Chapter 11

4.4K 6 0
                                    


"Oh shet, si Carla!" ani ko.

Mabilis akong tumayo, kinuha ang nakakalat kong damit at natatarantang pumunta sa kabilang side ng kama. Dumapa ako sa sahig upang hindi ako makita ng asawa ko.

Nakita ko si Flei na nataranta din at hindi alam ang gagawin.

At dahil nakahubad ito ay tinakpan lang niya ng kumot ang kanyang katawan.

"Mama? Napadaan po ba dito sa Knight? Baka po nakita niyo siya?" malungkot na tanong nito.

"Bakit anak? Ano ang nangyari sa inyo dalawa? May problema ba?" balik na tanong ni Flei.

Nagsimulang humikbi ang asawa ko at humagulgol ng iyak.

Para bang gusto kong tumayo at yakapin ito dahil ramdam ko ang sakit sa bawat iyak nito. Gusto kong punasan ang luha niya na alam kong ako ang may dahilan.

"Maaaa!!! Sinaktan po ako Knight!!!" sigaw nito. Naramdaman kong tumayo si Flei sa kama at nilapitan si Carla.

Inangat ko ang ulo ko upang silipin ang nangyayari at nakita kong yakap yakap ni Flei ang anak nito.

"Hffff! Hffff! Hffff! Pinag hffff pinagbintangan niya po akong hffff hindi niya anak si Frank" at mas lalong umiyak pa ito.

"Sssshhhh tahan na anak. Maupo ka muna dito sa kama at magbibihis lang ako" ani Flei.

Nagtungo ito sa aking pwesto at sa harap ko pa mismo nag-alis ng kumot at nagbihis ng damit. Dahan dahan itong nagbihis na parang nang-aakit at nangaasar. Nagsuot ito ng isang maluwag na tshirt na nagmistulan din palda, at bumalik sa tabi ni Carla.

"Ma ano pong gagawin ko? Parang galit po si Knight sa akin. Pakiramdam ko pinagdududahan niya ang pagmamahal ko sa kanya" ani Carla.

Gusto ko sanang sumagot at humingi ng tawad. Gusto kong sabihin na nagselos lang ako sa kapatid ko kahapon kaya ako naging marahas kagabi.

"Carla, baka pagod lang ang asawa mo kaya niya nagawa iyon. Alam mo naman ang mga lalaki, kapag pagod at kapag may nakitang hindi nila nagustuhan, ay kahit na anong bait niyan ay pipitik at makakasakit"

"Ano naman pong ginawa kong hindi maganda Ma? Hindi ko siya maintindihan. Kagabi pagkauwi natin mula sa mall ay parang may nagbago sa kanya. Simula ng magkita sila ni King ay parang nag-iba ang timpla niya at nainis sa akin" sumbong nito.

"Anak baka kasi nagselos siya sa kapatid niya"

"Selos?! Bakit naman siya magseselos? Wala naman kaming ginagawang hindi maganda ni Kuya King"

"Hindi ko alam anak. Pero ang sabi mo ay pinaghinalaan ka niyang iba ang tatay ni Frank. Hmmmmm… mabigat na paratang iyan anak. Wag ka mag-alala kakausapin ko yang si Knight at pagagalitan ko. Sa ngayon, bumalik muna tayo ng kwarto niyo at gusto ko makita ang apo ko" anito.

"Sige Ma, pero hindi niyo ba napansin si Knight? Hindi ko po kasi siya nakita dito sa bahay. Wala po siya sa sala, sa kusina at sa bakuran." malungkot na sabi nito.

"Hindi ko siya napansin anak. Siguro ay nagpalamig lang ng ulo kung saan. Babalik din yan" tumayo sila at lumabas ng kwarto.

Tumayo din ako at dahan dahang nagtungo sa pintuan. Kita ko na paakyat sila ng kwarto naming mag-asawa.

Nag makitang nakapasok na sila ng kwarto ay nagbihis na ako at lumabas ng guest room. Inayos ko ang sarili ko at nagisip ng idadahilan kay Carla, kung sakaling magtanong ito kung saan ako galing at natulog.

Matapos ang ilang minuto ay nagpasya na akong bumalik ng kwarto.

Pagpasok ko ay napatingin ang mag-ina sa akin.

Nanay ng Asawa ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon