Chapter 13

5K 8 2
                                    


"Flei what are you doing? Bitawan mo yang baril, please!" taranta kong sambit.

"Why did you do that to me, Knight? Bakit hinalikan mo ang asawa mo sa mismong harap ko? Did you realize how would I feel? Naisip mo ba na baka masaktan ako dahil sa ginawa mo? May paflowers flowers ka pa at chocolate? Bullshitttt!" anito.

"She's my wife Flei, you have to unders…." Naputol ang sasabihin ko.

"I don't care! Wala akong pakielam kung siya ang asawa mo o kung siya pa anak ko! She's just your wife Knight! But I am your mistress and you are mine. Simula nung may nangyari sa atin, akin ka na!!!!" tumaas ang boses nito. Nangamba ako dahil baka magising si Carla at makita ang nangyayari.

Tumayo siya mula sa kama pero ang baril ay nakatutok pa din kay Frank.

"Please Flei, not my son. Ibaba mo na yang baril parang awa mo na" ani ko at hindi makakilos sa kinatatayuan ko.

"You hurt my feelings Knight. And I hated it so much!" galit na sabi nito.

"Ano ang kailangan kong gawin para bitawan mo ang baril Flei? Lahat gagawin ko please! Wag mong idamay si Frank, parang awa mo na!"

Tumahimik ito at ngumisi.

"Hiwalayan mo ang asawa mo Knight! Hiwalayan mo siya at ako ang piliin mo! Magsama na tayong dalawa kasama itong apo ko!" demanda nito.

Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?!

"I'm serious Knight! And you heard it right, I want you to leave my daughter and let's build our own family. Kayang kaya kong punan lahat ng pangagailangan mo, hindi tulad ng anak ko na puro pag-aalaga lang kay Frank ang inaatupag. Ako kaya ko kayong alagan ng apo ko at kayang kaya ko din paligayahin ka sa kama" dagdag nito.

Hindi pa din ako nakakapagsalita at pinoproseso pa din ang sinasabi nito.

"Walang kang choice Knight, if you don't choose me then I kill your son now. Choose me, then leave Carla. Ngayon sino ang mas matimbang sayo?" tanong nito.

"Why are you doing this Flei? Why are you doing this to your own daughter?"

"Dahil lagi na lang siya ang minamahal at pinipili ng mga tao! Puro na lang si Carla! Wala na akong naramdamang pagmamamahal kahit kanino. Noong nabubuhay pa ang asawa ko, lahat ng oras ginugol niya para kay Carla. Hindi na ako pinansin ng asawa ko sa kakaalaga sa anak namin. Hindi na niya napunan ang mga pangangailangan ko dahil sa lintik na Carla na yan" panimula niya at gumaralgal ang boses tanda ng pag-iyak.

"Kaya nung namatay ang asawa ko, sinabi ko sa sarili ko na ipaparanas ko sa kanya ang pinaranas niya sa akin. Ang hindi piliin, ang hindi mahalin! Kaya ng dumating ka sa buhay ni Carla, ay binayaran ko ang kapatid mo para makuha ka… pero hindi ko inasahan na mamahalin kita Knight. Na mamahalin kita ng ganito" at tuluyang tumulo ang luha nito.

Kinalabit ni Flei ang gatilyo at tinutok ng maigi kay Frank.

"Kaya mamili ka?!! Ako o si Carla? Tandaan mo buhay ng anak mo nakasalalay dito" banta nito.

"Stop! Stop! Stop!" pagpapahinto ko.

"You need to choose right now. I want to know your answer now!"

Pasensya na Carla. Pero para sa anak natin ay kailangan kong gawin ito. Para sa inyo ni Frank, kailangan kong magsakripisyo.

Bago pa man ako nakasagot ay….

"Oh di kaya? Patayin ko na lang ang sarili ko dahil mukhang hindi mo din naman ako kayang piiliin. Hayaan ko na lang mamatay akong nag-iisa at hindi minamahal" sinubo ni Flei ang baril. Doon ako napatakbo at pinigilan siya sa gagawin niya.

Nanay ng Asawa ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon