Chapter 7
VANESSA'S POV
"Salamat? May kapalit iyon." Bahagya nitong pinisil ang baba ko at dama ko ang init at kuryente na nanalaytay sa kalamnan ko sa simpleng ginawa nito. Kay lakas nang pintig ng aking puso na maski igalaw ko ang katawan at mag react sa ginawa niya hindi ko na magawa, naging blangko na ang isipan ko sa ibang epekto niya sa akin.
Bakit ganito?
Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko?
Normal lang ba ito?
"A-Ano iyon?" kasing hina ata ng utot ang lakas ng boses ko, hindi ko alam kong narinig o naintindihan niya ang sinabi ko. Kong sakali lang ata, naka tayo ako baka kanina pa ako nag lupasay sa harapan niya sa pangangatog lamang ng tuhod ko.
"Mamaya mag handa ka. May gagawin tayo,"sa simpleng sinabi nito pinanayuan ako ng balahibo sa katawan at nanlaki ang mata ko.
Bago paman ako makapag salita na nilayo ni Lucas ang sarili niya sa akin, na maka hingga ako ng maluwag. Hindi na naalis ang nakaka-lokong ngisi sa kanyang labi na hinakbang nito ang paa palabas sa silid samantala naman ako naka-upo pa rin at labis akong pinangambahan na mahulaan ang ibig niyang sabihin.
May gagawin kami mamaya?
Hindi kaya mag sisiping kami?
Sinundan ko ang pintuan na nilabasan ni Lucas at wala ako sa sariling napa hawak sa aking dibdib na may takot at nerbyos ang lumukob sa puso ko na iniisip ang bagay na iyon.
****
"Salamat po." Nilagyan ng katulong na wine ang aking red wine glass, at pag katapos tumabi ito sa gilid at piniling pumosisyon na tumayo kasama ng kasamahan nitong dalawang katulong.
Naka tayo sila at nag hihintay lamang kong may ipag-uutos pa ang kanilang Amo.
Hindi pa din matapos ang pag mamangha ko sa napaka ganda at lawak na dining area at maganda rin ang kagamitan naroon at kumikinang rin na chandelier sa itaas. Maski rin ang malaking table kong saan kami kumakain, engrande at napaka sosyal at hula ko lamang na kayang maupo at kumain nang sabay-sabay na isang dosena na tao.
Marami at masasarap ang pinahandang pag kain para sa hapunan, mag simula sa iba't-ibang putahe at maincourse na ngayon ko pa lang nasaksihan.
Busog na busog na ang aking mga mata na pinapag masdan ang mga pag kain na naka hanay sa lamesa, na hindi namin kayang ubusin ni Lucas sa isang upuan lamang na kainan iyon.
Grabe ganito talaga kumain dito?
Daig pa ang pyesta sa rami ng mga putahe.
Pinag lalaruan ko lamang ang pagkain sa kubyertos na hawak ko at simple kong sinilip si Lucas na tahimik at naka-tuon ang atensyon nito sa kinakain na hapunan. Kanina pa ito tahimik at hindi man lang ito nag salita pa matapos namin mag-usap kanina sa Study Room nito.
Naka kunot ang kanyang noo at masungit ang itsura na kahit ako mismo, nahihiya at walang lakas ng loob na kausapin siya.
Pinapanuod ko na lamang na gumagalaw si Lucas habang kumakain at isa pa din palaisipan sa akin ang mga nangyari kanina.
Bakit kaya?
Ano kaya ang rason niya kong bakit ako ang napili niya?
Bakit gusto niya ng anak lamang?
Ayaw niya bang mag asawa?
Bakit niya ginagawa ito at ano ang dahilan niya?
Iyan ang mga tandang pananong sa isipan ko, na gustong-gusto ko na mag karoon ng kasagutan. Gusto ko maging linaw na malaman ang panig niya pero wala naman akong karapatan na mag tanong sakanya dahil isa rin iyon sa isang rule na naka saad sa pinirmahan kong kontrata na bawal mag tanong sakanya tungkol sa personal na mga katanungan.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 3: Lucas Walker [COMPLETED]
RomanceIsang simpleng babae si Vanessa. Naka tira siya sa bahay ng kaniyang Tiyo, ang tumayo na bilang pangalawa niyang magulang. One day his Uncle fell seriously ill and needed a lot of money for his treatment. He met Lucas Walker. The man she met at the...
![Hunk Series 3: Lucas Walker [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/306844916-64-k228296.jpg)