lucas, na pinapasadahan ng tingin ang litrato sa tablet. Naka paloob doon ang mga samo't-saring mga litrato na palihim na kinunan ng kanyang mga tauhan para mag hukay pa ng impormasyon tungkol sa babaeng nakilala niya.
"Isang beses lang siya nag trabaho sa One Dreamers, Club at pinasok siya ng isa sa kanyang kaibigan na nangangalang Sarah." Pag swipe ni Connor sa tablet, tumambad sakanya ang litrato ng isang babae na kasama si Vanessa, at kuha iyon sa Club no'ng araw na mag sisimula pa lang itong mag trabaho.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 3: Lucas Walker [COMPLETED]
RomanceIsang simpleng babae si Vanessa. Naka tira siya sa bahay ng kaniyang Tiyo, ang tumayo na bilang pangalawa niyang magulang. One day his Uncle fell seriously ill and needed a lot of money for his treatment. He met Lucas Walker. The man she met at the...
![Hunk Series 3: Lucas Walker [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/306844916-64-k228296.jpg)