Chapter 6

642 8 0
                                        

CHAPTER 6

VANESSA'S POV

Isa-isa ko nang nilalagay ang mga gamit ko sa isang katamtaman lamang na bag, at sa gilid ko naman naka-tayo ang kaibigan kong si Sarah na malungkot akong pinapanuod na sinisilid ang mga
importanteng dadalhin ko sa aking pag-alis.

Kami lamang na dalawa ni Sarah ang mag kasama sa bahay ng aking Tiyo, samantala naman ang dalawa ko naman na pinsan at si Tiya Erlinda wala ang mga ito.

Huli kong sinilid sa bag na aking dadalhin ang picture frame na kasama ko ang aking mga magulang sa litrato, may pait akong napa titig doon sandali at pag katapos sinama ko na ito sa aking mga gamit.

Sinarhan ko na ang bag na dadalhin ko at binalingan ko ng tingin si Sarah, na pasilip-silip pa ito sa bintana. Sa maliit na siwang ng bintana ng maliit na kwarto kong saan kami natutulog, nakita ko ang kanina pa may tinitignan ng kaibigan ko. Mula sa labas, nandon pa rin naka parada ang mamahalin na sasakyan at isang katiwalang lalaki, na nag hihintay sa akin na lumabas ako.

Napansin ata ni Sarah na kanina ko pa siya tinitignan, kaya't lumapit siya sa akin at hinawakan nito ang kamay ko. "Vanessa, ito ang magandang pag kakataon na umalis at takasan mo sila habang hindi pa nila namamalayan," anito. "Huwag kana kasing tumuloy, baka may iba pa naman na paraan, diba?" Mamasa-masa ang kanyang mga mata at nakikita kong ayaw niya akong paalisin. Labag at mahirap man para sa akin na gawin ito pero kinakailangan.

Para sa Tiyo Lando ko, handa akong mag tiis na kahit na ano. Alang-ala lamang sa kaligtasan niya.

Umiling ako at kay lungkot ko siyang tinitigan. "Kailangan kong gawin ito, Sarah. Ikaw na muna ang bahala sa Tiyo ko habang wala ako ha? Kong mag tanong sila, kong asan ako sabihin mo na lang na umalis ako para mag hanap ng trabaho para sa pag papamot ni Tiyo."

"Hindi kana ba mag papaalam sakanila? Sa Tiyo mo?" bahagya naman akong natigilan at mamasa-masa ang mata kong umiling. Kapag panigurado nag pakita at nag paalam pa ako kay Tiyo bago umalis, alam ko naman sa sarili ko na baka hindi na ako makakaalis pa. "Mabuti na siguro na sabihin mo sakanila ang totoong dahilan ng pag alis mo para hindi sila mag alala sa'yo, lalong-lalo na ang Tiyo mo. Hahanapin ka niya sa akin."

"Hindi na siguro, Sarah," wika ko pa. "Mabuti na siguro na hindi niya alam ang bagay na ito. Panigurado naman na pipigilan at hindi ako hahayaan na Tiyo sa aking gagawin kapag sinabi ko sakanya ang totoo, kaya't mabuti na lang na hindi niya alam ito. Ayaw ko siyang mag alala at mag isip, ng kong ano-ano kaya aalis na lang ako na hindi nila alam." Humigpit ang pag kakahawak ni Sarah sa kamay ko at mapait akong ngumiti sakanya.

Mahirap ito para sa akin na alam ko naman na matagal akong mawawala.

Matagal ko rin na hindi makakasama at makikita ang Tiyo ko Lando ko, at gagawin ko ito para sakanya.

"Vanessa, hindi ako sigurado kong magagawa ko ito. Baka kasi madulas ako sa Tiyo mo at masabi ko sakanya ang toto----" humigpit ang pag kakahawak ko sa kamay ni Sarah. Inabot ko sakanya ang isang papel at napa titig naman siya doon.
Laman ito ng sulat na pag papaalam ko kay Tiyo.

No'ng isang araw ko pa iyon sinulat laman ng mensahe na gusto kong sabihin kay Tiyo. Alam ko naman na darating ang araw na aalis ako kaya pinag handaan ko na ito.

"Ibigay mo na lang itong sulat kay Tiyo, Sarah."

"Vanessa," tawag nito sa pangalan ko n may pag tutotol sa kanyang tinig. Sinilip ko pa ang tauhan na naka bantay sa labas at emosyonal muli akong humarap sa kaibigan ko at maluha-luha ang mata. "Kailangan ko nang umalis. Babalik din ako kaagad, ikaw na muna ang bahala sa Tiyo ko, tawagan mo na lang ako." Niyakap ko sa huling pag kakataon ang kaibigan ko at dama ko rin na ayaw niyang bumitaw para sa ganun, hindi na ako umalis.

Hunk Series 3: Lucas Walker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon