Chapter 14

4.1K 14 1
                                    


Tumunog ang aking cellphone at nagtext si Kuya King.

"Natapos mo na ba ang namamagitan sa inyo ni Tita Flei?" tanong nito sa text.

Huminga ako ng malalim at hindi na nagreply. Nilagay ko ang aking cellphone sa bulsa at ginising ang asawa ko.

"Babe… wake up! I'm here" bulong ko habang tinatapik ito.

"Babe, wake up…." Patuloy kong pagtapik.

Umangat ang ulo nito at napatingin sa akin. Kumurap kurap pa ang mga mata nito.

"Anong oras na babe? Kumain ka na ba?"

"Yes babe, kumain na kami ng mga boss ko kanina. Pero kakain ako uli ngayon kasi nagluto ang asawa ko eh" malambing kong tugon na pawang kasinungalingan.

Napangiti naman ito.

"Teka lang iinitin ko lang itong mga pagkain para mas masarap" anito at kinuha ang mga ulam at kanin upang initin.

"Kamusta pala ang pakiramdam mo babe? Sumasakit pa ba ang ulo mo?" bakas sa tono niya ang pagaalala.

"Wala na babe, simula ng makita kita ay nawala na ang sakit ng ulo ko"

"Mambobola!" tumawa ito.

"Kamusta si Frank maghapon? Ano ang ginawa ninyo?"

"Ayos naman babe. Nanood lang kami ng TV and I read him a book. Mukhang matalino ang anak natin, nag-eenjoy kapag nagbabasa ng libro" anito.

"Syempre mana sa daddy. Magandang lalaki na nga, matalino pa" proud kong sagot.

Umirap naman ito at tinawanan ko lang.

Natapos ang pag-iinit niya ng pagkain at sabay naming pinagsaluhan ang late dinner. Puro kwentuhan at tawanan ang ginawa naming mag-asawa. Sa mumunting oras na iyon ay nakalimutan ko ang lahat ng kataksilang ginawa ko sa asawa ko.

Tila ba normal ang lahat.

"Babe magpapaalam pala ako bukas" anito at napakunot ang noo ko.

"Dahil? Kung aalis ka bukas at ang kasama mo ay kaibigan mong lalake, it's a NO"

"Relax babe. Lalabas lang kami ni Mama, kasama si baby Frank. Gusto niya daw kaming maka-bonding ng kami lang. That is actually a perfect idea, lalo na't nagkaroon siya ng emotional breakdown last night" eksplenasyon niya.

"If that's the case, then I'll say YES!" sagot ko.

"Thank you babe! Tsaka don't worry, hinding hindi ako lalabas kapag kaibigang lalaki ang kasama. Takot ko lang kung magselos ka" anito.

"That's my girl. Alam mo namang seloso ang asawa mo, baka mapaaway ako kapag nakita kitang may kasamang ibang lalake. Mabilis uminit ang ulo ko kapag nagseselos. " matapang kong sambit.

Ngumiti lang ito at nagkatinginan kami. Lumapit ang kanyang ulo sa akin at hinalikan ako sa labi.

Gumanti ako ng halik, at sa pagpikit ko ay ang mukha ni Flei ang nakita ko. Kung paano kami nagpakasasa sa katawan ng bawat isa kanina, kung saan saan kami nagsex at lahat ng posisyong ginawa namin.

Napadilat ako at nilayo ang mukha ko kay Carla.

"What's wrong babe?" takang tanong nito.

"I'm just not in the mood babe. Pagod lang sa trabaho, and I want to rest" sagot ko.

"Well I can help you rest, kahit isang round lang" mapang-akit na tinig nito at hinipo ang aking pagkalalake.

Malambot ito at parang walang planong tumigas.

Nanay ng Asawa ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon