Chapter 12

6.1K 10 1
                                    


"Hi Knight. I just came here to visit you. I hope you don't mind" nakangising sambit nito. Napakuyom ako ng kamao at mukhang lalapat ito sa mukha ng kapatid ko ngayon.

Pinilit kong itago ang inis ng madatnan si Kuya King dito sa bahay ko, at kalong kalong pa ang anak ko. Huminga ako ng malalim at kumalma, upang walang magawang hindi maganda.

"Hi Babe" bati ko kay Carla. Dinaanan ko lang si Kuya at dumeresto sa asawa ko. Inabot ko ang bouquet of roses and chocolates na aking binili.

"I'm sorry for what I did last night, please forgive me" sabay abot ng aking sorpresa.

Dahil sa gulat ay hindi ito nakapagsalita. Ginamit ko naman itong pagkakataon upang halikan siya sa labi. Hinawakan ko ang kanyang baywang at mainit itong hinalikan sa harap ni Kuya at ni Flei.

Nakita ko ang gulat sa dalawa, lalo na si Flei na may inis sa mga mata nito.

Pagkatapos halikan ang misis ko ay kinuha ko si Frank mula kay Kuya, at na-excite ang bata ng makitang papalapit ako.

"Papa!!! Papa!!!" sigaw nito at nakataas ang dalawang kamay na tila nagpapakalong.

"Yes baby! Papa's here!" at kinuha ko si Frank.

"Babe, can you please get Frank? Kakausapin ko lang si Kuya" seryoso kong utos na sinunod ni Carla. Inabot ko sa kanya ang anak namin.

"Tara anak sa kwarto niyo. Ihahatid muna kita doon at ako na ang bahalang magluto ng hapunan" ani Flei at umalis na sila.

Kita ko ang sama ng titig at pag-irap ni Flei sa akin.

"Let's talk outside" malamig kong sambit sa kapatid ko at nagpunta sa labas ng gate.

Kumuha ng sigarilyo si Kuya at sinindihan ito.

"Bakit ka nandito sa bahay ko? Who allowed you here?" nakakunot noo kong tanong.

"Ayaw mo ba akong makita Knight? Hindi ka ba masayang makita ang kapatid mo after two years of him being gone?" tanong nito.

"Of course not Kuya! Mukha ba akong masaya? Sana hindi ka na lang bumalik dahil naalala ko kung paano mo ako binenta kay Flei ilang gabi bago ang kasal namin ni Carla. Alam mo bang hindi dun natapos ang lahat? Blinackmail ako ni Flei, Kuya!! Sasabihin niya kay Carla ang lahat kapag hindi ko sinunod ang gusto niya!" medyo napataas kong boses.

Hindi ito nakapagsalita at patuloy lang sa paninigarilyo.

"If you only know how many times I attempted to break free sa ginagawa ni Flei sa akin, pero I had no choice. Ayaw kong masira ang pamilya ko kaya tiniis ko ang mga pananakot nito. Halos araw araw akong nakokonsensya noon dahil sa pagtataksil na ginawagawa ko…… " dagdag ko.

"Pero aminin mo Knight, nagustuhan mo ang ginagawa niyo ni Flei, hindi ba?" tanong nito.

Napatahimik ako. Totoo ang sinabi ni Kuya, na nagustuhan ko ang pakikipagtalik sa nanay ng asawa ko.

"Knight wag mong isisi sa akin ang lahat. Yes, sa akin nagsimula ang namagitan sa inyo ni Tita Flei pero hinayaan mong magtuloy tulo ito. Blinackmail ka niya? Oh eh ano ngayon? Hindi sapat na rason yun para matakot kang aminin sa asawa mo ang totoo! You had so many opportunities to admit everything to your wife pero anong ginawa mo? Wala! Nagpakasasa ka sa sarap na dulot ni Tita Flei…. Kasi gusto mo din! Nasasarapan at nageenjoy ka sa namamagitan sa inyo! At ngayong sinisisisi mo ako? Baka nga deep inside gusto mong magpasalamat sa akin kasi nasasatisfy ni Tita Flei ang sex na hindi mo maramdaman sa asawa mo" sagot nito.

Hinablot ko ang kwelyo nito dahil hindi na ako nakapagtimpi.

"Tang ina mo Kuya!!!! Tang ina mong gago ka!!" sigaw ko.

Nanay ng Asawa ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon