Mc Llishan Pov
Bumaba ako sa aking sasakyan at nagmadaling pumasok sa loob ng ospital dahil ngayon araw ang araw na mag-uusap kami ni Princess. Huminga ako nang malalim dahil dumaritso ako sa private room ng pamilya niya pero wala ng tao doon kaya alam kong nasa kaniya - kaniyang clinic na sila.
Dumaan ako sa nursery room at napalingon ako sa loob ng kwarto dahil makikita mo ang mga bagong silang na mga sanggol dahil half glass ang room. Huminto ako dahil iwan ko ba parang biglang tumigil ang mundo nang makita ko ang dalawang bata sa dulo.
"Angel and Angelo," basa ko sa mga pangalan nila. Lumapit ako sa glass at tinitigan silang dalawa. Iwan ko ba ulit parang na mamagnite ang mga mata ko lalo na nung ngumiti si Angelo dahil sa mga palamuting nakikita niya sa itaas.
"They are cute. Kailan kaya rin ako magkakaroon ng Angel at Angelo ko?" tanong ko bago ako umiling at naglakad ulit dahil malapit naman na ang clinic ni Princess. Ang nursery room area kasi ang mas malapit na short cut para mabilis makarating sa clinic niya.
My motivation today is to survive my marriage. Saka na ang little me ko kapag okay na kami ng asawa ko. Alam kong darating din ang araw na magkakaroon kami basta ang importante ngayon ay magkaayos kami at sana pagpalain pa ako ni Lord nh second chance para makabawi ako dahil marami akong mali at aaminin ko iyon mismo sa kaniya lalo na alam kung palagi niyang iniisip na isang pagkakamali ang nangyari sa amin no'ng gabing na lasing siya na ako rin naman ang nagtake advantages.
I have a lot of realisation katulad ng maraming masisira sa salitang envy kahit apat lang na letra pero buong pangarap ko ang nawala at nasira. Buti na lang talaga naliwanagan na ako dahil sa word of wisdom ni mommy at daddy kaya't kahit pagod dahil madaling araw nang natapos ang assembly namin kahapon na ginanap sa camp tapos may hinandang celebration pa na hindi inaasahan ang mga General at ang tropa kaya inabot kami ng madaling araw. Hindi ko pa nga nababawi ang pagod ko dahil wala pa akong tulog.Naka iglip lang ako sa office pero ginising lang rin ako ni AZ dahil pagpasok niya raw ay kanina pa tumutunog ang cell phone ko kaya sinagot niya na raw ito. Sinabi niya rin na si Princess ang tumawag kaya agad ko rin tinawagan ang asawa ko at buti naman sumagot rin. Nag usap lang naman kami nang madalian kagabi dahil siguro pagod na rin siya kaya andito ako ngayon sa hospital dahil mag uusap raw kami ngayon.
"Morning Grace," bati ko kay Grace na kampanting nakaupo sa harapan ng mesa niya at busy ito sa pag-aarange ng schedule ng asawa ko.
"Good morning po, "magalang na tungon niya sa akin habang ang atensyon niya ay nasa sinusulat niya.
"N-Nasaan ang asawa ko?" tanong ko.
"Wala pa po siya sa loob major, " sagot niya. Kumunot ang noo ko at tumayo ng mabuti sa harapan niya. Ang ayaw ko kasi iyong kinaka usap ako pero wala sa akin ang atensyon parang ang pangit at nababastosan ako.
"Eyes on me?" utos ko sa kaniya pero hindi niya ginawa at nagsimula ng manginig ang mga kamay niya. Sadyang mataas rin ang pride ng secretary niya pero sa nakikita ko natatakot siya sa akin. Baka nakakalimutan niyang ako ang nagbigay sa kaniya ng ganitong trabaho? Tanong ng isip ko.
"EYES ON ME!" sigaw ko kasabay ng paghampas ng dalawang kamay ko sa mesa niya kaya na patayo siya bigla at yumuko.
"Alam mo kung anong ayaw ko diba?" tanong ko. She nodded naman.
"Baka nakakalimutan mo, Grace?" galit na sabi ko.
"Mc Llishan?!" gulat na tawag sa akin ni Princess kaya automatic akong tumingin sa kaniya dahil bagong ligo pa siya.
"Anong nangyayari dito, Grace?" tanong niya kay Grace pero nakayuko lang ito. Huminga ako ng malalim dahil kay aga-aga pina-painit niya ang ulo ko.
" May problema ba tayo?" maawtoridad kong tanong sa secretary niya kaya na patingin siya sa akin at umiling at nagsilag-lagan na ang mga luha niya sa mata.
BINABASA MO ANG
A Painful Mistake (BOOK 1) COMPLETED
عاطفيةOne relationship ruined because of a one night mistake. Bata palang si Psalm Jaxeen ay may lihim na siyang pagtingin sa kababata niyang si Mc Llishan pero habang lumalaki sila ay nararamdaman niyang lumalayo na ang kababata sa kaniya. Hindi niya ma...