ONE

4 0 0
                                    

Ako si Dan, isang Collage Student sa isang University sa Bataan.

Simpleng estudiyante lang ako, hindi masyadong matalino.. sakto lang.

=======================================================

"Sa tingin niyo class bakit nangyayari ang mga nangyayari sa paligid natin?" tanong ng Philosophy teacher namin..

natahimik ang buong klase sa tanong niya na yun..

"Sir!" may nagtaas ng kamay..

"yes Mr. Laus?"

"para malaman natin na nangyari ang pangyayaring yun.." huh? anu daw?? ang gulo. nakatulala lang yung buong klase sa kanya.. pero nakangiti lang si Sir.

"sige Mr. Laus continue.."

"ahm.. kasi Sir.. hindi natin malalaman yung mga pangyayaring yun kung hindi mangyayari.. okay, haha. I'll make it more understandable. Ngayon sir.. may multo sa tabi mo.. sinampal ka nya ng napakalakas.. nalaman niyo bang nagyari yun??"

"hindi.."

"Kasi wala kayong nakita o naranasang ganung pangyayari.." okay, okay.. hindi ko pa din naiintindihan.. tinignan ko yung mga kaklase ko, mukhang hindi din naman nila naintindihan..

"Sir Time na!" sigaw ko. lunch na kasi at gutom na gutom na ko.. hindi na natapos ang discustion nilang dalawa. pero wala kong pakialam dahil sembreak na!! wooooh!

"Dan! alam ko na kung san tayo ngayong sembreak!" sigaw ni Eduard.

"saan tayo??" tanong ko sa kanya..

"Kila Jano tayo! sa Pampanga. haha. wala daw dun yung mama niya. matagal pa bago bumalik. okay daw dun sa kanila. pwedeng mag ingay at pwedeng pwede mag PARTY PARTY!!!" Mukhang masya tong sembreak ko ah!? Ayus to!

"teka? sino sino nga pala tayo?" tanong ko sa kanya.

"Si Laus, si Jam, si Den, si Jano, si Gregy, si ako at si ikaw. kumpleto tropa tayo!"

"walang babaeng sumama? "-.- )"

"marami daw chiks dun! kaya kung magsasama tayo ng chiks galing dito.. masisira diskarte natin!"

"oo nga nu! paminsan minsan pala may pakinabang din yang hangin sa loob ng ulo mo! haha!"

"gago. tara na kain na oyats!"

natapos na ang lahat ng subjects..

nagsiuwi na agad kami.

Pag uwing pag uwi ko inayos ko agad yung mga damit na dadalhin ko.. haha. excited much na ko! pero hindi dapat ako mahuli nila mama.. kasi siguradong hindi nila ako papayagan.. saka nalang ako magpapaalam pag nandun na ko. haha. wala na silang magagawa..

***

Puro puno sa paligid ko.. medyo madilim.. para kong nasa isang gubat.. may nakita kong babae.. nakaitim na damit.. itim at mahabang buhok.. hindi ko maaninag ang mukha niya.. naglalakad lang siya sa likod ng mga puno.. naririnig ko ang pagtawa niya..

alam kong nananaginip lang ako.. pero ayokong gumising, ayokong sinisira yung mga panaginip ko.. hindi ko din alam kung pano ko nalalamang panaginip tong nararanasan ko, pero sigurado akong nananaginip lang ako.. at kayang kaya kong gumising kahit anung oras ko gustuhin.. pero may isang bagay akong hindi ko kayang kontrolin.. ang mga pwedeng mangyari sa panaginip ko.. may sinabi sakin si Laus eh.. kaya ko daw nalalaman na nananaginip lang ako dahil matindi ang konesyon ng physical body ko at ng spiritual body ko. at kaya ko daw hindi nakokontrol ang panaginip ko dahil hindi ko talaga panaginip 'yon. naglalakbay daw ang spiritual body ko pag natutulog ako, at pumupunta sa lugar na nasa labas na ng mundo ko..

Daniel Gunon's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon