"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
para kong natanggalan ng bara sa lalamunan. at nakahinga ng napakaluwag.. nawala yung lalaki.. nagising silang lahat sa sigaw ko..
"anu yun pre?!" gulat na gulat si Jano..
"may nakita kong lalaki! nakatayo siya dyan kanina sa may pintuan! tapos papalapit siya ng papalapit satin!"
"tang ina naman pre! nananaginip ka lang! itulog mo na yan!" sabi ni Laus..
"nakita ko din siya Dan.." sabi ni Jam.
tumayo si Jano at lumabas ng kwarto.. binuksan niya yung ilaw sa may salas..
"haha. mga baliw. eh wala namang tao dito eh.." sabi ni Jano..
pinatay ni Jano yung ilaw sa salas at binuksan yung ilaw sa kwarto, tumayo siya sa may pintuan..
"sigurado ko sa nakita ko! diyan pa nga mismo siya nakatayo sa tinatayuan mo ngayon eh." sabi ko sa kanila.
"ulol! haha. gagawin mo pang haunted tong bahay namin sa pampanga! hahaha."
walang nakapagsalita..
nakatulala lang kaming lahat..
"Oh ano?? tititigan niyo nalang ba ko?? haha. magsitulog nalang tayo!" sabi ni Jano..
..sa nasa likuran ni Jano..
isang pares ng nanlilisik at pulang mata..
"J-jano.. sa likuran mo.."
bago pa man makalingon si Jano ay hinawakan na siya nito sa buhok at tinusok ang leeg ni Jano gamit ang matutulis nitong kuko sa kamay.. Dahang dahan nitong hinatak ang lalamunan ni Jano..
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!" biglang sumigaw si Laus.
parang biglang nagising ang lahat.. at mabilis na nagtakbuhan papunta sa may bintana.. para kaming mga baliw na pinipilit sirain yung bintana na may rehas na bakal..
pag tingin namin sa may pinto, wala na dun yung lalaki.. wala na din si Jano.. kumalma kaming lahat..
mabilis kaming lumabas ng kwarto.. tinignan namin sa bintana. nandun yung lalaki.. hila hila niyang kinakaladkad yung katawan ni Jano.. siguradong patay na si Jano. pakshet! kailangan na talaga naming umalis..
biglang may tumilapon na cellphone sa likuran ko.. cellphone ni Eduard. wala daw signal..
tinignan ko yung sakin.. wala ding signal.. pati yung sa iba.. kamalas malasan!
"ano nang gagawin natin?!" sabi ko sa kanila..
"mamamatay na tayong lahat mga bobo!" sabi ni Gregy.
biglang sinapak ni Eduard si Gregy. Napaupo si Gregy sa lakas ng suntok sa kanya ni Eduard.
"Kung gusto mo nang mamatay! Pwes hindi mo kami katulad! Aalis kami dito at uuwing buhay!" sigaw ni Eduard sa kanya..
sumilip ako sa bintana.. wala na dun yung lalaki.. hindi namin alam kung lalabas na kami.. pero kailangan na talaga naming lumabas dito..
binuksan ni Laus ang pintuan.. una siyang lumabas para icheck ang paligid.
"wala na siya dito.. tara na.." sabi ni Laus..
"teka lang pre kukunin ko lang yung iba kong gamit." sabi ni Jam. sinamahan na namin siya ni Den sa kwarto..
"bilisan niyo! iwan niyo na yan!" sigaw ni Eduard na halatang kinakabahan na.. hindi talaga biro tong nangyayari samin na to.. may pumatay sa isa naming kasama. hindi pa namin sigurado alam kung sino nga ba yung pumatay na yun sa kanya. madilim kasi kanina. hindi ko alam kung paano pero nagliliwanag yung mga mata niya. at hindi din siya yung lalaking nakita ko kanina.. dahil longsleeves yung suot niya. nakita ko nang laslasin niya yung leeg ni Jano.. medyo natamaan kasi ng ilaw yung braso niya. tang ina talaga! pero ang mahalaga sa ngayon makauwi kami ng buhay!
paglabas namin ng kwarto dinatnan naming naka upo sa sahig sila Eduard at Gregy. nakatingin sila sa labas ng pinto at parang takot na takot. mabilis kaming tumakbo para tignan yung tinitignan nila sa labas..