SIX

4 0 0
                                    

si Laus..

wala na siyang ulo!

nakatayo pa yung katawan niya at nagingisay.. sumisirit ang dugo nito mula sa leeg. at bigla itong bumagsak.. halos masuka ako sa nakita ko.. mabilis na sinara ni Jam ang pinto.

"S-sinong gumawa kay Laus nun!!" pasigaw na tanong ni Den.

tulala lang si Eduard.. si Gregy naman ay nakasiksik sa sulok ng salas.

"sabihin mo! anung nakita mo!" hinawakan ni Den sa damit si Eduard at itinatayo to. pilit na pinagsasalita..

"h-halimaw!!" sabi ni Eduard.

"baliw kna ba?!" sabi ni Den.

"bigla nalang may bamaba sa likuran ni Laus galing sa itaas at kinagat si Laus sa gilid ng leeg tapos hinatak niya yung leeg ni Laus hanggang sa maputol.. t-tapos bigla nalang ulit yun lumipad palayo..!" sabi ni Eduard..

hindi namin alam kung maniniwala kami.. p-pero sa mga nangyayaring to at sa reaksyon ng mukha ni Eduard mukhang hindi na siya magsisinungaling pa.

napaatras si Den at napaupo sa sofa..

"tang ina! sino bang nakaisip nang gala na to!" sabi ni Den..

"kailangan nating lumabas para mabuhay.." sabi ni Jam..

"pano tayo mabubuhay kung lalabas tayo kung nasa labas yung papatay satin?!" sigaw ni Den kay Jam.

Nahinto ang pagtatalo namin nang biglang may nabasag sa may kwarto..

tinignan namin ano yun..

sinilip namin yung kwarto..

sira sira yung bintana.. balubaluktot yung rehas na bakal.. parang may kung anong napakalakas na nilalang na sumira sa bintana..

lumapit si Gregy sa may pinto para silipin kung ano yung nasa loob..

pero napaatras kami ng biglang tumilapon si Gregy sa may pader sa tapat ng pintuan ng kwarto kasabay ng isang halimaw..

halimaw na may pakpak.. parang isang malaking paniki.. pero iba to.. parang taong paniki.. naka suot ito ng coat tapos may hood pero nakataas yung mahabang coat niya dahil sa papak niya. nakakakilabot yung itsura nito.

kinagat niya si Gregy sa leeg.. parang kinakain niya.. halos bumaligtad ang sikmura namin sa nakita nami..

bigla tong tumingin samin.. ang pula ng mga mata niya at nagliliwanag..

"tumakbo na tayo!" sigaw ni Den.

bigla akong natauhan at mabilis na tumakbo palabas ng bahay ganun din sila Den, Jam at Eduard. palabas na kami ng bakuran ng biglang mabilis na sumulpot sa harapan na min ang halimaw. sa sobrang takot ko tumakbo ko papunta sa kubo ni mang George. hindi ko na napansin kung saan tumakbo ang iba pa.. pumasok ako sa kubo at nagtago sa Cabinet..

mula dito naririnig ko ang mga sigawan nila.. tang ina! sobrang nakakatakot!

narinig kong sumigaw si Eduard at unti unting humina yung sigaw niya na parang papunta sa itaas..

hindi ako makapagdesisyon kung ano ang gagawin ko.. pag lumabas ako dito dalawa lang ang pwedeng mangyari.. mabuhay ako o mamatay ako..

biglang may kumalabog.. galing sa pintuan ng kubo.. tahimik lang ako..

sinilip ko mula sa awang ng pinto ng cabinet kung sino yung pumasok..

Yung halimaw! tarages! para kong maiihi sa takot! gusto kong maiyak sa sobrang takot ko.. ayoko pang mamatay! ayokong mamatay sa ganitong paraan!!

pinagmasdan ng halimaw yung loob ng kubo.. maliit lang kasi tong kubo. kaya mula sa pintuan ay kita mo na lahat..

sana lang hindi niya tignan tong cabinet na pinagtataguan ko!

pumasok yung halimaw sa loob ng kubo.. tinignan niya yung ilalim ng papag..

tang ina! dito na siya nakatingin! lumalakad na siya papalapit.. shit!!

Daniel Gunon's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon