Chapter 8

5.2K 9 0
                                    


STILL 2 YEARS AGO….

Dumaan ang ilang araw at pilit kong kinalimutan ang nangyari sa amin ni Tita Flei. Alam ko sa sarili kong nasarapan ako at kahit na sinong lalake ay talagang uuulit kapag ganun kasarap ang na-experience. Pero dahil mahal ko si Carla at hindi ko siya kayang pagtaksilan ay handa akong isakripisyo ang libog ko para sa kanya at para sa magiging anak namin.

Dahil sa mga preparations ng kasal namin ni Carla ay madalas magtagpo ang landas namin ni Tita Flei, pero laking pasalamat ko dahil parang walang nangyari kung kausapin niya ako.

Medyo napaisip ako kung hindi niya kaya nagustuhan ang nangyari sa amin? Hindi kaya siya nag enjoy sa ginawa ko kaya parang wala lang sa kanya? Tinanggal ko na lang iyon sa isip ko.

Dumating ang araw ng Linggo at ito na ang araw ng aking kasal.

Nandito kami ngayon ni Kuya King sa venue at nag bibihis na.

"Ikakasal na itong kapatid ko, grabe inunahan mo pa ang Kuya mo" masayang sambit nito habang sabay kaming nagbibihis.

"Kasi ayaw mong mag-seryoso sa babae, kung sino ang lumapit sayo ay pinapatos mo. Paano ka makakatagpo ng mapapangasawa mo kung ganyan?"

"Alam mo kasi Knight, mabait akong tao…. Kapag may nangangailangang babae ay tinutulungan ko. Tingnan mo mamaya, may tutuhugin ako na isa sa mga bride's maid. Grabe makatingin sa akin kanina eh, at kumindat pa" pagmamayabang nito.

"Ulol!hahaha! Bilisan na natin ang pag-aayos dahil may photoshoot pa tayo"

"Nga pala Knight, may sasabihin ako sayo" anito at kita ko ang pagkabagabag sa kanya.

"Hmmmmm??"

"Yung tungkol dun sa nangyari sa inyo ni Tita Flei… a-ano, ka-kasi…." hindi nito matuloy ang sinasabi.

"Kalimutan na natin yun Kuya. Ginusto ko din naman yun kaya wag kang mag-alala. Tsaka hindi naman namin pinagusapan ni Tita Flei ang tungkol dun kaya parang wala lang nangyari. Kalimutan na natin yun" ako.

"Pero Knight, kasi ano….."

"Kuya, hindi kita sinisisi sa nangyari kaya kalimutan mo na" nakangiti kong saad at tumango na lang ito.

Natapos kaming magbihis at nagsimula ng mag photoshoot.

Nabighani ako sa ganda ni Carla. Simple lang ang suot nitong wedding dress pero talagang lumabas ang kagandahan niya. Sobrang ganda!!! Maraming posing at sa ibat ibang location ng venue kami nag photoshoot ni Carla at ng matapos ay bumalik kami sa kanya kanya naming kwarto upang magpahinga at magretouch.

Hinubad ko muna ang aking coat at polo at naupo sa sofa. Tinaas ko ang aking dalawang kamay sa likod ng ulo ko upang magrelax at magpalamig. Wala ang kapatid ko sa loob ng kwarto kaya pumikit muna ako.

Narinig kong bumukas ang pinto.

"Kuya iidlip lang ako saglit ah, pakigising na lang ako" utos ko habang nakapikit.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may pumatong sa akin. Mabilis akong napamulat at nakita kong si Tita Flei ito.

"Ti-tita… a-a-ano po ang ginagawa niyo dito?" gulat kong tanong.

"Ang gwapo mo Knight… takam na takam ako sayo" anito.

Hinawakan ko si Tita Flei sa kanyang baywang at mabilis na inalis sa aking katawan.

Hindi pa man ako nakakatayo ay ….

"Kung hindi mo ako pagbibigyan ngayon Knight, ay ipapakita ko ito kay Carla at sigurado akong walang kasal na magaganap ngayong araw" pinakita nito ang cellphone niya sa akin at nakita ko ang video namin sa bar.

Nanay ng Asawa ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon