Chapter 1

2.3K 27 0
                                    

Chapter 1

Francine Claire Buenavista

Nakapangalumbaba ako mula sa labas ng bahay, isang linggo na siyang naka luwas ng maynila ni hindi niya na isipang sumulat o tumawag man lang.

"Miss mo na siya?"

Tumabi si Ires sa kahoy na inuupuan ko. Dahan dahan akong tumango sa kanya

"Pano kong wala siyang balak na bumalik dito? Pano kong kinalimutan ka niya? Sa gwapo ba naman niya imposibling walang nahuhumaling sa kanya,wag mo ng pang hawakan ang pangako niya"

Matalim ko siyang tiningnan,walang hiyang babaeng to broken na nga ako.

"Tumahimik ka Ires babalik siya nangako siya."

Inikutan niya ako ng mata dahil sa sinabi ko.

" Chee... Umasa na naman ang tanga bahala ka nga diyan sinasabi ko sa'yo hindi na babalik iyon sa estado ba naman ng buhay non."

Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi niya ano kaya kong luluwas ako ng maynila?kinuha ko ang piraso ng papel na nasa bulsa ko at binuklat ito.

Ito ang address na binigay niya sakin bago siya umalis.

"Pano kaya kong luluwas ako ng maynila?makikipag sapalaran na ako roon,tutal wala na rin naman si lola ako na lang ang mag isa,susubukan ko na rin siyang hanapin."

Bumuntong hininga ako at hinarap si Ires matalim na mata ang bumungad sa akin.

"Nahihibang kana ba?wala pang tatlong araw na inilibing si lola tas aalis kana? Fran mag isip ka nga."

Namatay si lola dahil sa katandaan iniwan niya na akong mag isa, may naiwan pa naman akong limang libo dito nakita ko sa kabinet ni lola.

"Gusto ko siyang makita at makipag sapalaran na rin doon malay mo doon na ang swerte ko."

Rinig ko ang marahan niyang buntong hininga

" Sigurado kana ba diyan sa disesyon mong iyan?hindi na ba kita mapipigilan?"

Tumango ako sa kanya

" Iiwanan ko sa iyo ang bahay namin ikaw muna ang tatao, padadalhan kita ng pera para sa pag babantay mo reto"

Kita ko ang pag liwanag ng mata niya, basta talaga pera mabilis na mag liwanag ang mukha niya.

Napa iling iling ako.

"Kong gusto mo ehh tulongan na kitang mag impake. Kilan ba ang luwas mo?may pera ka ba? Papahiramin kita?"

"Bukas na ang plano kong pag luwas ng maynila may ipon naman ako para pamasahe at saka may address na ibinigay si Aqua baka makakatulong ito"

Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

Ilang sandali pa ay umuwi na siya dahil mag gagabi na rin kaya pumasok na ako sa loob ng bahay at hinihanda ang mga gamit na dadalhin, niyakap ko ang picture frame ni lola ito na lang ang tanging alaala niya na naiwan sakin.

Mamimiss kita lola, ilang araw rin akong mawawala sa bahay luluwas ako ng maynila para hanapin siya. Gabayan mo sana ako sa disesyon kong ito.

Hinamlos ko muna iyon bago ko ito sinilid sa bag, nilibot ko ang paningin ko sa kwarto kong maliit sira sira ang dingding at gawa lang sa kahoy pero masaya ako pero iniwan na ako ng lola na siyang dahilan kong bakit hindi ako sumuko iniwan nila akong dalawa mamimiss ko ang bahay na ito,hindi ko alam kong anong kapalaran ang nag hihintay sa akin sa maynila.

Sana'y makita kita doon Aqua.

Aqua Frank Solividad- siya ang lalaking Mahal ko makisig at mabait madami ngang nahumaling sa kanya dito sa baryo namin,mayaman rin sila nag bakasyon lang siya reto dahil naiingayan raw siya sa maynila gusto niya ng sariwang hangin kaya dito siya pumunta sila ang may-ari ng lupain na pinapatayuan ng bahay ng taga reto.

Umuwi lang siya dahil tumawag ang tauhan niya may nangyari daw, Isang linggo na ang sabi niya babalik siya,pero hanggang ngayon hindi parin may iniwan siyang address sakin pero hindi ko alam kong saan ito.

Humiga na lang ako sa maliit na kama at pilit ipikit ang mata, nakaramdam ako ng antok dahil siguro sa pagod ang pag iisip ko.

Obsessed with my probinsyana maidWhere stories live. Discover now