"AAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
biglang may sumigaw galing sa labas. kilala ko yung boses na yun.. si Den yun.
huminto yung halimaw sa paglalakad palapit sa cabinet.. pumwesto siya sa may pinto at ipinagaspas ang pakpak. halos mabumaligtatd tong loob ng kubo sa lakas ng hangin mula sa pakpak nito. mabilis tong lumipad papaalis..
sinilip ko muna kung wala na talaga siya.. mukang safe nang lumabas.. binuksan ko yung Cabinet.. pagbukas ko biglang may bumagsak sa tabi ko galing sa loob ng cabinet..
tao.. na nakasilid sa malaking plastic..
si mang George! kamuntik na kong mapasigaw.. ang ibig sabihin hindi pala siya nakaalis ng gabing magpaalam siya samin..
kailangan ko na talagang umalis!
tumakbo ako palabas ng kubo..
tumingin ako sa buong paligid.. wala na yung halimaw..
tumakbo ako papalabas ng bakuran..
biglang may humawak ng mahigpit sa balikat ko.
si Jam..
"tara na umalis na tayo dito.." sabi ko kay jam..
mabilis kaming tumakbo papunta sa labasan..
"asan si Den??" tanong ko kay Jam hang tumaktabo kami.. hingal na hingal na ko..
"kinuha na siya nung halimaw.." hingal na sagot ni Jam..
bigla akong tumumba. tumama yung ulo ko sa nakausling bakal sa ginagawang pader sa gilid ng daan.
"bilisan mo!!" sigaw ni Jam sakin habang itinatayo ako..
biglang may pumagaspas mula sa itaas. parang malaking ibon.. siguradong yung halimaw na yun!
agad akong tumayo at pinagpatuloy ang pagtakbo..
natatanaw na namin yung nadaanan namin kaninang ginagawang tulay!
nakabukas pa yung mga ilaw. sobrang liwanag dun. siguradong may mga tao dun na pwedeng makatulong samin!
"bilisan mo Jam!" saigaw ko kay Jam.
malapit na kami sa tulay ng biglang huminto si Jam sa pagtakbo..
ngumiti siya sakin..
"ligtas kana.." sabi niya sakin..
mabilis na dinagit ng halimaw si Jam..
hindi ko na talaga napigil.. naiyak na ako.
tumakbo ako papunta sa tulay.
ano ba tong nangyari samin?! lahat ng barkada ko namatay!! sana hindi nalang talaga kami tumuloy dito! kung makakaligtas man ako, anung sasabihin ko sa mga parent nila?! na kinuha sila ng halimaw?!
narinig ko nanaman yung pagaspas ng pakpak ng halimaw!
lalo ko pang binilisan yung takbo ko..
nahihilo na ko.. lumalabo na yung paningin ko.. siguro dahil sa pagkakauntog ko kanina sa bakal.. hindi ko na kaya..
sumubsob na ako sa daan.. bumaba yung halimaw sa may bangdang harapan ko.. medyo malabo na ang paningin ko.. mula sa pagkakadapa ko.. paanan niya lang ang nakikita ko.. mga paang hindi pang tao..
***
sobrang liwanag..
"nasaan ako..?"
tinignan ko yung paligid ko..
nasa loob ako ng isang kwarto..
may suwero ako sa kamay ko..
nasa tabi ko si mama.. nakaupo siya sa may bangko at nakadukdok sa may gilid ng hinihigaan kong kama..
"ma.."
"ma.."
"A-anak??!" gulat na gulat na sabi ni mama.. "sa wakas na gising kana.." halos maiyak si mama habang niyayakap ako..
bigla kong naalala yung nagyari..
"ma.. sila--" di pa amn ako tapos mag salita eh inunahan na ako ni mama..
" nakasidente kayo.. sa may ginagawang tulay.. bumigay yung tulay na dinadaanan niyo.. napakalagim ng nangyaring aksidenteng yun.." sabi ni mama.
"p-panong mangyayari yun?? si Jam?! si Den?"
"magpahinga kna anak.."
"si Laus?! si Gregy?!"
"kumalma ka muna.."
hindi ko na napigilan ang sarili ko.. nagwala na ako.. biglang nagpasukan yung mga nurse at doktor.
***
5 days na ang lumipas..
napag alaman kong naaksidente nga kami..
nang gumuho yung tulay naipit kami sa ilalim..
si Jano, nakitang may nakasaksak na basag na salamin sa leeg..
si Laus naman napugutan ng ulo dahil nadaganan ng bato..
si Gregy may tumusok na bakal sa leeg niya.. umabot pa daw siya sa ospital na buhay.. kaso namatay din agad..
si Eduard, sabi ng ibang nakakita nakatalod pa daw palabas ng sasakyan.. ang kaso gumuho din yung kinakapitan niyang bakal..
si Den ang pinakamalala ang nagyari.. nakatalon din siya.. ang kaso kagaya ni Eduard gumuho din yung kinakapitan niya.. ng mahulog siya.. nabagsakan siya ng mge semento.. hindi na siya makilala.
si Jam, nakita naman na parang nakatayo sa may ibabaw ko.. sa may medyo haram kasi ako nakaupo.. ang sabi ng mga nag imbestiga.. baka daw tatalon din dapat siya kaso may sumaksak na bakal sa ulo niya..
buti nga daw nasa may bandang ibabaw ko si Jam eh.. maliit na bato lang ang tumama sa ulo ko..
[THE END]