Kabanata 9

2.1K 52 1
                                    

PASADO alas syete ng gabi bago kami nakarating dito sa restaurant kung saan nagpabooked ang mommy ko for our fmily dinner. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pa talagang bumaba. Lihim ulit akong napangiti dahil kinilig lang naman ako nang kaunti pero ayaw kong magpahalata sa kaniya.

"Thank you Mc," sabi bago.

"Simpleng bagay," mayabang niyang saad. Napailing na lang ako at nauna nang maglakad papasok sa loob ng restaurant.

"Doctora," ngiting tawag ko sa babaeng papasok na rin sa entrance ng restaurant. Napatingin ako sa likod ko kasi naramdaman kong may kamay na humawak sa gilid ng baywang ko.

"Doctora, " seryosong sabi naman ni Mc at pasimpleng pinisil ang baywang ko at hinapit ako papalapit sa katawan niya.

"Major Sanchez, " ngiting tawag rin ni doctora Fajardo sa kaniya.

"Hindi ko alam na magkikita pala tayo dalawa rito Major," masayang wika niya.

"No worries doctora," mabilis na sagot ni Mc Llishan at nakisabay na sa pag lalakad sa amin ni doctora Fajardo.

"Excited kana sigurado magka-anak, no?" rinig kong tanong ni doctora kay Mc Llishan kaya umangat ang tingin ko sa mukha ni Llishan at nakita ko at pag ngiti niya.

"Anyways you both healthy ng partner mo,"dugtong pa ni doctora kaya I bow my head nasaktan ako. Hindi ko maiwas ang masaktan dahil alam ko naman na going pa ang relationship nila ng girlfriend niya at hindi na ako aasa na ako ang tinutukoy ni doctora dahil naka implant ako.

"Ikaw doctora Psalm, kailan mo balak magka boyfriend?" ngiting tanong niya sa akin.

"Ang ganda-ganda mong bata wala ka naman boyfriend," segunda pa niya sa akin.

"Wala pa po sa isip ko," maikling sagot ko dahil nawalan na ako ng gana. Iyong kilig at excited ko kanina ay naglaho na sa pinagsasabi ni doctora Fajardo.

"Buti pa itong si Major pursegido," hirit niya pa at tinapik ang balikat ni Llishan. Pilit na lang akong ngumiti. Nakakasakit sa puso pero wala akong magawa kung plano ni Llishan at ng girlfriend niyang bumuo ng pamilya sila kasi dapat hindi ako.

"Kumusta naman pala ang dalawang..."

"Andito po sila daddy, doctora, "imporma ko at pinutol ang gusto niyang sabihin. Ayaw kung pag-usapan ang mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon dahil sapat na ang lihim ko na hindi pwedeng malaman ng ibang tao.

"Oh, I miss your daddy," excited niyang sabi at nauna nang maglakad kaya sumunod naman kami. Tinungo namin kung saan sila mommy kaya nagulat pa sila nang makita si doctora Fajardo.

Doctora Fajardo she is a former friend of ours dahil siya ang doctor ng mga Bachelors sa OB Gyne. Nag excuse muna ako para ayusin ang sarili ko sa restroom dahil nag-uusap pa naman sila daddy sa table namin.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Nagpowder muna ako at naglagay ulit ng liptint na siyang gamit-gamit ko ngayon para hindi ako nagmumukhang zombie. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang sarili ko sa salamin.

"Ang hirap magmahal kapag hindi ka kayang mahalin ng taong panalangin mo," bulaslas ko at tumingala. Ayaw ko nang umiyak dahil napapagod na ako at isa pa ay wala si Bella na comforter ko ngayon dahil busy siya sa Alvarez niya.

Binuksan ko ang pabango na regalo ni Bella Marieh sa akin na kasing amoy ng RED SERIES na Bench brand nabango ni mommy dati. Naalala ko pa na iyon na din ang pabango no'n na binibili ni daddy ko mula baby pa ako hanggang ngayon naman sana pero noong nakuha na ni Bella ang scent ng perfume ko gumawa siya ng kasing amoy nito kaya ito na ang ginagamit ko at libre pa.

A Painful Mistake (BOOK 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon