Kabanata 21

2.6K 49 1
                                    

FLASHBACK

"Lie!"

"Lie!"Masayang tawag ko kay Liesha habang mabilis na tumatakbo para makalapit sa kaniya. Ngayon ang unang uwe nila dito sa Pilipinas galing sa America. Ngumiti siya sa akin at binaba ang hawak-hawak niyang drawing book at masayang yumakap ng mahigpit.

"I miss you kaibigan," malimbing niyang bungad  at hinalikan pa ako sa noo at sa magkabilangan pisngi ko.

"Kumusta kana?" tanong niya sa akin at pinaupo ako sa tabi niya bago kinuha ang drawing book niya at nagsimulang itong gumuhit.

"Ito na kaibigan na miss na rin kita, "masayang sagot ko kaya tumawa siya at tumingin sa akin.

"Ang kuya ko ang miss mo, eh, "simangot niyang wika at kinurot ang magkabilangan pisngi ko at hinalikan ulit  ako sa noo. Ang lambing niyang kaibigan kaya gustong - gusto ko siya.

"Aray naman, "tawang sabi ko at hinimas-mas ang magkabilang pisngi ko. Kinikilig ako dahil binangit niya ang kuya niya na kanina pa hinahanap ng mga mata ko.

"Eh, asan ba kasi si Mc Llishan?" tanong ko. Hindi talaga mahagilap ng mga mata ko.

"Wala nasa Siargao, "sagot naman niya automatic akong nalungkot at tumango na lang.

"Kailan pala siya uuwe dito Lie?" tanong ko habang tinitignan ang ginuguhit niya.

"Hindi ko alam kaibigan Psalm. Hindi naman nagpaalam sa akin, eh. Wala akong masasagot sa iyo pero pwede kang magtanong kay daddy ko, " sabi niya kaya ngumiti ako at tumango.

"Mamaya na lang kaibigan Lie. Ano pala ang ginuguhit mo?" tanong ko.

"Bahay lang naman kaibigan. Gusto ko kasing makagawa ng magandang bahay para paglaki ko ipapagawa ko, "masayang sagot niya.

"Gusto mo tulungan kita?" tanong ko.

"Pwede ba?" tanong niya rin sa akin.

"Oo naman, " sagot ko kaya binigay niya sa akin ang drawing book niya kaya ako naman mabilis na gumuhit.

Ang kapatid ni Mommy ang artist. Magaling magdrawing at magpainting. Basta tungkol sa mundo ng ART magaling ang auntie ko pero hindi ko siya na abotan. Pasalamat nga ako natutunan ko rin ang gumuhit dahil focus ang mommy sa akin noong bata pa ako sa instruments, voice lesson, and arts.

Naglaan ako ng oras para mapaganda ang drawing ni Liesha dahil hindi siya masiyado sa mundo ng art though marunong siya kulang lang ng practice.

"Wow," mangha niyang wika at napatalon pa nung binigay ko ang drawing book niya.

"Ang galing mo talaga kaibigan Psalm. TALENTED!" Sabi niya pa sabay palak-pak.

"Sa genes na namin yan," sagot ko rin. Hindi naman ako nagmamagaling pero magaling ako basta sa mundo ng ART's.

"Salamat Psalm!" salamat niya sa akin at nakita ko ang malawak niyang ngiti habang tinitigan ang drawing ko.

"Walang anuman basta sa kakambal ng mahal kong Llishan, " sabi ko at tumayo.

"Sige kaibigan Lie. Alis na ako balik na lang ako bukas at baka uuwe na si Llishan, " inporma ko at iniwan na siya doon sa may garden nila. Nakasalubong ko si uncle Mc kaya lumapit ako.

"Hello po uncle? " magalang na bati ko at yumuko pa.

"Kumusta po kayo?" tanong ko at binigyan pa siya ng halik sa pisngi bago niya ako binuhat at pinaupo sa kandungan niya.

A Painful Mistake (BOOK 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon