nagising ako.. tinignan ko yung oras.. ala una ng madaling araw.. bagsak na silang lahat.. dito na pala kami nakatulog sa sala.. hindi pa nila napatay yung ilaw.. tumayo ako para patayin yung ilaw nang may nakita ako sa labas mula sa bintana.. may mga babae.. papunta sila sa gubat.. unti unti silang naglaho ng mapunta sila sa may madilim na parte ng gubat.. kinusot ko yung mata ko.. wala na sila. baka namamalikmata lang ako. haha. ALAK PA! natulog na lang ako ulit.
kinaumagahan. pag gising ko. wala na sila.. lumabas ako ng bahay.. nandun sila sa lamesa sa labas.. mga nagsisipag kape. nandun din si mang George.. pumunta ko sa kanila.. kinuwento ko yung nakita ko sa kanila.. natahimik silang lahat..
"si Den naman daw may narinig na nagtatawanang mga babae, kagabi ng tulog na tayong lahat. mga bandang ala una na daw yun.." sabi ni Eduard.
"Wag niyo nalang pansinin yun.." sabi ni mang George.
"huh? anu po ba talaga yung mga yun?" tanong ko sa matanda..
"naniniwala ba kayo sa multo??" tanong ni mang George.
walang nakasagot samin maliban kay Jam..
"opo.. at alam ko na ang kwento pag dating palang namin dito.. pero hindi nila ako paniniwalaan pag ako ang nagkwento. kaya kayo na ang magkwento sa kanila" sagot ni Jam..
"wag mo sabihing bukas ang ikatlo mong mata iho?" tanong ni mang George kay Jam.
"opo. tama po kayo.." sagot ni Jam.
"ano? ano na yung ikkwento niyo.?" sabi ko sa kanila..
"ah. eto na... 1956 pa yun, siguro kaedad niyo ko pa ako nun. limang taon bago ipanganak yung mama mo Jano.. dati kasing paupahan yong bahay na iyan.. .. pati yung bahay sa tabi niyan.. mayroong nakatirang pitong magkakapatid na babae diyan.. nangupahan sila diyan sa tinibag na bahay.. ang sabi nila mga taga Capiz daw sila.. eh nagkaroon daw ng problema sa pamilya nila. kaya kinailangan nilang lumipat dito.. mababait naman sila.. pero matatanda na.. nasa sikwenta siguro edad ng pinaka bata sa kanila.. at nasa 70 na ang pinaka matanda.. pero parang hindi sila mga matatanda kung kumilos.. nakakapaglinis pa sila nitong buong bakuran.. pero bigla nalang silang naglaho na parang bula.. ang sabi ng umuupa sa katabing bahay nila.. may narinig daw silang mga sigawan at kalabugan sa bahay na yun nung gabi bago sila mawala.. pero nang tinignan naman namin yung bahay.. walang bakas na may naganap na gulo sa loob ng bahay. nakaayos lahat ng gamit. at malinis ang buong bahay.. limang buwan ding bakante yung bahay.. pero hindi na sila bumalik.. kaya nagpasya ang lolo ni Jano na paupahan na ulit yang bahay.. kaso hindi pa man lumalagpas ang isang buwan eh umalis na agad. hindi naman nila sinabi kung bakit. pero nagmamadali silang umalis.. ganun din ang sa mga sumunod na pamilyang tumira jan.. pero yung huling pamilyang tumira jan eh nakausap ko.. may mga nagpaparamdam daw sa kanila.. pilit silang pinapaalis.. ilang taon pa ang lumipas eh pinagiba na yang bahay na yan. dahil wala nang umuupa. at para hind na daw madamay pa sa kamalasan yung isa pang bahay.." kwento ni mang George.
"nakakakilabot naman pala yung kwento na yun.." sabi ni Jano.
"pero matagal na yun. haha. sabi nga dun sa nabasa ko. wag mo nalang daw pansinin ang mga multo para hindi sila magpapansin." sabi naman ni Den.
"oo tama ka iho, mas mabuting kalimutan niyo nalang yun.." sabi ni mang George.
Hindi na nga lang siguro namin papansinin.. mag paparty party nalang kami! hahaha!
"makiparty nalang sila sa'min para mas masaya!" sabi ni Gregy.
***
kinahapunan.. lumabas kami ng bahay.. umikot kami sa buong bario. ang dami palang kakilala ni Jano dito.. at tama siya.. marami ngang chekas dito! inaya niya yung mga kababata niya dito na magpunta sa party namin mamaya. ayus to! dapat maka score ako!!
bumalik na kami sa bahay.. hinanda na namin yung mga kailangan namin..
"pagkain.. alak.. pagkain.. alak.. pakain.. alak.. pagkain.. alak.. pagkain.. ano pa bang kulang??" tanong ni Gregy..
"MUSIC!!" sigaw ko. "hindi kumpleto ang party kung walang Music!!"
"may utak ka pala?!" pang aasar ni Laus.
"Gago! meron naman akong utak. kaso sakto lang. di mo katulad! sobra sobra sa utak. tignan mo buhok mo parang utak na din sa sobrang kulot! HAHAHA!" bara ko sa kanya.
"jan ka matalino! kalokohan! ulul!" singit ni Jam.
"mga iho.." si mang George.. may dalang mga gamit at bag. "mapapaaga yung alis ko.. may sakit na kasi yung kapatid ko sa bulacan. baka hindi na ako umabot eh. alam niyo na.. hehe.."
tumingin ako sa langit.. halos madilim na yung paligid.. quarter to 7 na pala..
"sige po mang george.. ingat po kayo.." sabi ni Jano
"gusto niyo po ba ihatid na namin kayo sa sakayan ng bus??" sabi ni Eduard.
"ah eh hindi na. kaya ko na to.. malakas pa naman ako.. at mukhang magkakasiyahan kayo jan. ayusin niyo na muna yan at baka mamaya eh magsidatingan na yung mga bisita niyo.." sabi ni mang George.
"Okay, kayo po ang bahala.. basta po mag ingat kayo sa daan.." sabi ni Eduard.
bumalik na kami sa pag aayos.. maya maya pa ay may mga dumating na. halos puro kababaihan yung mga nagsidating at.. well.. walang tapon! hanep pala dito sa lugar nila Jano! haha.
sa labas na kami nagparty dahil hindi kami kasya sa loob. nagpatuloy pa yung party.. mga nakainom na din lahat.. kaya mga wild na yung mga babae.. haha. ang saya ng ganito. napapaligiran ka ng mga naggagandahang kababaihan. eto na siguro ang pinaka masayang sembreak na naranasan ko!
teka.. anu tong nakikita ko??! si Gregy.. may kausap na babae.. ayus din! haha. mukang dumidiskarte ah? diskarteng marino nanaman tong si Gregy.. haha. mukang masaya to! nagbubulungan pa.. at may tinuturo yung babae.. sa loob ng bahay. alam na! nauna nang pumasok si Gregy..
inaantay kong sumunod yung babae pero maglilimang minuto na hindi pa din siya pumapasok..
ahhh! siguro para hindi masyadong halata.. hahaha. style niyo bulok!
"AHHHHH!! demonyo!! demenyo!!" lumayo ka sakin!!" nahinto ang lahat nang may biglang sumigaw.. tumakbo agad kami sa may bahay para tignan kung sino yun, di pa man kami nakakalagpas ng tatlong hakbang ay nakita na namin si Gregy tumatakbo papalabas ng bahay at takot na takot!
"Pre?? anung problema??" tanong ni Laus kay Gregy.
"D-d-d-demonyo! demonyo yung babaeng yun!" may tinuturo si Gregy sa may banyo.. tinignan naming anim nila Jano yung banyo.. pero wala naman kaming nakita..
itinayo namin siya at iniupo sa upuan sa may labas.. bigla nanaman siyang nagwala.
"ikaw! ikaw yun! demonyo ka! demonyo ka! lumayo ka samin!" tinuturo niya yung babaeng kausap niya kanina..
"huh? pre naman.. wag ka naman ganyan sa kababata ko.. babae yan pre.. lasing kana.. magpahinga kana.." awat ni Jano kay Gregy..
"inaya mo ko sa may banyo! pinauna mo pa nga ako eh! tapos ng hinahalikan na kita bigla kang naging nakakakilabot na matandang nabubulok ang balat na may mga bulate sa bibig! demonyo ka!!!" paliwanag ni Gregy.. ngayon ko lang nakita na nagkaganito si Gregy.
"pero pre.. hindi siya umalis dyan sa pwesto niya.. kanina pa mula ng umalis ka.. nagtaka nga ako kung bakit hindi siya sumunod eh.." sabi ko kay Gregy..
natahimik siya at pinakalma ang sarili..
kinausap namin yung babae.. sinabi niya samin na bigla daw siyang dinatnan ng mens niya kaya nahiya na siyang sumunod..
hanggang sa natapos ang party tahimik lang si Gregy, nakatulala. pero hindi siya natutulog..
ano nga kaya yung nakita ni Gregy? dala lang kaya talaga ng kalasingan yun? pero yung reaksyon niya kanina. parang takot na takot talaga siya..
***
