Chapter 1

2.2K 17 8
                                    

Chaptee 1

VANESSA'S POV

"Ate Vanessa, Ate Vanessa!"

Napatigil ako sa pag lalakad at nakita ko ang isang lalaking nasa trese anyos na patakbo papunta sa kinaroroonan ko. Suot lamang ng kupas na itim na shorts at sandong puti, na bakas ang pawis sa leeg at noo para maabutan lamang ako.

"Oh Biboy, ikaw pala," kilala ko ang lalaki na madalas na tambay sa kanto.

"Pinapatanong ni Aling Salome kong pwede ka daw bukas mag side line, ulit doon sa karinderya niya."

Si Aling Salome ang matanda at matabang may ari kong saan siya madalas mag side-line ng trabaho sa may eskinita.

"Oo naman Biboy. Paki sabi kay Aling Salome na pwedeng-pwede ako," masaya ako na hindi na ako mababakantehan na walang trabaho bukas, na may panibagong raket na naman siya.

"Sige, makakarating Ate Vanessa. Sige mauna na ako sa'yo, at inutusan pa ako ni Mama bumili ng suka sa tindahan." Paalam at kina takbo nito nito paalis na kina sunod ko naman ng tingin.

Nag lakad na ako sa masikip at maputik na eskinita, papunta sa bahay nila. Kumpol- kumpulan ang mga bahay at parang squatter ang lugar dahil hindi maalis ang away at ingay sa kanilang lugar.

Kilala ko na lahat ng mga tao at tambay sa lugar namin, at iilan sa kanila kaibigan at kung minsan kabiruan ko na rin dahil parati akong gala at kong saan-saan nakaka punta para mag hanap ng raket at pag kakakitaan.

Tinali ko ang mahabang buhok ko at inayos sa pag makasabit sa balikat ang sling bag, na medyo butas na nga at may kalumaan sa araw-araw kong ginagamit. Hindi ko pinapalitan ng bago kapag pwede pa naman gamitin, kailangan din kasi mag tipid sa pera lalo't mahalaga para sa akin ang bawat sentimo na kini-kita ko sa aking pag ra-raket.

Dalawang pu't tatlong taon gulang na ako at kasalukuyan pa rin nag aaral, sa isang publiko na skwelahan at kinuhang kurso ang pag guguro. Nasa second year college na ako ngayon.

Ilang beses na din ako natigil sa pag aaral dahil sa hirap ng buhay na kailangan ko pang unang atupagin ang pag hahanap ng trabaho.

Aaminin kong hindi naman kami mayaman gaya ng iba. Ulila na ako sa aking mga magulang at ngayon nakikitira lamang ako sa aking Tiyo Lando na siyang kumupkop at nag alaga sa akin.

Sa edad kong sampung taon, naranasan ko ng mang limos sa kalye, mag tinda ng kendi o kaya naman mag tinda ng sampaguita sa may simbahan.
Marami na akong sinubukan na trabaho at raket, simula nang pag babantay sa tindahan, taga hugas sa karinderiya, minsan naman cashier o kaya naman nag lalako ng mga pag-kain at gulay sa bayan.

Hindi pa man ako nakaka pasok sa maliit na bahay ay rinig ko na ang malakas at matinis na boses ni Tiya Erlinda, ang asawa ng aking Tyo Lando.

Kasunod no'n ang pag kalabog sa loob ng bahay namin na maririnig mo talaga ang malakas na inggay dahil yari lamang sa sementadong pader namin at ang yari din sa yero ang bubong kaya't napaka init sa loob ng bahay, kong sasapit ang tanghalian dahil wala naman na kisame.

Sa gilid ko naman ang pag bulong-bulungan at pag masid ng mga tsismosa naming kapitbahay sa labas ng mga bahay, na para bang nakiki- usyoso na naman ito kong ano ang nangyari.

Matamlay akong nag lakad papasok patungo sa bahay at nilagpasan na ang mga tsismosa naming kapitbahay. Nang tuluyan na nga akong maka pasok sa loob, ay muntik na akong matamaan ng binato ni Tiya Erlinda na plato.

Kita ko kong paano iyon nabasag at nag kahati-hati ng tumama ito sa pader at ang nakaka hindik na pag basag no'n ang sumunod.

"Ano kaba Lando, isang libo lang ang kinita mo sa mag hapon mong pamamasada?!" Ang malakas na sigaw na lang ni Tiya ang maririnig mo at naka pamaywang na ito sa harapan ni Tiyo Lando, na ngayon tahimik at kalmado itong naka upo sa gawa sa kawayan nilang upuan.

Hunk Series 3: Lucas Walker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon