Kabanata 8

2.7K 62 1
                                    

Umalis kami sa condo ni AJ na wala kaming imikan. Hanggang sa maka uwe kami sa bahay. Bumababa siya sa sasakyan at padabog na sinirado ang pinto kaya na pailing na lang ako sa attitude niya dahil subrang suplado niya at ang sungit pa.

Huminga muna ako ng malalim at inalis ang seat belt ko at akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa na itong nagbukas. Nagulat pa ako dahil nasa harapan ko na pala siya at hinawakan niya ang isang kamay ko bago ako inalalayan palabas ng sasakyan. Muntik pa akong nauntog pero nakaharang na sa ulo ko ang isang kamay niya kaya napalunok na lang ako.

"S-Salamat, " utal kong wika pero hindi naman siya sumagot.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero na alarma na lang ako nang hawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay at tinungo ang kwarto namin. I feel that my heart jumping out of my chest parang bumalik kami sa senaryo noong mga bata pa kami. Ang sarap ngumiti pero pinipigilan ko dahil ganito naman talaga siya noon sa akin very protective, lovable. Siya iyong lalaking tumatayo at pumapalak-pak kapag tumutugtog ako sa harapan ng mga tao at siya iyong number fan ko maliban sa mga magulang ko.

"Mauna ka nang maligo at susunod ako, " utos niya sa akin at kinuha ang cell phone niya. Sumimangot ako dahil alam ko naman na tatawagan niya ang girlfriend niya.

"Tawagan ko lang sila mommy, " inporma niya at pinaikotan ako ng mata. Ngumiti na lang ako dahil alam niya siguro kung ano ang na isip ko at medyo napahiya ako ng kunti dahil sa overthinking ko.

"S-Sige," sang-ayon ko pero umiling lang siya.

"Just faster dahil baka naghihintay na sila mommy sa restaurant, " paalala niya sa akin.

"Okay Major, " maikling sagot at mabilis na tinungo ang bathroom.

"Wag ka nang kanta ng kanta diyan sa loob, " seryosong sabi niya. Nilabas ko ang ulo ko sa pinto at tumango bilang isang sagot sa kaniya at ngumiti lang.

"Babz!"tawag niya sa akin kaya mabilis ang mga galaw ko para isirado ang pinto. Alam naman niya sigurong matagal akong maligo kapag kumakanta ako pero, wait....

"Ehh. Kinikilig ako, "pabulong na wika ko at may kasama pang padyak sa paa. Bakit alam niya? Tanong ng isip ko.

Parang ang sarap sa pakiramdam kaya nag isip ako kung anong magandang kanta para sa emosyon ko ngayon. Bahala siyang maghintay sa labas basta kakanta ako. Ngumiti ako habang inaalis ang mga damit ko at binuksan ang shower bago tinapat ang katawan ko sa ilalim niyo.

"~Standin' by my window, listenin' for your call
Seems I really miss you after all
Time won't let me keep these sad thoughts to myself
I'd just like to let you know,
I wish I'd never let you go and~"

Habang kumakanta ay nagsasabon rin ako ng katawan para mabilis akong matapos baka mamaya iwan na niya ako dahil matagal akong maligo. Sabagay mahihiya iyon dahil sila mommy ang kasama namin dinner kahit pakita lang naman ang ginagawa niya para sa amin pero atleast kinilig ako.

"~I'll always love you, deep inside this heart of mine
I do love you
And* I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will, love you~"

"Babz!" rinig kong sigaw niya sa akin kaya naputol ang pagkanta ko habang naliligo ako. Nagulat pa ako dahil nakatingin na pala siya sa akin habang dala ang towel ko.

"Anong ginagawa mo bakit ka nakapasok?" gulat na tanong ko.

"The door is open," seryosong sagot niya.

"Halla, Babz! Sinirado ko ang pinto," sabi ko dahil sinirado ko talaga ang pinto at hindi ako pwedeng magkamali.

"I'll told you a while ago na wag kang kumanta dahil hindi naman matatapos ang pagligo mo at bukas na tayo magdi-dinner niyan," sabi niya.

A Painful Mistake (BOOK 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon