Chapter 19
Francine
Palihim akong nakikinig sa likod ng pintuan, Nandon din sila Manang sa loob ng kwarto ni sir Aqua kasalukuyan kasing chinicheck si ma'am Kate.
"How's my baby doc?"
Halata sa boses ni Sir Aqua na nag pupuyos lang siya ng galit.
Bakit ba hindi múna niya alamin ang buong katutuhanan bago siya magalit sakin? Ni hindi ko nga ginalaw si Ma'am Kate.
"The baby is fine, but don't let this happened again masiyadong mahina ang kapit ng bata. Maaaring makunan na siya pag naulit ang ganitong pangyayari."
Muktik ng mawalan ang baby nila dahil sa kagagawan niya.
Rinig ko ang bawat singhapan ng nasa loob, nadatnan rin ako ng doctor sa labas na nakikinig tiningnan muna niya ako at kaagad ring umalis.
Lumabas si Manang kasama ang tatlo may pag alala sa kanilang mukha.
"Ano ba talaga ang nangyari iha?"
"Bakit mo iyon ginawa Francine alam mong buntis si ma'am Kate,Hindi naman maka tarungan na gawin mo iyon alam naming may gusto ka kay sir Aqua pero wag naman sa ganong paraan na gawan mo ng masama si ma'am Kate." Galit ang nababakas sa mukha ni Sabel.
Kumunot ang noo at mabilis na pumatak ang luha sa mata ko.
"Sa tingin mo ba Sabel magagawa ko ang bagay nayon? Bakit hindi mo muna alamin ang buong pangyayari bago mo sabihin ang bagay na yan? Oo Mahal ko si sir Aqua pero hindi sa puntong gawin ko ang bagay na iyon kay Ma'am Kate may konsensiya rin ako Sabel. "
Walang emosyon kong sabi habang walang humpay ang luha ko sa pag tulo.
"Sabagay kahit Anong gawin kong ipag tanggol ang sarili ko walang maniniwala. Mauna na ako Manang may trabaho pa akong dapat tapusin."
Tinalikuran ko silang lahat wala na akong kakampi kundi sarili ko na lang.
***
"Dalhin mo ito sa labas Francine."
Tumango ako kay Manang at nilagpasan si Sabel na kanina pa naka tingin sa akin.
"Francine."
Hinawakan niya ang braso ko at tiningnan niya ako sa mata.
"Sorry sa paratang ko sa'yo "‘nong isang araw"
Tiningnan ko siya at tumango.
"Wala ‘yon."
Binitiwan niya ang kamay ko kaya dumeretso na ako sa labas.
Ngayon ang party kaya walang tigil kami sa pag lakad labas. Maraming bisita at halatang enjoy na enjoy sila.
Nag simula na ang party pero may opening announcement pa siguro ‘e aannounce kasalanang magaganap at pag kakaroon nila ng anak.
“Good evening ladies and gentlemen,thank you for coming in our party, anyway we're here to announce out upcoming wedding and of course we healed this party for our baby.. yes you heard it right we having a baby."
Bakas sa mukha ni sir Aqua ang saya. Mukhang gusto gusto na niya mag ka anak at ang bruhilda walang tigil sa pag ngiti ng haplusin ni sir Aqua ang kanyang tiyan.
"Congratulations Mr. Solividad"
"Enjoy the party Everyone! There's a lot of food there!"
Nag palak pakan ang buong bisita sa huling sinabi ni sir Aqua panay rin ang bati sa kanila.
"Okay ka lang ba Francine?"
Tinapik ni Sabel ang balikat ko tango lang ang sinagot ko sa kanya.
Panay alalay rin si Sir Aqua sa kanya,nilihis ko ang tingin ko ng tumingin siya sa gawi ko.
"Hey Francine nandito ka pala long time no see!"
Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likuran ko kaya muntik ko ng mabitawan ang dala kong tray.
Si Drew lang pala.
"Drew ano ba nakakahiya ka ang daming tao pwede ba may trabaho ako."
Tumawa lang siya sakin.
Ang gwapo niya sa suot niya kaya panay tingin ng mga babae sa gawi namin matalim nila akong tiningnan.
"Ang sama ng tingin ng mga babae mo sakin tukmol ka bat mo kasi ginawa iyon?bwesit ka talaga."
" One more curse Fran I'm warning you hahalikan talaga kita reto."
Napa ikot ang mata ko sa sinabi niya.
"Kong kaya mo gago!"
Ngumisi siya sakin kaya lalong napa ikot ang mata ko.
Hah?gusto mo lang yata kitang halikan tingnan nga natin wala akong sinabi na hindi ko ginagawa Francine.
Nagulat ako ng bigla niyang kabigin ang batok ko at siniil niya ako ng halik,nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya natuon ang atensyon ng camera sa amin gulat na gulat ako sa pangyayari.
"Wala akong sinabi na hindi ko ginawa Francine."
"Gago ka! Tangina mo Drew bweset ka!"
Pinag papalo ko siya ng tray na walang laman. Panay tawa lang ng gago habang ako namumula sa hiya gumala ang mata ko at natuon sa Isang dereksyon.
Napa lunok ako ng mag tama ang mata namin ramdam ko ang galit don, nanlaki rin ang mata ko ng mabasag ang glass wine sa kamay niya.
YOU ARE READING
Obsessed with my probinsyana maid
Dla nastolatkówFrancine ang pangalan ng babaeng lumuwas ng maynila para makipag sapalaran at mahanap ang lalaking Mahal niya, ano kaya ang malalaman niyang ikaka guho ng mundo niya? Start: October,5,2023 End: