Matagal na kaming naka kontrata dito sa PNP bilang Medical Team nila pero hindi pa ako nakapunta o nakapasok sa office ng asawa ko, I mean office ni Mc Llishan. Hindi naman kasi ako welcome sa buhay niya at alam ko rin naman ang sagot kaya lahat ng inggit para sa babaeng mahal na mahal niya ay kina-iinggitan ko.
Pumasok ako sa office niya at hindi pa agad ako umupo sa harapan ng mesa niya dahil hindi niya pa ako pinapaupo nakakahiya naman kung uunahan ko siya baka sermon naman ang aabotin ko.
“Have a seat, “ seryoso utos niya kaya mabilis akong umupo.
“Salamat Major," sabi ko. Kailangan parin naman na professional sa lahat ng bagay lalo na sa trabaho.
“Next time if you have a free medical here don’t use V-neck sleeveles,” sita niya sa akin kaya tinignan ko muna ang damit ko dahil hindi naman malaswa at bagay sa akin. Maganda kaya ako, sabi ng isip ko.
“May lab gown naman ako, “ seryosong sabi ko.
“Wag ka nang mangatwiran pa. Hindi naman malaki ang panghinaharap mo para magsuot ng ganyan. Hindi ka pagpapantyahan dito dahil hindi bagay sa iyo,” bwelta niya. Lumaki na lang ang dalawang mata ko sa narinig sa kaniya. Walang pakialaman kaya, sabi ng isip ko pero tinignan lang niya ako ng masama.
“Use t-shirt next time ang daming t-shirt sa bahay,“ walang gana niyang sabi.
“Sige, “ pagsang-ayon ko na lang at tumayo na.
“Mag usap tayo sa bahay,” habol niyang sabi. Hindi na lang ako sumagot dahil hindi naman siya uuwe sa bahay.
“Mauna na ako,” paalam ko. Dumako ang paningin ko sa picture nila ni AZ pero sinawalang bahala ko na lang iyon kahit masakit. Ano pa nga ba magagawa ko? Kailangan kong tanggapin at magpanggap na tanggap ko ang lahat dahil wala naman magbabago.
Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko at pinuntahan ko si AJ. Kakamustahin ko na rin siya at kapag walang problema sa nursery room ay do'n muna ako tatambay.
FLASHBACK...
HINDI ko alam kung anong nangyari basta paggising ko, isang araw nakasira na lang ako ng isang relasyon na hindi ko naman sinasadya.
Gumising ako na may nakadagan sa akin. Na gulat pa ako dahil ang pinangarap kong tao ay siyang katabi ko na.Gumalaw ako bahagya at na pangiwi dahil naramdaman kong masakit ang center of everything ko kaya pati katawan ko ay masakit rin. Hindi ko maalala pero masaya ako siyempre.
"Yes he got me...He loves me," masiglang saad ko at dahan-dahan bumangon.
Paika-ika pa nga akong naglakad at tinungo ang walk in closet ko na may kasamang ngiti sa labi. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa aming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam kaya naka ngiti akong naghanap ng masusuot kong t-shirt at nang maisipan kong kuwanan ng larawan si Mc Llishan na kasama ko siya kagabi.
"Proof lang naman ito," bulaslas ko pa.
I'll took Llishan picture while he sleeping at lumabas na ako sa kwarto ko. Proof ko ito kaya dali-dali kong nilipat ang larawan sa laptop ko at hindi pa ako na kontento dahil I sent it to my daddy sa email account niya. Nagmessage ako sa kaniya na may nangyari sa amin Mc Llishan at sinabi kong mahal niya ako kahit hindi pa ako sigurado.
"Sabi kasi nila kapag inangkin ka ay mahal ka," bulong ko at ngumiti.
Tinungo ko ang kitchen at nagluto ng breakfast namin dahil masaya ako ngayon araw. Imagine, ang palagi kong dasal ay kasama ko sa kwarto at may nangyari sa amin. Ganito pala ang pakiramdam kapag maangkin ka ng taong pangarap mo at mahal mo parang nasa alapaap ka. Hindi nga nawawala ang ngiti ko sa labi habang nagluluto ako.
BINABASA MO ANG
A Painful Mistake (BOOK 1) COMPLETED
RomanceOne relationship ruined because of a one night mistake. Bata palang si Psalm Jaxeen ay may lihim na siyang pagtingin sa kababata niyang si Mc Llishan pero habang lumalaki sila ay nararamdaman niyang lumalayo na ang kababata sa kaniya. Hindi niya ma...